7

1K 37 31
                                    


ION POV

Kasalukuyang kaming nasa hapag-kainan. Medyo late na kaming nagtanghalian dahil Alas-dos na kami nakarating sa bahay.

"Bukas na kayo mamasyal. May magagandang beaches dito." saad ni Tita Nelita

"Ay taray may magagandang beaches!" saad ni vice at nagtawanan naman ang lahat dahil hindi beaches ang tinutukoy nito kundi bitches.

Nang matapos kaming kumain agad kaming bumalik sa kwarto para ayusin ang iba pa naming gamit. Ewan ko ba kung bakit komportable akong kasama si Vice sa iisang kwarto kahit dalawang araw pa lang kaming magkasama.

"Mauna na muna akong maligo." saad nya. Napagpasyahan kasi naming maligo ulit dahil sa init ng byahe kanina.

Nakita ko naman ang phone nya kaya agad ko itong kinuha. At dahil isa't kalahating tanga sya wala itong password. Nakaairplane mode ito para walang mag pop up na notif sa ibat ibang social media accounts. Usapan kasi namin yon, di naman kasi pwedeng hindi kami mag picture dito.

Agad kong pinuntahan ang photos nya. Magaling syang mag post, maganda sya bakit hindi sya mag artista? Nakita ko naman ang iisang video. Agad ko itong clinick at hininaan ang volume. Baka kasi malaman nyang pinakakaelaman ko yung phone nya.

Video*

"So ayun guys!! nandito ako sa--"

Natigil ang video nang kuhanin nya ang phone nya.

"Bakit mo pinapakialaman phone ko?! Wala ka bang phone!" saad nito. Sayang! Kainis di ko man lang natapos yung video!

"Nyenyenye, chupi maliligo na ko." saad ko. At kinuha ang twalya. Ngayon ko lang narealize na naka bathrobe lang sya.

Hindi naman ito maiksi pero makikita mo ang makinid at maputi nitong biyas. Nakabalunbon din ang buhok nya gamit ang isang twalya kaya kitang kita mo ang collarbone at ang leeg nito. Makikita mo din ang kurba ng balakang at--

"Huy?! Sabi ko maligo kana." Saad nito. Ano ba tong iniisip ko. Nagpunta na agad akong cr. Tinagalan ko talagang maligo baka kasi nagbibihis pa sya tapos bigla akong sumulpot. Di pa kasi dito magbihis ng loob ng banyo.

Paglabas ko nasa higaan na sya naglalaro ng phone dahil naka rotate ito. Napatingin naman sya sakin at muling itinuon ang focus sa nilalaro nya.

Nilagay ko naman ang marumi kong damit sa marumihan. Naramdaman ko namang ang presensya nya na tumayo. Para siguro isara na ang pinto mg balcony.

Pagharap ko nakita ko syang papalapit sa kama. Nakasuot sya ng very light pink spaghetti at black shorts. Naka tali din ang hanggang balikat ng buhok nito. And h-he's so attractive.

"Hoy, ano bang nangyayari sayo? Nastatwa ka na dyan." saad nya. Mukang di ko kayang tabihan ngayong gabi. Hindi dahil sa baka hindi ako nakapagtimpi dahil sa ewan kong nararamdaman. Basta feeling ko nanginginig ako pag madadampian ko ang balat nya.

Patuloy parin syang naglalaro sa phone nya. Malaki naman ang kama. Kaya kung magtabi man kami hindi kami masyadong magdidikit. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko syang madikitan. Hindi dahil sa nandidiri ako kundi baka mahalata nya na-- basta!

Gusto mo sya?

Hindi, i dont like him pero hindi man sa ayaw ko sa kanya kundi wala akong nararamdamang ano. Basta! Bat ba ako nagpapaliwanag?

Kinalikot ko lang din ang phone ko. Wala naman akong games dito dahil hindi ako naglalaro sa sobrang busy ko. Basta maiwasan ko lang na hindi tumingin sa kanya.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon