"Jasmin! Aila! Itago nyo ako dali. Wag nyong sasabihin sa kumag na yun na nandito ako."
Hingal na hingal na ako sa kakatakbo at pag takas kay Smith. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako pupwesto dito sa locker room namin.
"Hoy! Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Jas.
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paghahanap ng pwedeng taguan. Sinubukan kong hilahin ang kurtina at itaklob sa akin, pinagkasya ang katawan ko sa locker, at dahil hindi ako magkasya, pinagdiskitahan ko naman ng basurahan na walang laman. Aalisin ko na sana ang takip pero may humila sa akin.
"Quiminales, ang lakas ng loob mong pagtaguan ang captain namin! You won't get away from him."
Dalawang alipores ni Smith ang nakahawak sa magkabilang kamay ko. Nagpumiglas ako pero hindi ko kinaya ang lakas nila.
"Jasmin! Aila! Tulungan nyo ako!"
But my two friends just stared at me with an awe expression on their face. Mukhang hindi pa nila naiintindihan ang sitwasyon ko.
"Wag mo ng idamay ang mga kaibigan mo sa deal nyo ni Captain. Pumayag kang maging slave nya for a week. Kaya wala ka nang magagawa kundi sundin sya."
"Wala akong natatandaang sumagot ako ng 'oo'. Mag-isa syang nagpasya ng lahat!"
"Wala ka namang magagawa diba? Kaya sumama ka na lang ng walang gulo."
E gago ata mga to e?! Para walang gulo? E ginugulo na nga nila buhay ko!
"Go captain! Kaya mo yan!"
Wow! Nagawa pa akong i-cheer sa halip na tulungan! Waata friend.
Dalawang araw na ng matapos ang community service. Hindi natuloy ang pagsuspendi sa parehong club, even though it was unfair for us because we did all the job. Natuwa ang Dean sa naging resulta at ang galing umarte ng baseball team sa ine-record nilang video. Kunwari pang pinagpawisan sila sa pagtatrabaho pero ang totoo ay nagwisik lang sila ng tubig galing sa kanilang PET bottle. Ramdam na ramdam ko ang pagkadehado namin lalo pa at naging errand girl ako ni Smith.
Sa dalawang araw na lumipas ay ako ang taga bitbit nya ng gamit at sports bag. Sa practice game nila ay ako rin ang tagapulot ng mga bolang pinalipad ng bat nya. Pinabalik-balik nya ako sa canteen para bumili ng kung ano-ano na hindi naman pala nya kakainin. Ako rin ang gumagawa ng tambak na research homework nya. At ang masaklap pa ay para akong aso na palaging nakasunod sa amo kahit san man sya magpunta. Well except sa c.r. He told me not to leave his side while were in school until our deal was off. Kung may maisipan kasi syang katangahang bagay ay talagang ipapagawa nya yun sa akin.
Hindi ako nakatagal nang isama nya ako sa tambayan nila. A room which was exclusive only to him and his friend. The baseball members looked at me like I was some kind of specimen. Smith even told me to sing in front of them. Hindi ko yun magawa. Mas mabuti pang mamatay na lang ako na intact padin ang pride kaysa mamatay sa kahihiyan. Mabuti sana kung maganda ang boses ko. Ay hindi e! Mas sintunado pa ata ako kay Anne Curtis. Nang mawala ang atensyon nila sa akin ay tumakas na ako agad. Pero eto nga at dala-dala na naman ako ng alipores nya. Leche!
BINABASA MO ANG
In The Arms Of My Enemy
HumorTuwing magkakasalubong sina Sheena at Harris ay hindi maaaring walang gulo. Sila na ang tinaguriang aso't pusa ng Schuman University dahil na rin ayaw nilang magpatalo sa isa't-isa. Si Harris Smith na Baseball Captain, anak mayaman, at ubod ng yaban...