MDB Entry #24

19 4 1
                                    

June 7

Mahal kong kaibigan,

Ilang oras nalang at matatapos na din ang isang linggong palugit namin sa bakasyon. At kapag nag-hatinggabi na, hudyat na iyon ng pagsisimula ng panibagong hakbangin sa pag-aaral. Akalain mo yun, nung kelan lang talaga kami grumaduate sa ika-apat na taon at heto na kami ngayon, isang ganap ng estudyante sa kolehiyo. Napakabilis talaga ng panahon, ano?

Tapos eto pa, matalik kong kaibigan, napapansin mo bang ang salita ko ngayon ay puro tagalog? Parte kasi ito ng pansariling pagsasanay ko para sa pagsali ko sa isang aktibidad sa aming sintang paaralan. Gusto kong sumali doon sa paggawa ng maikling kwento at hinahasa ko na ang aking kakayahan sa pagsasalita ng tagalog. Alam kong medyo mahihirapan ako ng kaunti dahil sa nakasanayan ko na ang paghahalo ng ingles at tagalog. Pagpasensyahan mo na. Nawa'y hindi sana duguin ang iyong mga pahina sa aking pananalita ngayon. Ako rin mismo ay nagtataka kung paano ko ngayon nagagawa iyon. Na magsalita ng tuwid na tagalog. May silbi din pala ang pagbabasa ko noon ng isang libro na halos tagalog talaga. Bihira ang ingles.

Oh, sya, matalik kong kaibigan. Hindi na ako makakatagal pa. Ako'y maghihimlay na sa aking higaan ngayon. Sumasakit na kasi ang aking ulo. Kailangan ko na ng pahinga. Dahil sa buong linggo na ito, marahil ay magiging abala na ako sa pag-aaral pati na rin sa mga susunod pang linggong darating.

Asahan mo na madalang nalang kitang susulatan pwera nalang kung may magandang mangyayari sa araw-araw. :)

Nagmamahal,
Angela

My Dearest BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon