June 19
#ConfessionDayDear Bestfriend,
What is it with me and guys with glasses? Bakit I find a guy attractive kapag nakasalamin siya? Sa totoo lang, mukhang nerd nga yung ganun at ayokong magka-crush sa nerd tapos pangit pa. Ang hard ko ba? Welcome to reality. xD
Biro lang. Ang ibig ko lang sabihin ay yung pagka-nerd niya ay walang dating, ganun. Tapos kulang sa karisma. Haha! Ayan! Para 'di na masyadong nakaka-offend. Baka magalit ka pa sa'kin.
Anyways, may aaminin ako. Hindi pa naman siya "crush" pero mukhang papunta na doon kung hindi ko pipigilan ang sarili ko. Ang cute niya kasi. Nung unang kita ko palang sa kanya, parang na-starstruck yata ako. I don't exactly remember when pero habang tumatagal ang araw, parang may nakikita akong resemblance niya sa isa sa mga kakilala ko. At yun ay yung crush ko dati nung elementary. Remember Pierce? Medyo hawig niya yung "cute guy" ngayon. And guess what? Kaklase ko pa siya. How nice diba? xD
Should I mention his name? 'Wag na. Baka ichika mo ito sa kaibigan mo pang journal. Yari ka sa'kin, bff. Apat palang nakakaalam nito. At pang-lima ka. Kaya secret lang ha?
Ral. 'Yan name niya. Baka magtampo ka kasi kapag 'di ko sinabi. At saka bff naman kita kaya pinagkakatiwalaan kita. Physical features? Maputi, matangkad, medyo chubby?, nakasalamin, minsan naka-contact lens. Pwede ng may appeal pero cute talaga siya. Tapos magaling kumanta at tumugtog ng guitar.
Hays! Ano sa tingin mo, bff? Crush ko na ba siya? Ganito kasi, kapag magkakasama naman kaming magkaklase, lalo na yung mga barkada niya, parang normal lang. Walang ilangan or something. Tapos walang dug-dug effect dito sa puso ko. Oh diba? Basta ang alam ko, cute siya. Yun lang. Hindi naman masama kung nakukyutan ako sa kanya diba? It's normal naman basta hindi sosobra. Baka umasa na naman ako tapos masasaktan. WALA KASING FOREVER!
Love,
AngelaP.S Itaga mo sa araw na ito ang unang beses kong nakagawa ng on-the-spot na short story sa isang piraso ng yellow pad, back to back kanina sa field exam ko sa Publication organization. And it only took me an hour to finish it. :3
BINABASA MO ANG
My Dearest Bestfriend
PoetryDear Diary, Kailan kaya ako mapapansin ni crush? Bakit ba ang manhid niya? Hindi naman niya kailangang tumingin sa ibang babae dahil nandito naman ako, handa siyang saluhin. Love, Angela MY DEAREST BESTFRIEND WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2015- COMPLE...