Chapter 21 Still a NO

478 18 0
                                    

Iniwasan ko pa sya lalo ng mga sumunod na araw. Maging sa practice ay hindi ko sya pinapansin. Mas napapadalas na din ang pagiging maintin na ulo nya na hindi ko malaman kung bakit. Minsan kasi ay napapag-tripan nya ang mga lower year o kaya naman ay papalo sya ng malakas at biglang ihahagis din sa malayo ang bat at sabay alis sa practice.

Tss! Bahala sya sa buhay nya!

I really felt like a fool to expect something from him because of that fucking kiss. Malinaw na sa akin ngayon na walang ibig sabihin sa kanya ang bagay na yon.


"Quiminales, makinig ka naman sa akin oh." Smith didn't stop bothering me.

Akala ko naka-alis na sya kasi nag walk out na naman sya kanina sa practice ng tangkain nya uli akong kausapin.

Hindi ako nagsalita habang nagpupulot ng mga bolang ginamit namin sa field.

Leave me alone! Doon ka na lang sa Laurice mo! Tutal sya naman talaga ang babaeng gusto mo, diba?


Nagpatuloy lang ako sa ginagawa at di ko sya pinansin.


"Damn it, Quiminales! Kung galit ka, magalit ka na lang sakin! Singhalan mo ako o bugbugin mo ako. Ayos lang! Hindi yung ganitong hindi mo ako kinakausap."

I pause for a seacond and then look at him. Pinilit kong magmukhang masaya sa paningin nya. Ginawa ko nading clueless ang itsura ko para effective.

"Bakit naman ako magagalit sayo? Wala namang dahilan para magtanim ako ng sama ng loob sayo, diba? Hindi kita kinakausap dahil wala naman akong sasabihin sayo. At hindi kita pinapansin dahil ayokong magkaron ng attachment sa kaaway ko. Kaya, Mister, kung pwede lang wag mo na akong istorbohin pa at marami akong ginagawa."

Napabuntong-hininga lang si Smith. Itinaas nito ang kamay.

"Okay, I give up. If that's what you really want then, hindi na kita gagambalain pa. Bibigyan kita ng space para makapag isip-isip. Pero sana bigyan mo naman ako ng chance na mapakinggan ang paliwanag ko."

Tumalikod na ako sa kanya at akmang aalis na ako ng bigla sya uling mag-salita.

"I can give you enough reason, Sheena, if you'll just let me-----"


Marahas akong napalingon sa kanya. Tss! Reason? Bakit pa?

"No, Smith. Stop this-----"

"If this is about Lauri-----"

"Hell, it is!" Sigaw ko sa kanya. "Yes, this is about you and your girlfriend! Sa tingin ko ay sapat na dahilan na yun para layuan mo ako."

"You don't understand. Laurice and I----"


"I clearly understand everything ,Smith."


"Pwede bang patapusin mo muna ako?"


Galit na rin na sigaw nya.


Anak ng! Sya pa ang may ganang magalit?

Hinila nya ang kamay ko at inilagay ang isang papel.


"Gagamitin ko yang last ticket. Kaya makinig ka sakin sa ayaw at sa gusto mo."

Tumawa ako ng pilit. "Ganyan ka naman eh. Idinadaan mo ang lahat ng bagay sa manipulasyon." My tears started to fall. "Sa community service, sa pagiging slave ko for a week, sa pagsali sa contest, and those damn tickects!"

In The Arms Of My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon