MDB Entry #33

9 2 0
                                    

August 14

Dear Bestfriend,

Hindi ko alam kung anong meron ngayong araw pero bakit ang dami kong nakakasalubong na hindi naman dapat makasalubong? Gets mo ba? I mean, I don't know if it's pure coincidence or sinasadya ng tadhana.

Alam kong hindi ko pa naikukwento sayo ito pero may nakilala kaming lalaki sa school namin. I can't remember when we met or saw him pero ang alam ko, na-gwapuhan agad kami sa kanya. Like he has this charm na sobra kaming na-attract. Hindi pa pasukan nun nung nakita namin siya. More like admission palang yun or orientation ba? Basta! Mababa na capacity ng memorya ko ngayon. Haha!

So ayun, pagkatapos nun, you know what, bff? Whenever and wherever we are, he is there. Madalas namin siyang makasalubong sa school. Makita kung saan sa school. Minsan napapaisip ako, at nasasabi ko na din kay Crystal,

"Hanggang kailan niya tayo tatantanan? Parang kung nasaan tayo, nandyan siya sa malapit."

Hindi sa nag-aassume ako pero sana 'wag na niya kami i-stalk. Haha! Kidding! Baka kamo kami ang gumagawa nun. Kidding again! Oo, gwapo siya pero still, we don't know him. Malay natin, badboy pala siya. Gangster, drug pusher. Pero syempre joke lang. Alam kong mabait siya. Kilala nga siya nung kaklase ko eh. At mukhang close pa. *insert selos mode xD*

Kagaya nung kaninang tanghali, pabalik na kami ni Crystal sa gym nang sabihin niya sa'kin na 'wag muna kaming pumasok kasi baka daw maubos yung kinakain niya. Galing kaming canteen nun. Edi usap-usap muna kami about sa friend naming si Iza kasi napag-alaman naming may long-lost sister siya.

Nang maubos na yung kinakain niya ay napag-desisyunan na naming pumasok ng gym. At saktong pagkatayo siya sa pagkakaupo sa ilalim ng puno ay doon ko nakita si *insert name* na papalapit sa'min. May kasama siya. Lalaki. Edi eto na naman ako sa 'kailan niya tayo lulubayan thing' tapos pasimple lang kami ni Crystal na lampasan sila. Then you know what, kung saan kami naka-pwesto kanina, sila ang pumalit doon. Oh diba? Anong masasabi mo? Aksidente ba o sinadya? :/

**

Naglalakad na ako pauwi. At marami akong nakasalubong sa daan. At sa hindi inaasahang panahon ay may nakasabay akong isang nilalang na sobra kong kinahuhumalingan noong hayskul ako. Itago natin siya sa pangalang "ZP". It's been 4 months na hindi kami nagkikita. At sa totoo lang, nung nakita ko siya na nakasunod sa likod ko habang naglalakad, biglang nag-flashback lahat ng memories namin together. Naka! Pero and totoo, nag-papicture lang ako sa kanya at yun lang yung memories ko na kasama siya. Haha! Ang lupet!

Sad life nga eh. Kasi hindi na niya ako nakikilala. He is in his sophomore years na. Hindi ako child abuse ha? Crush ko siya dati. Ang cute kasi niya tapos mukhang koreano tsaka hawig niya si Jong Suk sa Pinocchio, yung kasamahan nila Park Shin Hye.

At ngayong gabi, hindi ko aakalaing magku-krus muli ang landas namin. Oo, nakasalubong ko siya kanina habang naglalakad ulit pauwi. Hindi ko alam pero kinilig ako konti at biglang nabuhay yung dugo ko ng dahil sa moment na yun. Aba! Once in a bluemoon lang ata nangyayari yun na dalawang beses kayong magkasalubong sa loob ng isang araw unless you're studying in the same school.

Anyways, pasensya na pala, bff if somewhat naiisantabi na kita. Please do bear with me. Naiistress na ako sa mga tambak na gawain plus kasagsagan ng midterms namin. And also, ilang araw ng tigang ang wattpad ko dahil sa kawalan ng matinong internet connection. Ako ay patuloy na umaasa sa data connection pero palagi niya ako binibigo. Ang saklap, diba?

Love,
Angela

My Dearest BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon