9

1K 40 24
                                    


VICE POV

"The moon is beautiful, isn't it?" saad nito. Magkatapat ang mga mata namin at parang naghihintay na lang kami kung anong reaksiyon ng isa't isa. Tanging hampas ng alon at hangin lang ang naririnig namin.

"Sa tuwing nararamdaman kong mag isa ako tumitingin ako sa buwan. Kase alam kong may tao din na nagiisa at nagkatingin lang rin dito. Nararamdaman kong hindi ako nag iisa." saad nito sa akin habang nakatingin sa buwan. Hindi ko alam ang nangyayari. Para akong nananaginip.

"Pero di ka nag iisa. Nandito kaya kaming mga kaibigan mo. Alam kong umiiyak ka kanina." Dagdag nito.

"Pano mo nasabing kaibigan kita?" saad ko dito at tila mag bago ang reaksyon nito.

"Charot lang syempre!" Saad ko at hinampas sya ng mahina sa balikat.

"Namimiss ko lang yung mga magulang ko." Deretsahang sagot ko.

"Na kwento sakin ni Vhong yung nangyari sayo. And im sorry kasi napagsalitaan kita noon tungkol dyan." sinserong saad nito.

"Wala yon." ako sabay tingin sa buwan.

"Galit kaba sa kanila?" Biglang tanong nito at napatingin naman ako sa kanya. Pero agad ko ding binawi.

"Hindi, hindi ako nakakaramdam ng ng galit, kahit tampo. Nalungkot ako, malungkot lang ako."

"Malungkot ako, ang daming tanong sa isipan ko. Kung bakit hindi nila ako pinakinggan, kung sino yung taong yon, kung sino yung taong nagligtas sakin, kung sino pa ba ko." saad ko.

"Parang hindi ko na kasi nakikilala ang sarili ko. Hindi naman ako nagbago pero parang wala akong pino-portray na tao simula nung nawalay ako sa pamilya ko." At hindi ko na napigilan ang luha ko. Nagulat naman aki ng bigla mya akong yakapin.

"Ang dami mong kayang character. Nagiging kaibigan ka sa mga kaibigan mo, nagiging kapatid ka sa mga kaibigan mo, nagiging anak ka nila tita Nelita. Nagiging inspirasyon kita." Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Naging inspirasyon kita para marealize na dapat hindi ko sinasayang yung panahong nasa tabi ko pa si mama. Narealize ko ka mas mabigat yung nararamdaman mo sa nararamdaman ko." saad nito

"Huh? Pano mo nasabing mabigat ang nararamdaman mo sa nararamdaman ko. You don't need to compare your feelings. Go lang kung nasasaktan ka man or hindi. Lahat tayo may karapatan uminda kahit maliit o malaki." pangaral ko dito.

"I mean kung ikaw napatawad mo yung magulang mo sa ginawa nila sayo. Bakit hindi ko rin patawarin ang magulang ko. Maliit lang naman na bagay kung bakit kami nagkahiwalay." Pagpapaliwanag nito.

"Bakit? Ano bang nangyari sa inyo?" Biglang tanong ko.

"Nagkaron kasi kami tampuhan. Nung namatay kasi si tatay, nalaman naming may kapatid kami sa una nyang asawa. Gusto myang patirahin doon sa bahay kaso ayaw namin dahil kilala namin yon." Pagkwekwento nito.

"Si Lorenz Romeo, kaya ako na beastmode nung nakita ko syang kasama mo ka. Nalaman kasi naming Gangster sya at yung grupo nila ang dahilan kung bakit namatau si Tatay. Pero tinanggap padin ni Nanay kaya kami na lang ang umalis." Saad nito. Tuluyan namang bumagsak ang luha nya.

Sinong magaakalang nakikita ko ang Ion Perez na umiiyak. Isa syang batikang aktor, kilala sya bilang isang matapang, malakas, cool at walang emosyon na tao. Sinong mag aakalang nagiging mahina din sya.

Walang anu anoy niyakap ko sya. Ganto kasi ginagawa samin ni Nanay kapag malungkot ako. Bigla na lang sya nangyayakap kapag alam nyang hindi maganda ang pinagdadaanan namin.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon