Chapter 1

1K 28 2
                                    

Sheena's POV

"Coach!"

Napatayo nalang ako bigla ng marinig ko ang salitang "suspension" galing sa coach namin na si Mr. Magsalas.

"Hindi mo ba ako narinig Quiminales? Suspendido ang buong team sa school year na 'to."

Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi lumabas ang galit ko. Anak ng! kami lang ba ang may kasalanan dito?!

"Hindi naman ho yata tama yan, Coach. Bakit kami lang ang sususpendihin e hindi naman po kami ang nagsimula?!"

Nakataas ang kilay na tinignan ako ni Coach mula ulo hanggang paa.

Shit! pano ko ba makukumbinsi si Coach na wala kaming kasalanan sa nangyaring away kung madumi at gusot ang suot kong softball uniform, magulo ang buhok, at ang masaklap sa lahat ay may pasa pa ako sa kanang pisngi at may cut pa ako sa labi?!

"Ikaw ang tumatayong captain ng team. You are responsible and liable if theres any sort of problems like this. pero ano tong ginawa mo? sa halip na umiwas ka sa away, ikaw pa tong nagpasimuno ng gulo!"

"Sige Coach, inaamin kong ako ang naunang manapak. Pero hindi ko kasalanan ang nangyari. They provoked me. Ilang beses  akong pinatamaan ng fastballs ng mayabang na Captain ng Baseball team. Naiwasan ko ung una't pangalawa pero ung pangatlo ay tinamaan na ako sa ulo. Sino naman hong matinong tao ang hindi magagalit sa ginawa ng ungas na un Coach?!"

totoo naman lahat ng sinabi ko e. as in PINATAMAAN nya ako meaning sinadya! nagkabukol tuloy ako sa noo.

"See Coach? ito ang ebidensya. Sinadya noong Smith na yun na patamaan ako."

"Pero hindi parin tamang suntukin mo yung tao!"

Hmp! as if naman tao yun! bakulaw kaya un.

"Sa ginawa mo, nagsisugod din sa field ang mga kasamahan mo at ang kabilang team. Sa laki ng gulong ginawa niyo hindi nyo manlang binigyan ng kahihiyan itong university. In the first place, bakit nagkaroon ng game sa pagitan ninyo ng baseball team?"

Kruu~ kruu~ 

Paano ko ba aaminin to kay Coach? Kung sasabihin ko na ang dahilan ay agawan sa field tiyak na kami ang lalabas na mali. Mas priority kasi ng university namin ang baseball team kesa samin. kung ikukumpara saamin ang winning record nila ay wala kaming binatbat. Sa tatlong taon ko sa Softball team limang beses palang kaming nanalo at ang masaklap pa dun yung mga kulelat na school pa ang mga kalaban namin. Samantalang ang baseball team ay 3-year straight ng champion.

Hindi naman sa wala akong kakayahan. Softball was not a one-man game. Mahusay nga akong maglaro e palpak naman ang mga ka-team ko. sa 15 kong members dalawa lang kami ng bestfriend ko na si Jasmin Reyes ang seryoso sa sport na to. Ang ibang nag try-out ay sumubok lang para ma-excercise ang katawan, yung iba ay na reject sa sports na napili nila at naging second choice ang softball. At yung iba ay recruit ko sa pamamagitan ng suhol at pamba-blackmail. Oh diba ang saya ng buhay? Not.

Sa madaling salita mga latak na lang ang naging teammates ko. Kung hindi dahil sa pagsusumikap kong manatiling buo ang team ay malamang na matagal ng isinara ang girl's softball team sa university na ito. At ngaun ngang last year ko na sa Schuman university ay mukhang sasamaing palad pang mapatalsik ang team dahil lang sa pam bu-bully ng mayayabang na baseball team.

Ha! asa naman silang papayag ako dun?

"Sabihin mo nga sakin Quiminales, nagkaron ba ng pustahan sa pagitan nyo ng baseball team?"

"W-wala po practice game lang yun coach"

"LIAR!" I heard someone snort. Hindi ko na alam kung gaano na ba kaasim ang mukha ko dahil sa pagpasok ni Smith sa pinto. The most conceited and egoistic I ever met, the ever-so-vain captain of the baseball team.

Isang nakamamatay na tingin ang sinalubong ko sa kanya ng umupo sya sa katapat kong upuan. Kahit papaano naman ay nabawasan ang galit ko sa kanya ng makita ko ang malaki nyang pasa sa pisngi nya at madumi din ang kanyang uniform. Waaahh! naalala ko na naman kung paano nauwi ang isang ball game sa wrestling.

"Bakit hindi mo sabihin sa coach nyo na nakipag pustahan kayo sa amin  sa game?"

Tumingin bigla si coach na parang gusto ng magtanong kung totoo ba ang sinasabi ni Smith. I bit my lower lip. Fuck! I was guilty as hell.


In The Arms Of My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon