July 13
#MondayThe13thDear Bestfriend,
What a day for me. Lunes na lunes, feeling ko minalas ako sa interview para sa apprentice sa organization namin. Grabe. Sana nalang talaga kinain na ako ng lupa kanina sa sobrang kahihiyan. Paano kasi, it was unexpected. Promise. Hindi siya ordinaryong interview na tatanungin ka lang about yourself, something like that. Pero kanina kasi, may twist. Bonggang twist at hindi ko man lang naibigay yung best ko. Feeling ko pabebe pa nga yung kilos ko nun eh.
Kasi, sa totoo lang, na-mental block ako sa sobrang pagkabigla at kaba. Parang yung mga dapat na sasabihin mo, bigla nalang nag-fly away sa thin air. Wala na. Nganga ka na. Pero syempre hindi pwedeng wala kang sasabihin. Basta kung ano nalang ang unang pumasok sa isip, sige lang. Kasi at that time, I was observing them. After ko magpakilala and gawin kung ano mang maibato sa'king gawain, nakikita ko na yung mga reaksyon nila. Hindi sila nasisiyahan. May umiling pa nga eh. Siguro hudyat na yun na I didn't impress them. Na wala silang nakikitang potential sa'kin. Nakakawalan ng pag-asa. Pero tanggap ko na yun, simula palang. Ayoko ng umasa na papasa pa ako. If it's not for me, so be it. Atleast I've tried. Sa ganun palang, may experience na ako kung ano yung mga pwedeng mangyari sa mga ganun and how you deal with them.
Pero it was a total humiliation sa part ko. Nakakainis! Sa sobrang pagkamahiyain ko, baka yun pa ang maging dahilan upang bumagsak ako ng tuluyan. I don't know. Ang baba ng self-confidence ko. Hindi ko alam kung paano ko ba maiaalis. Siguro kailangan i-expose ko na yung sarili ko sa open environment. Yung pakikisalamuha sa iba. Kasi ayoko naman maging famous eh. Gusto ko low-profile lang. Simple lang kasi ako. At ayoko din yun pasikat ka o bida-bida. Hindi ganyan ang personality ko. Kaya as much as possible, I just want people to know the real me. Just be yourself. Kung hindi nila ako tanggap, okay lang. Ako pa ba ang mag-aadjust? I was born this way. Unless sinabihan ka na pangit yung ganito, ganyan mong ugali and you need to change but hindi totally change. Baka kasi mawala na yung personal brand mo sa ibang tao. Diba?
Anyways, enough of that. Na-iistress ako ngayon ng dahil lang sa interview. GL nalang kung pasado or hindi. Don't expect, gaya nung nangyari sa sinalihan kong publication sa school.
Nagkaroon kami ng one on one talk ng isa kong kaklase after ng interview. Isa rin siyang kpoper like the rest of us. At ang dami kong nalaman tungkol sa karanasan niya about sa hallyu world. Ang astig nga kasi nakapunta siya ng concert dati ng Infinite here sa Pilipinas. Huhu! Lucky her. Siya na. Kahit upper box lang yun, still, she has the opportunity to see them LIVE. Kaiyak. T^T
Tapos she also told me that they have a plan to go to Korea with her friend dati. But naudlot daw. So sad nga eh kasi ready na ang lahat. May matutuluyan sila doon kasi yung friend ng friend niya, lives in Korea. And I was like, wow! Ikaw na! Ikaw ng maswerte. Ang dami nga niyang connections. She can purchase merchandises online. Kahit mahal, sige lang. May photobook siya ni Myungsoo na naglalaman ng mga photography ni L. Hart hart! Fresh from Korea pa daw yun. Hangul pa more.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan about kpop. Alam niyo na, minsan dyan ako active. Hindi rin ako papatinag 'pag kpop na ang pinag-uusapan. Go lang ng go sa pag-uusap. Kaya may mga nagiging close din ako agad ng dahil sa kpop. Yun ang main topic ng mga convos namin.
May kinuwento pa siya. And I was nagulat kasi isa rin siyang roleplayer. And as in she is married to Jimin. May mga pinakita siya sa'king mga ebidensya ng sweetness nila. Grabe. Kinilig to the bones ako habang nagkukwento siya about sa roleplay nila sa GC. Naalala ko tuloy yung naging karanasan ko sa RP world. But that was the past. Miss ko ng mag-RP. At para ngang wattpad lang ang peg ng mga scenarios nila eh. My gosh! Hanggang ngayon, hindi ako maka-move on sa usapan namin. Haha!
Hays! Ang daming nangyari ngayong araw. Tapos kanina, eto pa, nakaka-bitter yung nakita kong lalaki at babae dun sa may shed. Si babae, umiiyak tapos si lalaki nakapatong yung isa niyang arm sa balikat ni babae, parang pinapatahan niya. Grabe yung eksenang yun. Nakaka-ano. Ang daming pumapasok na keme sa utak ko. Hays! Sarap gawan ng kwento. Or pwede ng scene yan sa next update ko sa story ko. Iniisip ko nga na si babae si Fany tapos si lalaki si Hae tapos OMG! Kenekeleg eke! Ang sweet at cute! Hart hart. Tapos yun pala, si lalaki, bakla. Hay nako! Lahat nalang. Sige, okay lang kami.
Love,
AngelaP.S. sa susunod nga, BASIC KOREAN na yung ilalagay ko sa Language. Kaasar. Napahiya ako kanina kasi hindi ko alam kung paano magpakilala ng sarili sa Korean. Tsk tsk! Sorry naman! Nag-aaral palang ako. :3 Pati sa Italian, BASIC ITALIAN. Basta lahat ng alam kong salitain, 'di ko na kakaligtaan yung salitang BASIC!
BINABASA MO ANG
My Dearest Bestfriend
PoesiaDear Diary, Kailan kaya ako mapapansin ni crush? Bakit ba ang manhid niya? Hindi naman niya kailangang tumingin sa ibang babae dahil nandito naman ako, handa siyang saluhin. Love, Angela MY DEAREST BESTFRIEND WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2015- COMPLE...