June 17
Dear Bestfriend,
Second week ng klase. Stress na stress na ako. Nakakapagod bumyahe papunta ng school at pauwi ng bahay. Lalo na ngayon na nagsisimula ng umulan. Pagkauwi mo, haggardness to the maximum level lang ang peg. Jusme. Feeling ko hindi na ako freshmen. Ang daming ginagawa at gastusin. Malapit ng mabutas yung wallet ko. Baka next week, gasgas na yun. Haha!
Hays! Puro ako reklamo, bff. Why don't just I enjoy my college life to the highest level? Lalo na at ang dami ko ng naging kaibigan sa school. May circle of friends na kabilang ako. Ang The Logic Girls. Astig ng name, 'no? Kasi yung leader namin na si Kriz, ang hilig niyang magbigay ng mga logics sa'min, na halos maloka kami sa sobrang hirap. Haha!
Ako, si Crystal, si Ella, si Kriz at si Angel ang kabilang sa The Logic Girls. Oo. Puro kami babae. Hindi ko na matandaan kung paano kami nabuo basta based on my observations, again, palagi kaming magkakasamang 5 tuwing papasok, kakain ng lunch at hanggang sa pag-uwi. Paminsan naman, sumasama kami sa grupo nila Vanna, Jenn, Mike, Emman at Ron. Masaya kasi sila kasama. Ang kwela masyado. Haha. Tapos idagdag mo pa ang grupo nila Boss A. Sila yung magaling sa kalokohan. Basta yun na. 'Wag na nating i-elaborate masyado. Haha!
We had our picture-taking today para sa I.D namin. Yun oh! Magkaka-I.D na rin. Mafefeel ko na rin ang pagiging iskolar ng bayan.
/kamay sa dibdib/
And you won't believe this sasabihin ko sayo. But I saw him (kilala mo na kung sino) for two consecutive days.
>_<
Yesterday...
Habang ina-arrange kami alphabetically sa last subject namin for the day ay napatingin ako dun sa may pinto malapit sa kinauupuan ko. Actually, katapat lang namin. May nakaupo kasi sa left ko, which is siya, ang malapit. And habang naghihintay ng signal ng prof para i-dismiss, may nakita akong pamilyar na mukha doon sa katapat naming room sa left. Medyo malayo ang agwat pero kita ko naman.
Kinalabit ko si Crystal. Katapat lang siya ng katabi ko sa kaliwa. "Crys, tingin ka dun. Nakita ko siya." sabay turo doon sa room kung saan may nakita akong pamilyar na mukha.
Nagtaka naman siya. "Ha? Sino? Si Lorenzo na naman?"
At dahil sa naiinis ako sa aking sarili ay umiling nalang ako. Jusme. Dapat pala hindi ko nalang sinabi. At saka ano naman kung nakita ko siya. As if may epekto pa rin yun sa'kin.
Today....
Nandito kami sa 2nd floor. Kasama ko ang barkada at yung iba naming classmates. Waiting for the damn long line sa picture taking.
Nakasandal ako sa railings doon at napadako ang tingin ko sa kaliwa. Hindi ko inaasahan yung nakita kong tao. Oo! SIYA NA NAMAN! What the heck? Bakit parang hindi ako mapakali na ewan.
Once again, I called the attention of Crystal. "Crys! Halika! Tumayo ka d'yan, dali!" senyas ko dito.
Bakas sa kanyang mukha ang pagka-irita. "Bakit? Nakakatamad tumayo. Ano ba yun?"
"Basta! Dali na. Crystal naman." At muli ay sinundan ko siya ng tingin. Mukhang paalis na siya. Well, good for him.
"Wews? Baka si Lorenzo na naman yan?"
"Oo. Nakita ko siya. Nandun kanina kaso wala na." sabi ko sabay turo doon sa pwesto kung saan ko siya nakita. Alam ko namang hindi rin niya makikita kasi malayo at malabo mata niya :3
Bff, hindi ko intensyong maging stalker for the second time around, ha? Nagkataon lang na biniyayaan ako ng 20/20 vision kaya nakakakita ako ng malinaw kahit saang anggulo. Haha! Baka kasi gawan mo ito ng issue. Masaya na ako na wala siya. Na walang gumagambala sa buhay ko. But somewhat, may parte dito sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Would you mind explaining it to me? Ang weird kasi.
Love,
Angela
BINABASA MO ANG
My Dearest Bestfriend
PuisiDear Diary, Kailan kaya ako mapapansin ni crush? Bakit ba ang manhid niya? Hindi naman niya kailangang tumingin sa ibang babae dahil nandito naman ako, handa siyang saluhin. Love, Angela MY DEAREST BESTFRIEND WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2015- COMPLE...