MDB Entry #9

40 5 2
                                    

March 10

Dear Bestfriend,

Nakaiinis talaga! Hooo! Kumukulo talaga yung dugo ko ngayon. Tsk! Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa eh. Idagdag mo pa yung sakit ko. Bakit ba ang malas ko palagi?

Bestfriend, tell me, masama na bang magmalasakit ngayon sa kapwa? Is it a crime already ang pagreremind sa kanya na magreview for our long test sa Filipino? Bff, tell me! Kung masama pala yun, might as well I stop it na. Masakit kasi eh. Ikaw na nga yung nagmamagandang loob, tapos ang labas mo eh ikaw pa yung masama. Sige lang. Nako! Makikita din nila. Pag ako naging madamot, mas malala pa ko sa mga mayayaman at maarte dyan. Tsk! Nakakabadtrip kasi.

#MajorTurnOff na talaga siya. Eh di maglaro siya ng COC at DOTA magdamag. Tss. Pakialam ko ba sa kanya. Ayaw pala niya ng may nagsasabi sa kanya, huh. Pwes, magtutuos talaga kami. Grrrr!

Tapos kanina sa MAPEH time namin, siya ang kapartner ko sa sayaw. Takte. Sana nagpartner nalang ako ng babae. WALA SIYANG KWENTA. =______= Kaya di kami nakakasabay sa steps eh. Halos ako na nga ang nag-eeffort para dun eh. Saan siya? Ayun, busy sa pakikipagharutan. Tss. Kaurat. Napaisip nga ako eh. Talaga nga bang minahal ko yung lalaki na yun? Or is it just nagpadala lang ako sa mga pang-aasar ng mga classmates ko sa amin kaya nagustuhan ko siya.

Aish! Ewan! Hindi ko na alam, bff. Hilong-hilo na ako. Gusto ko na talaga kumawala sa hawla. At dahil sa pinapakita niyang attitude ngayon, unti-unti ko ng nararamdaman na nawawala na yung feelings ko for him. Nakakapanghinayang talaga bff. Takte! Sana si Kuya Ryan pa rin ang laman ng puso ko ngayon at hindi yung walang kwentang lalaki yun na walang inatupag kundi mag-DOTA at mag-COC imbes na magreview.

Sht lang! Nasaktan talaga kasi ako dun sa sinabi niya. :'( nakakaiyak.

Love,

Angela

My Dearest BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon