chapter 36

35 8 0
                                    

"Anong nangyare sa inyo bat ganyan ang itsura nyo?!"sigaw saamin ni kuya mico habang pinag tatawanan naman kami nila cj,ivan at cholo kasama ang mga kaibigan nilang sila clark.

"Kayo bayong masangsang?"iritang tanong ni brix at nag takip nang ilong bigla namang humagalpak nang tawa yung tatlong kapatid na kupal ni zane.

"Titigil kayo o papalunukin ko kayo nang pako."iritang tanong ni zane sa mga kapatid niya agad naman silang umayos at linigilan ang kanilang tawa.

"Bat ganyan itsura nyo?kababae nyong tao mga muka kayong basang sisiw na nalaglag sa mabahong kanal."inis na sermon samin ni kuya mico na nakatayo sa harapan namin.

"Si zane kase kuya mico pasimuno nito."sabi ni eight sabay turo kay zane at busangot tumango tango naman si yuki at sazy habang ako naman nag pipigil nang tawa dahil sa itsura ni zane.

Dahil kase sa pag hahabulan namin kanina para makuha yung pulamg panyo ay pare parehas ulit kaming nalaglag sa mabahong trap na ginawa ni zane.pati siya na lag lag kaya ayun pareparehas na kaming mukang basang sisiw at masang sang ang amoy.

"Tignan mo nga kuya oh nasugatan pa ako sa kabaliwan nang kapatid mo."reklamo ni yuki sabay pakita kay kuya mico yung gas gas niya sa braso at umarteng masakit ito.

Nagulat naman kami nang biglang humarurot sa harapan ni yuki si timothy at kinaladkad siya nito papunta sa kung saan.

Problema nung mga yun??

Hindi naman na namin sila pinansin at tinignan nalang ulit si kuya mico na mukang nag pipigil na din nang tawa sa itsura namin.

Tignan mo to sesermonan sermonan kami pati din naman pala siya pag tatawanan kami wala siyang pinagkaiba sa mga kapatid niyang kupal.

"Sige na magsi ligo na kayo ambabaho niyo."sabi niya at tumalikod na at tunawa.

Hindi nalang namin sila pinansin at nag lakad na papunta sa banyo.

Zane' POV

Hindi na muna ako umakyat sa taas para maligo dahil nandun pa yung mga babaita pinauna ko na silang maligo kawawa naman.

Nandito ako ngayon sa may likod bahay dahil baka mangamoy sa loob at mapagalitan lang ako ni kuya mico.

"Hey bat di kapa naliligo?"dinig kong sabi sakin nang kung sino kaya agad ko naman itong nilingon.

"Pake mo ba kung di pako naliligo?"pag mamaldita ko sakanya dahil tinatawanan niya ako.

"Baka gusto mong ako pa mag paligo sayo?"sabi niya saakin at kinindatan ako.

Tinarayan ko nalang naman siya at napatingin sa may butas kung saan kami nalaglag kanina yung ginawa kong trap.

Hindi pa pala natatakpan yun.agad naman akong nakaisip nang kalokohan at agad na lumapit kay clark na nakatayo lang habang nakacross arms.

"What do you think your doing?"sabi niya saakin nang mapansing papalapit ako sakanya.

Pero hindi ko siya pinansin at nilapitan lang siya nang makalapit naman ako sa kanya agad ko siyang kinaladkad papalapit sa butas at tinulak.

"F*ck!"dinig kong sigaw niya at tinawana ko siya.

"Buti nga sayo."sabi ko at tumawa nang tumawa.

"Pag ako talaga nakaalis dito yare ka saking babae ka."iritang sabi niya habang pilit na umaalis mula sa butas.

Nang makaalis naman siya dun ay agad niya akong hinawakan at niyakap at binagsak niya ang katawan niya kaya nalaglag kami sa may butas.

Shettt ambaho ko na!!!!

"Kupal ka!!"sigaw ko sakanya at pinag papalo siya.

"Ikaw ang nag umpisa malamang babawi ako."sabi niya naman at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Ano ba bitawan mo nga ako!"

Pag ka sabi ko naman nun ay agad niya naman akong binitawan.

Umahon naman na ako dahil baka kung ano pang mangyare sa balat ko pag nag babad ako dun.

Mag lalakad na sana ako papasok nang biglang may humila sakin.

"Where do you think your going?"

"Sa loob maliligo."

"Papasok ka nang ganyan?"sabi nya sabay turo sa damit kong basang basa at mabaho.

"O naman kung ganon nga?"

"Kakawawain mo yung maids nyo sa pag lilinis kung ipapasok mo yang katawang mong napaka baho."

Ang kapal din talaga nang muka nitong kupal nato ea noh makasabi nang mabaho ea parehas nga lang kami nang amoy.

"Ano bang -"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang buksan ang hose at tinapat saakin.

"Yan maligo ka muna para bumango ka naman."sabi niya at tinawanan ako.

Lumapit naman ako sakanya para agawin ang hose at nagawa ko naman agad yun kaya sakanya ko naman itinapat.

"Yan ganyan para mabawasan kalandian mo papaliguan kita noh!"bwisit siya.

"Hoy anong kalandian pinag sasabi mo babae?hindi ako malandi noh."sigaw nya naman sakin pabalik habang pilit na inaagaw yung hose saakin.

Hindi ko na siya sinagot at binato nalang sakanya yung hose at pumasok na sa loob.

Bahala siya jan bwisit sya kala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya pinag tanggol niya halipotpot na yun.

Nakita ko naman sila kuya na nasa sala na nanonood nang kung ano.

Tinignan nila ako at tinanong kung anong nangyare saakin pero di ko na sila pinansin at tumakbo na papunta sa kwarto ko.

Wala ako sa mood ngayon baka ipakain ko sa kanila yung mga nakalagay na lamang loob dun sa lintik na butas na yun.

FF

"Zane tumawag saakin si alex kanina sabi niya kailangan niyo na din daw mag practice para sa mr. And ms. Kemerut nyo."sabi ni safra na nakahiga na sa kutsyon nila.

Dito nalang daw sila sa kwarto ko makikitulog muna dahil nasira nila yung aircon sa guestroom.mga abno pati aircon pinagtripan.

"Si zane sasali?"may pag ka manghang tanong ni eight habang nakatingin kay safra na nakaupo na ngayon.

"Aba himala!sino naka pag pasali sayo?"sabi ni sazy na kakarating lang mula sa kitchen dahil kumuha siya nang pagkain.

"Si alex baby niya."sabat naman ni yuki kaya nag tawanan silang lahat.

Nako nako mukang mapag titripan nanaman nila ako ahh.bat ang malas ko ngayon?

"Baby kayo jan mga baliw kayo?kaibigan ko lang yun si alex."sabi ko sabay bagsak nang katawan ko sa kama ko.

"Ano KA-I-BIGAN?"sabi ni sazy at nag halakhakan sila ulit.

"Titigil kayo o mapaparuhan kayo bukas?"agad naman silang tumahimik at itinuon sa iba ang pansin.

Tsk pag ako nabanas papahirapan ko tong mga gagang to.

"Nga pala yuki nag paalam kana ba sa parents mo na dito ka muna saamin?"tanong ko kay yuki na lumalamon habang nanonood.

"Yup ok lang naman daw sa kanila basta alagaan mo daw ako."sabi niya at ngumiti.

Tumango nalang din naman ako at binalik na din niya ang tingin sa pinapanood nila.

i fell in love with my enemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon