"1000 meter run ngayon na!"sigaw ni kuya mico saamin pag tapos naming mag stretching.
Agad naman akong tumakbo na sinundan nila.sa palagay ko mga inaantok pa tong mga kasama ko dahil anong oras na din silang natapos kagabi.
Puyat pa more.
"Bakit nga ulit natin ginagawa to?"
Dinig kong tanong nang isa sakanila pero hindi ko sigurado kung sino dahil nasa unahan nila ako.
"Ewan ko nadamay lang naman tayo dito ea."
"Kasalanan to ni clark ea dapat nag dedate kami nang girlfriend ko ngayun ea."
"Ikaw may girlfriend?kawawa naman yung babae."dinig kong sabat nang sapalagay ko ay si sazy at nag tawanan naman sila.
"Anong tinatawa tawa niyo jan?!bilisan niyo!"sigaw sakanila ni kuya mico na nakasakay sa golf cart.
Agad naman nilang binilisan ang takbo nila pero mas mabilis pa din ang takbo ko.bahala sila jan ayoko sila kasabay.
***********************************
"Zane dahan dahan lang naman ohh!"dinig kong sigaw saakin nila eight na nakasunod saakin habang tumatakbo.
Isang lap nalang ang kailangan naming ikutin para maka lipat na sasusunod na gagawin.
Imbis na sagutin ko sila ay mas binilisan ko pa ang takbo ko.
Hindi na din naman nagtagal at natapos na din ako sa pag takbo at nakabalik na sa pinanggalingan namin.
Hindi na din naman nag tagal pa sila safra at ang iba at nakarating na din.kanya kanya silang upo sa damuhan at higa.
Hindi ko nalang sila pinansin at uminom nang tubig.
"Mag pahinga na muna kayo para may lakas kayo pa sa susunod kong ipapagawa."sabi ni kuya saamin na ikinatuwa nila.
Agad akong lumapit kay kuya bago pa man siya makaalis.
"Kuya iikot pa muna ulit ako."simpleng sabi ko sakanya at di ko na inantay pa ang sasabihin niya nang mag simula naakong tumakbo ulit.
Nadinig ko pang tinawag nila ako pero di ko sila pinansin at nag tuloy tuloy lang sa pag takbo.
Kailangan kong maging malakas kailangan ko din mag bawas nang timbang dahil mahihirapan ako sa pakikipag laban kung ganito ako.
Mas binilisan ko pa ang pag takbo ko.sa busy ko sapag takbo hindi ko na namalayan na may nakasunod pala sakin.
Nalaman ko nalang nung tumabi siya sakin at sinabayan ako sapag takbo.
Hindi ko nalang siya pinansin at lalong binilisan pa ang pagtakbo ko.ayaw ko munang may makasabay.
"Galit kaba saakin?"dinig kong tanong niya pero di ko siya pinansin at pinag patuloy ko ang pag takbo.
"Zane I'm sorry sa nasabi ko kagabi hindi ko naman sinasadya ei."sabi niya saakin pero hindi ko siya pinapansin at patuloy lang sa pag takbo.
"Zane-"hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang may biglang tumigil na itim na van sa harapan ko kaya napahinto nalang ako.
Saktong pag kahinto ko naman ay ang pag bukas nang pinto nung van at tumambad saakin ang nakangiting muka ni patrick na may hawak hawak na bulaklak.
"Hi zane."sabi niya sakin sabay ngiti nang malapad.
Napangiti nalang din ako sakanya at agad siyang niyakap.ramdam ko ang pag titig ni clark na nasa likod ko pero di ko siya pinansin.
"Easy kalang ilang buwan lang naman tayong di nag kita."sabi niya at tinawanan ako.
Bumitaw nako sa pag kakayakap sakanya at umayos nang tayo.
"Bat ka nandito?"tanong ko sakanya."Ito yung surprise ko."sabi niya sakin sabay abot nung bulaklak.agad ko naman yong kinuha sakanya.
"Thank you."simpleng sabi ko sabay ngiti nang kaunti.
"Is he a friend of yours?"dinig kong tanong ni clark sa likod ko.
"Yup"simpleng sagot ko sakanya nang di pa din siya hinaharap.
"Hi ako nga pala si patrick."bati ni patrick sakanya at nilapaitan niya ito sabay abot nang kamay niya kay clark.
Tinanggap niya naman yun pero iba ang tingin niya kay patrick hindi ko lang alam kung bat ganun siya makatingin.
"Clark."simplemg sabi niya sabay bitaw sa kanya ni patrick.
Nginitian nalang siya ni patrick at lumapit na ulit saakin.
"So sabay naba kayo samin?papunta na kami sa mansyon."sabi niya nang makalapit na saakin.
"Nope kailangan kopang tumakbo actually kakaumpisa ko palang ea kaya mahaba habang takbuhan pa ang gagawin ko."sabi ko sakanya at tinanguan niya naman ako.
"Ikaw nalang mag dala neto sa kwarto ko.tsaka andun din sila kuya mico siya ang nag tetrain saamin."sabi ko sakanya at inabot na yung bulaklak.
Di ko na siya inantay pang sumagot at tumakbo na palayo.binilisan ko ang takbo ko at umiba pako nang daan para hindi na makasunod saakin si clark.
Clark's POV
Nandito naako ngayon sa mansion nila zane pero wala pa din siya dito.kanina ko pa siya hinahanap bigla nalang kase siyang nawala kanina matapos niyang kausapin yung patrick.
"Hey ayos kalang?"tanong saakin ni kuya cj nang makalapit siya saakin.
Tumango nalang ako sakanya at napatingin nalang ulit sa kawalan.
"Hayaan mo muna siya nag tatampo lang yun sabihan mo banaman nang mataba."sabi ni kuya cj at tumawa.
Napatingin naman ako saknya na may halong pag tataka.pano niya nalaman?
"Nadinig ko kase kayo kagabi."sabi niya saakin kaya napa tango tango nalang ako.
"Alam mo matindi magalit yun si zane matindi din mag tampo."sabi niya na nag pakaba saakin.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan dahil sa sinabi niya.
"Pag yun nagalit grabe mang gigil yun lalo nat ngayong pinagtetraining pa siya ni kuya mico dahil siya ang tagapag mana hindi man siya ang panganay na anak pero siya ang napili bilang tagapag mana dahil sa talino niya at lakas.mabait si zane sa mabait sakanya pero kung inaaway mo siya at inaapi malaki ang magiging parusa mo.siya din mismo ang mag paparusa sa iyo."
"Pero wag kang mag alala mild palang naman ang galit niya kaya kaya pang suyuin."sabi pa niya at nginisian ako.
Tinignan ko naman siya nang may halong pag tataka.
"bilan mo nang pag kain dalan mo nang bulaklak tas haranahin mo.mahilig din yun mag picnic."sabi niya at tumayo na.
"Hanapan mo nang tamang tyempo kung ayaw mong mamatay nang maaga.pag masdan mo lang ang nga gagawin niya lalo na bukas mag hahand to hand combat kayo."sabi niya pa at tumawa sabay lakad palayo.
Nakaramdam ako nang takot sa sinabi niya.kaya ko naman siguro siyang labanan diba?
BINABASA MO ANG
i fell in love with my enemy
Novela JuvenilHIGHEST RANK:#6 in PRANKWARS HIGHEST RANK:#1 in GANGLIFE HIGHEST RANK:#15 in enemies pano nalang kung ang magulo mong buhay ay naging mas magulo mag mula nung makilala mo ang apat na gwapong demonyo. maibabalik mo pakaya sa dating magulong buhay mo...