September 17
#MPRDear Bestfriend,
Nakakainis! Bakit ba ako kinikilig? Feeling ko tuloy nagtataksil ako sa tunay kong crush. Charot! Ang haba naman ng buhok ko. Dalawa ang crush. Hihi! I just can't help it. Ang gwapo kasi nila. Nako! Ito na naman ang malanding side ko.
Kaninang tanghali, habang kumakain kami sa paborito naming karinderya sa labas ng school, ay hindi ko inaasahang makita si, itago natin sa pangalang Mr. ChinK. Patapos na kasi akong kumain n'on at saktong lumingon ako sa likod at doon ay nakita ko siya. Yung feeling na saglit na tumigil ang ikot ng mundo ng dahil sa moment na iyon. Hashtag CloudNine. At hindi ko maiwasang kiligin. Kasi naman! Kagabi, uy bff! 'Wag kang maingay ha? Pero inistalk ko ang profile niya sa FB at napa-OMG ako sa mga nakita kong pictures niya, especially ang DP. Ang cute at ang gwapo. My gosh! Kung bakit ba kasi mukha siyang koreano. Yung puso ko, nagwawala na naman.
At eto pa ang malupit na impormasyon ang nakalap ko,
FANBOY SIYA NG KPOP! ❤❤
Ito na ba ang sinasabi nilang destiny?
Joke lang! Asa naman ako. Saka graduating student na siya kaya wala ng pag-asa. Siguro okay lang sa'kin na maging ka-close ko siya, lalo na at may maioopen akong napakagandang topic sa kanya. Hihi!
Love,
Angela
BINABASA MO ANG
My Dearest Bestfriend
PoetryDear Diary, Kailan kaya ako mapapansin ni crush? Bakit ba ang manhid niya? Hindi naman niya kailangang tumingin sa ibang babae dahil nandito naman ako, handa siyang saluhin. Love, Angela MY DEAREST BESTFRIEND WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2015- COMPLE...