April 25
#ANightmareToRememberDear Bestfriend,
Bakit sa tuwing matutulog ako ay palaging masama yung mga napapaniginipan ko? Ganito ba talaga pag bakasyon? Kasi noon naman, hindi. Paminsan-minsan lang and it depends kung ano yung mood ko at that day or kung ano ang ginawa ko or kung ano yung mga nakita ko that might affect my dreams when I sleep.
Pero kasi ngayon, iba eh. Iba sa ineexpect ko. Yung brain ko nga ba ang nagdidikta ng panaginip ko? O pati ang puso ko kasama din?
Well, enough of this kuda already. I will tell you the whole story:
Napunta daw ako sa isang auditorium. And I was wearing this kind of long dress na pang-kasal? I don't know bakit ganun suot ko. And I saw my classmates. Yung arrangement nila parang may klase. Weird, right?
At ako naman, abala daw sa paghahanap ng mauupuan, nakatingin daw ako dun sa may bandang harapan, baka sakaling may vacant. Buti nalang meron. Pupunta na sana ako dun ng may biglang nag-enter na magic show. Seriously? Biglang nagkaroon ng second stage? Ang weird na noh?
Tapos nagpakita na ng magic. Nanood daw muna ako. Papalit-palit ako ng tingin sa dalawang stage doon. Yung isa, magic show then yung pangalawa parang nag-aayos as if may ikakasal.
Hindi ko na matandaan kung paano ako nakatayo ngayon sa dulo ng aisle kasama yung anak kong si harmony. I asked her kung bakit hindi siya naka-wedding gown kasi supposedly, siya yung bride. She's wearing a green dress kasi. Parang civilian type, ganun. Tapos nandun din si Niel.
Sa totoo lang, naguguluhan ako sa nangyayari. Biglang nagtransform yung venue na parang sa kasal. And I found myself walking papunta ng altar at yung anak ko ang naghatid sa akin.
Harmony said that ako daw ang ikakasal. And I was like WHAT?! No wonder ganun ang suot ko. Nakatuon lang yung tingin ko dun sa lalaki sa may altar. He looks familiar.
Nang malapit na kami, I was nearly shocked. As in I cannot believe of what I am seeing.
Hindi ko na tinuloy yung panaginip ko. Agad akong gumising eh. Baka kapag tinuloy ko pa, for sure magiging Mrs. Lorenzo Cruz na ako. At ayokong mangyari yun, kahit sa panaginip pa.
Pero sa totoo lang, its been a long time since I saw him sa dreams ko. Matagal-tagal na rin siyang hindi nagpaparamdam. Siguro dahil I keep on reminding myself na kalimutan na siya. That I need to move on. I was not expecting that.
Grabeng kilabot ang naramdaman ko.
Love,
Angela
BINABASA MO ANG
My Dearest Bestfriend
PoetryDear Diary, Kailan kaya ako mapapansin ni crush? Bakit ba ang manhid niya? Hindi naman niya kailangang tumingin sa ibang babae dahil nandito naman ako, handa siyang saluhin. Love, Angela MY DEAREST BESTFRIEND WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2015- COMPLE...