"hoy ano yang suot mo babae?!"dinig kong sigaw saakin ni kuya ivan na nasa gilid ko lang.
Pero imbes na sagutin siya ay tinignan ko yung mga kasama nilang kupal."Anong ginagawa niyo dito?"
"Sinama kami nila kuya mico dito daw muna kami."simpleng sagot ni clark at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi naako naka tiis at lumakad nalang palabas nang masion mga kupal sila naiinis ako.
"Hoy san ka pupunta ganyan suot mo?!!"dinig kong sigaw nila kuya pero di ko na pinansin at pumunta sa may garahe at kinuha yung motor ko.
Matagal tagal na din yung last na gamit ko dito sa motor na toh isa din siyang black na ducati kapatid nito yung isa ko pang fav. Na motor ko na nasa bahay.ang pinag kaiba lang ay may red designs ang isang toh.
Hindi ko pa man din napapaandar ang motor ko nang dumating sila kuya kasunod yung mga kupal.
"Hoy babae san mo naman binabalak na pumunta ha?at ganyan pa ang suot mo."sermon saakin ni kuya ivan pero imbis na pansinin siya ay inistart ko nang ang motor ko.
"Hoy kinakausap pa kita baka gusto mong isumbong kita kay kuya?"sabi ni kuya pero di ko pa din siya pinansin.
Nang pansin kong palapit na siya saakin ay agad kong pinahaturot palabas ang motor ko.wala ako sa mood mga panira sila.
Hindi ko alam kung saan muna ako tatambay ngayon.pero naalala ko na merong tagong water falls malapit dito sa masion matagal tagal na din akong di nakakapunta dun.
Kaya naman naisipan kong dun nalang muna pumunta at tumambay.
Maya maya pa ay nakarating naako dun dahil sa bilis nang pag papatakbo ko at dahil hindi rin naman iyon ganun kalayuan.
Pinag masdan ko ang maliit na falls at ang napaka linaw na tubig na bumabagsak mula dito.
Hindi pa rin nag babago ganun pa din ang itsura napaka ganda pa rin niya.
"Ohh ayos ka naba?"dinig kong tanong nang isang lalake mula saakin likuran kaya agad ko naman itong nilingon.
"Bat andito ka?"tanong ko sakanya at lumapit nang kaunti.
"Wala namimiss ko lang tong lugar nato."sabi niya at lumapit sa tubig na napaka linaw.
"Naalala mo paba noong maliliit pa tayo dito tayo naliligo kasama natin sila tito at dad."sabi niya habang nilalaro ang tubig gamit ang kamay niya.
"Bat ko naman kakalimutan yun ea isa yun sa mga pinaka masayang panahon sa buhay ko."sabi ko at tumabi sa kanya.
"Gusto mo bang ulitin natin yun?pero hindi na sila tito at dad ang kasama natin kundi ang mga kaibigan mo at mga kuya mo."sabi niya at nginitian ako.
Nginitian ko din naman siya.mag saaalita na sana ulit ako nang bigla niya akong itulak kaya naman nalaglag ako.
"Alex kupal ka?!"sigaw ko sakanya pero tinawanan niya lang ako.
"Wala na basa na ako."sabi ko saknya
"Ok na yan di kapa naman naliligo ea."sabi niya at umupo sa harapan ko.
Nakaisip naman ako nang katarantaduhan.
"Hoy anong iniisip mo ha?"tanong niya saakin pero imbis na sagutin ko siya ay hinila ko nalang siya kaya parehas na kami ngayon nasa.
"Marunong ka namang lumangoy ea kaya ok nayan."sabi ko at tinawanan siya.
"Abnormal ka talagang babae ka."sabi niya saakin at pilit akong hinila.
"Hoy wag ka nga baka lunurin kita."sabi ko habang iniiwasan ang kamay niya para di ako mahawakan.
"Nako yare ka talaga saakin."sabi niya at pinilit akong hawakan.
Agad naman akong lumubog at lumangoy palayo sakanya para hindi niya ako makita.
Bahala siya jan.
Pumunta naman ako sa likod nang maliit na falls at duon nag tago.nang makaangat naman ako ay nakita ko si alex na hinahanap ako...
"Zane??!!yare ka sakin pag nakita kita."dinig kong sabi niya at sumisid.
Hindi pa man siya ganun katagal na nakakasisid ay biglang may mga dumating.
"Alex?!"dinig kong tawag nang isa sa mga lalakeng kadadating lang.
Bat nanduto sila?kahit san ako pumunta nandun lagi sila bat bubutot nang bubuntot tong mga toh.dinamay pa nila sila kuya.
Bigla namang umahon si alex nang madinig niyang may tumawag sa kanya.
"Oh kuya cj bakit nandito ka?"tanong alex kay kuya cj at umahon na siya.
"Hinahanap kase namin si zane may humahanap kase sa kanya."sabat naman ni kuya ivan at luminga linga sa paligid at mukang ako ang hinahanap.
"Ahhh ea kase yung kapatid niyong abnormal tinaguan ako ea."sabi niya at kumamot nang ulo.
Kapal nang muka nito abnormal daw ako.
"Alam mo ba kuya na napaka bantot na nang kapatid niyo kaya ayun pinaliguan ko na siya dito kawawa naman ea parang ilang buwan nang di naliligo.may tubig naman sainyo diba."sabi niya at tumawa nang malakas.
Abat anlakas manira nitong hayop na to ahh.agad naman akong umalis sa pinagtataguan ko at lumangoy papunta sa kanila nang makalapit na ako ay agad akong umahon.
"Hoy bakla napaka kapal naman nang muka mo ah anong di naliligo ha?ikaw nga ata di naliligo jan ea ang sangsang mo."sigaw ko sakanya at inambaan.
Pero imbes na sumagot o pag tawana ako ea nakatulala lang siya saakin at agad na tinakpan ang mata niya.
Problema nito?matapos akong siraan aya akong tignan.
Agad naman akong humarap kanila kuya at sa mga kasama niya na si clark at jasphere ngayon ko lang napansin na di pala nila kasama yung dalawa pang kupal nilang kaibigan.
Tinignan ko sila isa isa at ganun din ang mga itsura nila.amyare sa mga toh parang nakakita nang multo.
"Hoy anyare sainyo?may mumo ba?"tanong ko sa kanila at lumingon lingon.
Nagulat naman ako nang biglang may nag bato saakin nang kung ano.
Agad ko naman yong tinignan at nakita ang isang jacket na kulay itim.
Ano to? Anong gagawin ko dito?
"Hoy ano-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lahat sila ay tumalikod maliban kay clark na nakatingin sa ibang direksyon.
"Suotin mo yan."sabi niya pero di pa rin ako tinitignan.
"At bat naman aber?"tanong ko sakanya at tsaka pumameywang.
Hindi naman siya sumagot at tinuro lang ako.agad ko namang tinignan ang katawan ko kung san siya nakaturo.
At agad naman akong nagulat sa nakita ko.
MEN BAKAT BRA KO MEN.
Agad ko namang sinuot yung jacket na hinagis saakin nang kung sino man saknila at tumakbo na.
Bahala sila jan nakakainis sila.
"Hoy umuwi kana ha!!"dinig kong sabi pa ni kuya habang hinahabol ako.hindi naman na ako sumagot at sumakay nalang sa motor ko.
Nang makasakay ako ay agad ko nang pinaandar yun.bahala sila jan matatanda na sila kaya na nilang umuwi.
BINABASA MO ANG
i fell in love with my enemy
Dla nastolatkówHIGHEST RANK:#6 in PRANKWARS HIGHEST RANK:#1 in GANGLIFE HIGHEST RANK:#15 in enemies pano nalang kung ang magulo mong buhay ay naging mas magulo mag mula nung makilala mo ang apat na gwapong demonyo. maibabalik mo pakaya sa dating magulong buhay mo...