4

1K 38 24
                                    

ION POV

"HAHAHAHA ang pogi pero ang  dugyot" - @basherura

"Feeling pogi, di man lang ayusin ang sarili. Wala ata tong magulang." - @bobasher

"Puro gwapo, wala namang alam kahit pag ayos sa sarili" - @bashermolang

Ilan lamang sa mga nakita kong post mula sa nag trending na #PAKANIN_NI_ION na pinatrend ni vice. Kakagising ko lang ito agad ang bungad ko. Pasado alasyete na ng gabi. Lumabas ako sa kwarto nakita ko naman si Vice sa kusina at mukang nagluluto.

"Alam mo bang binabash na ako ngayon." malamig kong sabi sa kanya at agad naman syang napalingon.

"At dahil yon sayo. Alam mo? Ang bobo mo talaga! Hindi mo man lang naiisip ang kapakanan ko mema post ka lang. Alam mo bamg binabayaran ako ng matataas ng kumpanya para lang ipost ang about tungkol sa akin tapos ikaw? Ikaw na mahirap at mababa ipapatrend ang ganoong issue?! You're so stupid! Di ka nag iisip! Pinanganak ka pa sa mundo! Kaya ka pinalayas ng mga magulang mo kase wala kang kwenta!" Sunod sunod kong sabi dahil nawalan ako ng kontrol.

*Pak*

VICE POV

*Pak*

Isang malutong na sampal ang dumapi sa pisngi nya.

"Tumigil ka nga kakasalita na akala mo alam mo lahat ng nangyayari sa buhay ko! Hindi mo ko kilala at hindi lang ako basta basura para pagsalitaan ng ganyan!" Saad ni ko habang umiigting ang panga.

"Hindi mo ba alam na nadagdagan ka ng mahigit libo sa milyon mong followers sa ibat ibang social media accounts mo?! Hindi mo ba alam na pumatok ka ng sobra ngayon at ang daming gustong kuhanin bilang endorser?! Hindi mo ba alam na dahil sa punyetang hashtag na yam na binibigdeal mo saken dahil sa kakaunti mong basher eh isa ka sa gagawaran ng Most Popular and most big influencer sa Pilipinas?! Ngayon mo sabihing wala akong kwenta!" Sigaw ni ko at umalingawngaw ang boses ko sa buong bahay.

Ilang segundo lang kami nagtitigan at niisa walang nagsalita. Ilang sandali ay umalis ako sa harapan nya at iniwan syang nakatulala.

Pumasok ako ss kwarto, halos mangiyak-ngiyak ako sa sinabi sakin ni Ion. Pano nya magawang sabihin sakin lahat ng yon?

Naiintindihan ko kung bakit sya galit, kaya ako nagluto ngayon. Nakonsensya kasi ako kase alam kong nakakahiya sa pakiramdam ang mag trending nang ganon. Pero hindi yon sapat para sabihin nya sakin kung bakit ako pinalayas ako ng mga magulang ko dahil wala syang alam.

Iaatake nanaman ako ng anxiety.

Sana nandito si mama para yakapin ako.
Sana may kasama ako ngayon para pagbuhusan ng sama ng loob ko
Sana naiilalabas ko ting sakit na nararamdaman ko.

ION POV.

Naging mabilis ang pangyayari ni hindi na ako makapagsalita nang matapos sya. Nakita ko namang nakabukas ang kalan maya isinara ko ito.

May nakita naman aking papel sa tabi ng kalan st agad kong binasa.

Dear Sir Ion,
      Alam kong galit ka kaya nilutuan kita ng tinola. Sabi kasi ni Vhong favorite mo daw yon. Gusto ko lang hiningi ng sorry kasi bago pa lang ako nabubwisit na kita agad at hindi ko dapat pinatrend yung hashtag na yon. Yun lang, di pa kasi tayo masyadong close kaya short lang WAHAHAHAH pero ocakes na to. Next time ko na lang hahabaan pag binigyan mo na ko ng sweldo. Charot! Wag ka na magalit ha! #protect_your_freshness.
                - maganda mong pa charot.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon