June 26
Dear Bestfriend,
Hello! Na-miss mo ba ako? Sorry kung ngayon lang ulit ako nagparamdam. It's been a week, I guess? Busy kasi ako. Alam mo na, studies first pero may oras pa ako makipagkulitan sa mga friends ko. Haha! Ganun talaga. Nasa adjustment period palang ako at getting-to-know muna.
Ang daming nangyari sa'kin sa mga nakalipas na araw. At yung iba hindi ko na matandaan dahil nga sa sobrang dami kong iniisip na problema. Hays. Ang hirap maging college student.
Ay! May ichichika pala ako sayo. Grabe talagang experience ito. First time in my whole life at sobra kong naappreciate yun.
Pagkatapos ng general assembly namin ay nagkayayaan yung isang kaibigan naming lalaki na sumama kami sa studio nila. Actually, si Crystal ang nagsabi sa'kin na sumama daw kami after ng GA kasi magtugtog daw ng drums si Jerome at gusto niyang makita ng live. Syempre go na go naman ako. Nabalitaan ko kasi na sasali sila sa Battle of the Band sa school.
Nang matapos ang GA namin for almost 5 hours ay nagsimula na kaming lumarga kung saan mang lupalop ng mundo yang studio na sinasabi nila. Bale sampu kaming pupunta. 6 boys and 4 girls, including us.
Medyo malayo din pala yung studio. Nilakad lang kasi namin at nakakapagod talaga. Tapos umabot pa kami dun sa pinakababa ng highway kung saan tanaw na tanaw mo yung malawak na karagatan at pati yung bundok. I was amazed, actually kasi first time kong makababa dun. As in napa-WOW ako. Doon pala naka-locate yun.
Nakarating na kami sa studio. Akala ko yung studio ay yung parang nakikita ko sa TV at yung napanood ko sa MV ng Still In Love ng CNBLUE. Medyo patago yung place at aakalain mo talagang may bad business na nagaganap.
Edi ayun na, nakaakyat na rin kami dun. Ang liit. Masikip pa. Pero naka-aircon, 'wag ka. Ang daming instruments ang nasa loob. Complete package na ata. May drums, electric guitar, bass guitar, microphone, speaker, amplifier and many more. Matatawag mo na talaga siyang studio kung saan pwedeng mag-praktis yung mga banda.
Kahit nagsisiksikan sa loob ay okay lang sa'kin. Gusto ko talaga makita sila na tumutugtog. Si Jerome sa drums, si Gio sa bass guitar, si Angelo at Ral naman sa electric guitar. Hindi ko alam kung sino vocalist nila pero si Boss A ang kumakanta. Sana nga si Kriz nalang kasi bagay sa kanya yung part. She can sing almosy anything. From Pop to Rock n' Roll.
Very observant lang ako sa mga nangyayari sa loob ng studio. Kanya-kanya sila ng gawain. May naggu-groufie, may nagsasalita sa mic, may natugtog ng mga instruments.Speaking of microphone, ang ganda ng quality ng boses mo dun kapag nagsalita ka. It's like nagbobroadcast ka lang sa radyo and you know what, upon hearing someone's voice on that mic, grabe. Ang swabe, ang gwapo. Shemay. Parang gusto ko na lagi nalang siyang may hawak na mic. Nakaka-inlababo ang boses niya. ❤
/hearts everywhere/
Bakit ba kasi ang multi-talented niya? Bakit ba kasi na-imbento pa yang microphone?
Bakit ba ganito ako makapag-react eh nagsalita lang naman siya sa mic, diba?Bff, pakisagot nga nung mga tanong ko. Hindi ko na kasi maintindihan. Buti pa yung anak ko, kayang mag-jump into conclusions. Pero ako, hindi. Hays. Why oh why?!
Love,
Angela
BINABASA MO ANG
My Dearest Bestfriend
PoesíaDear Diary, Kailan kaya ako mapapansin ni crush? Bakit ba ang manhid niya? Hindi naman niya kailangang tumingin sa ibang babae dahil nandito naman ako, handa siyang saluhin. Love, Angela MY DEAREST BESTFRIEND WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2015- COMPLE...