MDB Entry #18

32 5 0
                                    

May 3
#ThePowerHugOfOlaf

Dear Bestfriend,

Now I could feel the real essence of summer. Sa sobrang init, kahit hindi ka na mag-exercise or mag-jogging ay tagaktak na yung pawis mo. Ang sarap talaga maligo sa tubig na puno ng yelo or tumambay sa freezer ng refrigerator. Pero ha, may benefit din pala itong sobrang init kasi nakakaburn ng calories. xD

Anyways, hindi ito ang gusto kong sabihin sayo. It's about my reoccuring dreams. Hays! May iniindang kalungkutan ang aking sub-conscious. Halos ilang araw ko ng napapaniginipan iyon.

Ganito kasi yung kwento....

Nandito ako sa dati kong school noong elementary pa ako. Practice daw ng graduation. Weird noh? Graduate na kami pero may practice pa. Well, let's just say flashback daw kuno. Haha!

So ayun nga. Nandun din yung mga classmates ko. And kasabay pala naming magpractice yung mga former classmates ko dati. I even saw my rival dati, si Luis. Hindi naman literally rival. Binubully niya kasi ako NOON.

Sa totoo lang, sobra ko ng na-miss yung school ko dati. Alam niyo yung kabisado ko yung bawat sulok ng school na yun. As in. Grabe talaga.

So, balik tayo sa sinasabi ko. Yun nga, nagpapractice kami. And what's nakakagulat pa is kilala nung mga classmates ko ang former classmates ko dati. Wow diba? Nakakatuwang isipin pero alam ko namang sa panaginip lang sila nag-eexist at nangyayari yun.

So, ako, panay ang paglilibot ko sa school, na parang kinakabisado yung bawat parte. Umakyat daw ako sa second floor pero hindi na nakaabot sa hallway kasi pinigilan ako ng isang teacher. Sayang nga eh.

Tapos, fast forward na tayo. Pinapila kami sa quadrangle. Hindi ko alam kung bakit. Nasa harapan ko si Harmony sa pila tapos nung turn na niya ay pinakita niya sa akin yung ID ni kuya Pryce. Medyo naguluhan naman ako. Graduate na yan eh. Pero may ID pa siya dito? Ang weird.

Now, it's my turn. Nakita ko sa lapag na madaming ID. Tapos familiar sa akin yung kulay ng ID lace. Parang tulad nung sa amin. Impossible na sa kanila ito. Alam ko ang kulay. Gray. Kami kasi, color-coded at ayon sa year level. Then hanggang sa nakapili na ako at saktong nakuha ko pa yung kay Harmony. ID niya nung second year pa kami. Wow! Parang gusto ko ng magising kasi sobrang naweweirduhan na ako. Pero hindi eh. Ayaw paawat. Pinakita ko pa daw sa kanya tapos natuwa.

At doon na natatapos kasi I meerly can't remember what happened next saka nagising na rin ako nun. Grabe noh, bestfriend. Since dati pa, ganyan na yung dreams ko. Eversince I left my alma mater. Ganun na ba ako ka-attached doon and I can't seem to let go? Humuhugot na naman tayo. Parang pag-ibig ko lang kay----nevermind.

So, ayun. Sana hindi na maulit yun. Nakakakaba na eh. Haha! And nga pala, bestfriend, excited na ako tomorrow night. Mapapanood ko na kasi sa TV yung all-time favorite kong libro na binasa sa wattpad. Malaki ang suporta ko sa #Yumance. Ngayon palang kinikilig na ako. Hihi!

Love,
Angela

P.S. This chapter is dedicated to AkoAyParaSayo. Salamat sa magandang BC. ❤

My Dearest BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon