28

840 51 44
                                    


VICE POV.

"Ang sakit na ng Paa ko." saad ko habang nilalakbay ang masukal na gubat. Bitbit namin ang tigisa naming bag na naglalaman ng mag kakailanganin namin in case na may emergency.

"Gusto mo buhatin na kita?" saad nya sakin pero tumanggi ako.

Nakita ko namang parang umiling sya pero di ko na lang ito pinansin.

Maya maya pa ay nakarating kami sa isang madamong bahagi ng isla.

"Magpahinga muna kaya tayo?" Yaya ni Ion at kumuha naman aya ng banig mula sa bag nya at inalatag sa damo. Umupo ako at humiga naman si Ion sa lap ko.

Kung tutuusin, para lang kaming nag pipicnic. Umaga narin kasi at hindi masyado tirik ang araw.

(Ganyan na ganyan yung set up.)

"Matulog ka muna, mag babantay ako sayo. Natulog naman ako nung nandun tayo sa yate eh." saad ko habang hinihimas himas ang buhok nya. Tanging ngiti lamang ang sinagot sakin nito.

ION POV.

"Dalian mo tuy!" sigaw ko sa isang bata habang tinatahak ang madilim at masukal na gubat.

"T-teka lang masakit nga paa ko eh! Shonga kaba!" Sigaw nya sa akin at huminto. Humawak naman ito sa dalwang tuhod nya at huminga dahil sa pagod.

"Hay! Tara na nga baka maabutan pa tayo!" saad ko at dali dali syang binuhat.

"Ibaba mo na aki kuya noi. Baka mabigat ako." saad nito, kanina pa kasi nya ko pasan pasan.

"Ang bigat mo!" asar ko dito at inirapan ako.

"Bakit mo kasi ako binuhat!" sigaw nito sa akin.

"Ang taray mo talaga tuy! Tsaka wag kang maingay, baka marinig nila tayo." Pagpapatahimik ka sa kanya at nilagay ang hintuturo sa tapat ng bibig nya sinyales na wag maingay.

"Ano ba kasi yung humahabol sa atin?" Inosenteng tanong nya at ngumiti lamang ako.

"M-mga manika. Wag kang magpapakita sa mga manika." saad ko habang tumutulo ang luha. Hindi dapat nya malaman ang mga ganitong bagay dahil masyadong kumplikado, baka hindi nya kayanin tulad ko.

"Bakit ka umiiyak kuya Noi? Sinaktan kaba ng manika?" inosenteng tanong nito, agad ko namang pinunasan ang luha ko.

"Sinaktan nila sila Tatay, baka saktan din tayo nila." umiiyak na saad ko at muli syang hinawakan.

"Kuya Noi, natatakot ako sa manika wahhhh!" saad ko at umiyak.

"Nandito naman ko Tuy. Hangga't nandito ako walang mananakit sayo." saad nya at biglang may liwanag na tumapat sa amin.

Ilang sandali ay nakarating kami sa isang malawak ma damuhan. Siguro gitna ng kagubatang tinakbuhan namin.

Umupo kami sa ilalim ng puno. Dala narin ng pagod.

"Bakit ba nila sinasaktan ng mga manika ang tatay mo?" tanong ni Tutoy sakin.

"Hindi ko din alam. Siguro dahil bad sila." sagot ko dito at tinignan ang kalangitan.

"Kuya Noi, diba bortdey mo ngayon? Bakit wala tayo sa bahay?" saad nya sakin. At napatingin naman ako sa kanya.

"Oo, 7 years old na ko ngayon." saad ko sa kanya.

"Ah talaga ba kuya noi? Ako kasi 6 pa lang." mayabang na sagot nya.

"hahaha okay." tanging tugon ko dito. Ginawa ko namang unan ang lap mya at hindi naman sya tumutol.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon