MDB Entry #1

191 8 10
                                    

February 16

Dear Bestfriend,

Bakit ganun? Sabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya bibigyan ulit ng chance. Pero everytime I see him sa classroom namin, hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan siya, na baka sakaling he would take a second look at magkatitigan kami. Eh kasi naman, everytime na nangyayari yun, yung peste kong mata na yung kusang umiiwas, na parang may sarili ng isip at naiintindihan yung sitwasyon ko ngayon.

Hays! Pero sa totoo lang, hindi ko pa siya mapapatawad sa ginawa niyang kasalanan sa akin last friday. Nakakainis! Ipakain ba naman sa iba yung binigay kong corndog na dapat sa akin talaga yun. Heck! Feeling ko tuloy, na-reject ako dun. At dahil sa sobrang BH ko nun ay malungkot kong sinalubong ang Valentine's. :(

Oh well. Ano pa nga ba ang maasahan ko dun sa Lorenzo na yun. Paasa siya. He broke my heart kahit na hindi naman talaga kami. Kaya ngayon, hihingi na ako ng sign. Kung siya ba talaga ang nakatakda pa sa akin. Hindi naman siguro masama kung itatry ko yun, diba? Alam ko naman na you are always there to support me. Sana naman, this time, magiging happy na ako.

Hanggang dito nalang, my dear bestfriend. Gagawa pa kasi ako ng homeworks eh at saka maglalaro pa ng COC. Haha! Thanks for listening. :D

Love,

Angela

My Dearest BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon