26

882 45 72
                                    


VICE POV.

Napagdesisyunan naming lumabas muna sa kwarto namin. Pribado naman ito kaya't walang makakakita sa amin.

Sabi ni Tatay baka sumusunod daw sila Anne kaso hindi pwede magtagal at baka masira ang plano.

Kasalukuyan ding nandito si Tatay. Binili nya daw ito dahil dati daw, nangako daw sila nila nanay na dito magpapakasal.

"Tay."  pagtawag ko sa kanya. Nakaupo sya sa isang upuan at tila nakatulala sa harap ng baybay.

"Oh? Tutoy?." saad nito sa akin.

"Kayo naman tay. Dalagang dalaga na anak nyo, tutoy parin ang tawag?" saad ko at umupo sa tabi nya.

"Nagdadalaga pa nga ba? Parang magaasawa na eh." pang aasar nito at ngumiti lang ako. Masaya akong tanggap nya ako at tanggap na tanggap nya ang relasyon namin ni Ion.

"Tay, alam ba ni Nanay na buhay ka?" tanong ko dito at sabay kaming tumingin sa paglubog ng araw.

"Hindi. Hindi nya padin alam, walang nakakaalam sino man sa inyo." saad nito.

"Pero bakit tay? Ang tagal naming nangulila sayo. Sana sinama mo na lang kami." saad ko at ngumiti naman sya sa akin.

"Sana, sana nga ganon kadali. Pero hindi, maraming nakasalalay na bagay kung idadamay ko pa kayo. Mas pinili ko na lang na mag dusa mag isa kesa sa mag dusa pa ang reyna't prinsesa ko." saad nito

"Alam nyo po ba na may asawa na sya?" tanong ko dito.

"Oo naman. Lagi ko kayong sinisilip sa malayo. Lagi ko kayong tanaw. Nasaksihan ko ang paglaki nyo kahit hindi nyo ko nasasaksihan." saad nito at tuluyang pumatak ang luha nito. Agad ko namanf hinagod ang likod nya.

"Hindi ko alam na sa paglayo ko, makakahanap ng iba ang nanay nyo." pagpapatuloy nito.

"Balak ko sanang bumalik pag okay na ang lahat pero hindi pala. Huli na ang lahat." saad nito. Hindi mo aakalaing sa kabila ng pagdudusa namin nang wala sya. Katumbas ng tatlong ulit ang sakit na naramdaman namin ang sakit na nararamdaman nya.

"Kaya ganon na lang ako kapursigidong makahanap ng hustisya para sa kaibigan ko. Ganto na lang ako kapursigudong makulong sila at pagbayaran ang nga ginawa nila sayo at ginawa nila sa akin." saad nito. Hindi ko naman mapigilang tumulo ang luha ko.

"Pero Tay? Pano nangyari ang lahat ng to? Anong gang yon? Bakit pinatay nila yung tatay ni Ion? Bakit--" Agad nyang pinutol ang sasabihin ko.

"Gusto ni Ronald ang Nanay ni Ion" pagkwekwento nito.

"Nasa tarlac tayo noon. Birthday ni Ion nung mga bata pa kayo. Bigla na lang syang sumulpot at gumawa ng gulo. Akala namin maayos sa usapan pero hindi. Sa mismong kaarawan ni Ion namatay ang tatay nya." di ko na lang namalayan na tumulo ang luha ko.

"Nang dahil din sa kanya napalayo ako sa inyo. Ang buong akala nila, namatay ako kasama ng tatay ni Ion." saad nya.

"Kaya nagipon ako ng lakas para paghandaan ang lahat. Ngayon, handa na ko."

..

"Dalian mo tuy!" saad ng isang bata.

"T-teka lang masakit nga paa ko eh! Shonga kaba!" saad ko sa kanya.

"Hay! Tara na nga baka maabutan pa tayo!" saad nya at pinasan ako sa balikat nya.

"Ibaba mo na aki kuya noi. Baka mabigat ako." saad ko dito. Kanina pa kasi nya ako pasan pasan.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon