June 15
Dear Bestfriend,
Ano kayang lasa ng J.Co Donut? Nakita ko kasi kanina doon sa may isang guard house na may box ng J.Co. Tapos napaisip ako kung masarap kaya yun. Malamang, oo kasi kinakain nila eh. Ang shunga ko lang 'no?
Wala kaming pasok ngayon. Magdiwang tayo. Yipee! Kaso, oo nga walang pasok pero panay ang gala ko. Parang useless din kasi wala akong pahinga except dun sa late kong gising kaninang umaga.
Ang hirap ding maghanap ng libro na gagamitin para sa subjects namin. Yung iba kasi wala sa library. Saan kaya ako makakahukay nun? Out of budget ako sa pagbili ng books. Buti sana kung sa Recto pwede pa.
Bukas na magsisimula ang all-white week namin. Wala pa kasing uniform kaya pahirapan muna sa pagsuot ng civilian. Akalain mo yun, baka sa second year pa daw kami makakasuot nun. Aba naman! Ano yun, for the whole year, t-shirt at pants lang susuotin namin? Kamusta naman ang 7.50 na Ariel? Baka biglang magmahal at ibenta na ng 8.00 kasi panay ang laba. Edi wow!
Kinakabahan ako para sa next week. Kasi hindi ko pa rin natatapos itype ang unang bahagi ng kwentong ipapasa ko sa PUPUKAW. Isang linggo nalang palugit ko. Paano kasi, dinadalaw ako ng writer's block. Lahat ng ideas na dapat isusulat ko ay nakalutang lang sa utak ko. Handa na nga yung paglalagyan ko nun kapag naiprint ko na. Mabulaklakin iyon tapos kulay berde, kakulay ng kursong kinukuha ko. Haha!
At anong meron sa ulan ngayon? Parang pag-ibig lang. Dadating tapos mawawala din. Jusme. Napapa-hugot ako ng wala sa oras. I should stop this. Joke lang.
Tapos may tatlong libro pang nakapila para basahin ko.
1. Sleeper Cell
2. The Lost Symbol
3. Never Talk Back To A Gangster (Vol. 3)Jusme. Lahat may bookmark. Yung iba nasa gitnang bahagi na tapos yung isa sisimulan ko palang. Nasaan ang hustisya? Hindi ko matapos-tapos kasi inuuna ko pa yung mga aralin sa school. Siguro kapag may free time ako, tatapusin ko na.
Love,
Angela
BINABASA MO ANG
My Dearest Bestfriend
PoetryDear Diary, Kailan kaya ako mapapansin ni crush? Bakit ba ang manhid niya? Hindi naman niya kailangang tumingin sa ibang babae dahil nandito naman ako, handa siyang saluhin. Love, Angela MY DEAREST BESTFRIEND WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2015- COMPLE...