23

996 44 59
                                    


ION POV.

"Chip in!!!" Sigaw ni Vice bago kami umalis. Bumili kasi kami ng aso dahil sa suggestion ko. Pero parang nagsisi akong sinuggest ko yon.

Isang linggo na nakalipas mung sinuggest ko yon at agad syang bumili ng aso. Nung una natutuwa pa ako pero lagi na lang sa kanya ang tuon ni Vice. Jk tinotoyo lang ako.

"Bye chip, love you." saad ni Vice at hinalikan ito.

"Buti pa yung aso may kiss." pagpaparinig ko at bigla nya naman akong hinalikan sa pisngi.

"Nako Benigno! Pati ba naman aso pinagseselosan mo. Tara na baka malate tayo sa show." saad nya.

Ngayon kasi ang grand opening ng show namin na It's Showtime. Pasado alas 10 narin kaya gumayak na kami dahil mag aayos pa kami.

"Di kaba kinakabahan?" tanong ni Vice sa akin. Kasalukuyan kaming nasa byahe.

"Saan? Sa Opening mamaya?" tanong ko. At tumango tango naman ito.

"Oo kase nandon si Sunshine HAHAHAHAH." saad ko at nagiba naman ang reaksyon nito.

"J-joke lang."

..

VICE POV.

Pumasok na kami sa building ng abs. May sari-sarili kaming dressing room kaya dumeretso na kami sa mga kanya kanya naming dressing room.

May halong kaba at inis ang nararamdaman ko. Ang lakas nya namang sabihin yung pangalan nayon sa harapan ko. Che.

"Uy okay ka lang meme?" tanong ni buern sakin dahil inaayusan ako ng buhok.

"Ha, oo. kinakabahan lang." Tanging sagot.

Wala akong ganang makipagusap. Nababadtrip talaga ako ngayong araw.

"Maam Vice, 10 minutes na lang po. Start na." saad ng staff at saktong tapos na ako.

Pumunta akong backstage at ang unang nakita ko ay si Ion.

"Aray!" saad ng isang babae matapos ko syang mabangga.

"Tumingin tingin ka nga sa dinadaanan mo-- oh vice ikaw pala." saad ni Sunshine sakin. And yes, sya lang naman ang tanga tangang nabangga ako. Balak nya atang puntahan si Ion.

"Sorry pero wala akong panahon para makipagusap sayo." saad ko nilagpasan sya.

Wag nyang dagdagan ang init ng ulo ko.

"Babe im sorry. Joke lang naman yon eh." bungad nito sa akin

"Dapat nakakatawa ang joke." taray ko dito.

"Sorry na pwis. Ikaw lang naman love ko." saad nya hanang naka nguso.

"Tigilan mo nga ako! Itupi kita sa walo eh. Oo na, ang cringe mo na eh?" saad ko sa kanya at niyakap naman nya ako.

"Ganto talaga pag inlove." saad nya.

"Hoy hoy hoy nasa trabaho naglalandian kayo!" sigaw ni Anne.

"Pasikat kasi." rinig kong bulong ni Sunshine pero di ko na lang pinansin.

"5 minutes na lang po!" saad ng isang staff kaya nag ayos na kami.

..

Naging maganda ang takbo ng opening ng show. Hindi parin nakakatakas ang mga asaran lalo na tungkol samin ni Ion dahilan para maging mainit ang tingin ni Sunshine sakin.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon