February 19
Dear Bestfriend,
Happy Chinese New Year! :D pasensya na. Hindi ko kasi alam kung paano sabihin yan in mandarin. Haha! Wala kaming pasok ngayon. So it means tambay lang ako sa bahay buong araw, well, not really. Ngayong hapon lang eh naglakwatsa ako. Haha.
Ay! Alam mo ba, nako! I made a mistake kahapon. Hindi pala birthday ng mother-in-law ko yesterday. Kaasar yun si Rose. Buti nalang kaninang umaga eh online si Lorenzo sa facebook. Takte. Ayaw ko sanang tanungin kasi nahihiya ako, sa totoo lang. Halos kinapalan ko nalang yung mukha ko para lang magtanong. Then ayun, he told me na sa December pa. Tsk! Tapos ang masaklap pa, na-seenzoned ako. #MasakitMaSeen. :(
Tapos kanina, pumunta ako kina Rose para magpasama sana sa bahay nila Ann. At doon ko nilabas lahat ng saloobin ko about dun sa birthday thingy na yan. Hays! Naging instant delivery girl pa nga ako eh. Hinatid ko kasi yung regalo niya sa boyfriend niya para sa monthsary nila kahapon. Ang sweet nga eh. Sana nga, someday, ako rin, mabibigyan ko din siya ng ganun. And this time, sana kainin naman niya. At hindi yung iba pa yung kakain. Edi wow! -.-
Hanggang dito nalang bff. Pasensya na kung wala akong magandang naikwento sayo. Hays! Hindi ko kasi siya nakita. Mukhang namimiss ko na naman siya. Nako! For sure, bibisitahin na naman niya ako sa panaginip ko mamayang pagtulog. Palagi naman eh. Kelan ba siya hindi nagpapakita? :/
Love,
Angela
BINABASA MO ANG
My Dearest Bestfriend
PoesíaDear Diary, Kailan kaya ako mapapansin ni crush? Bakit ba ang manhid niya? Hindi naman niya kailangang tumingin sa ibang babae dahil nandito naman ako, handa siyang saluhin. Love, Angela MY DEAREST BESTFRIEND WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2015- COMPLE...