Chapter 22 Too late?

510 19 3
                                    

Start na ng foundation week namin ngayon. Maraming booth ang nagkalat sa bawat departments at may mini mall din na nakalagay sa isang building ng Engineering Department. Sa field naman nakalagay ang ferris wheel, caterpillar at iba pang rides para sa buong week. Sa kalahati ng field nakalagay ang stage para naman sa battle of the band.

"Jess hati tayo dun sa ticket na nakuha mo sa office ah."   Si kieth isa naming ka team.


Mag kakasama kasi kami ngayon at nakatambay lang kasi mamaya pa naman ang event. Na hindi ko alam kung ano.

"Aba! Ayoko nga. Isasama ko yung kapatid ko dito kaya kelangan ko ng maraming ticket. Kung bat naman kasi lima lang ang libreng ticket ng school."


"Ang bakaw mo! Pati yung ticket nung di napasok natin na classmate kinuha mo din."


"Aba ganun talaga. Alam ko namang ikaw ang kukuha nun kaya inunahan na kita. Hahaha"

"Tss! Madaya akin sana yun e." Bulong pa ni kieth.


Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Kahit simpleng bagay talaga pinagtatalunan nila. Pero bespren sila, pareho ding kikay at itsurang mahinhin pero mga balasubas din ang ugali.

May libre kasing ticket dito sa school every foundation week pero lima lang yun. Kaya kung magra-rides ka kaagad sa first day e di wala ka ng magagamit sa ibang araw. Pwede naman bumili kaso twenty pesos ang isa.

Nagpalinga-linga ako pero hindi ko makita sina Jas at Aila. Kanina ko pa sila hinahanap para mag lunch pero gutom na lang ako't lahat ay dipa sila nagpapakita saken.


Naglakad-lakad ako sa stall na nagbebenta ng mga shakes, pero bago pa man ako makalapit ay nakita ko dun sina Smith na nabili din. Magkasama sila ni George saka ng dalawa pa nyang ka teammates. Agaw pansin sila hindi dahil sa ingay nila kundi dahil sa itsura nila. They are all wearing shades and it makes them more appealing.

Bat kasi gayan ang mukha mo Smith? Kahit di ka nangiti, ang gwapo mo pa din?

Bago pa man ako tumalikod ay nakita kong napalingon syasa akin. Tumitig lang sya sandali pero sya din ang unang nagbawi at umiwas ng tingin.

"O Captain san ka pupunta?"  Narinig kong may sumigaw sa pwesto nila.

"Jan lang sa tabi-tabi. Wag na wag kayong susunod, ayoko ng kasama ngayon."

Narinig kong sagot nya pero di ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paghahanap kana Jas.

Bakit ganito ang nangyayari? Kasalan ko ba? Sya naman diba?

"Captain! Bat mag-isa ka? Kanina ka pa namin hinahanap. Aakitin ka sana naming mag-rides."

Biglang sumulpot yung dalawa sa harap ko na parang pagod na pagod. Teka?  Naghahanapan lang ba kami? Tae parang timang.


"San ba kayo galing dalawa? Kanina ko pa din kayo hinahanap. Alam nyo bang kanina pa ako nagugutom? Tara kakain na tayo ng lunch."

"Uh... sa cafeteria ba tayo captain? Wag dun... a-ah anu... walang masarap na ulam... oo tama... sa HRM department na lang tayo. Para maiba naman. He-he"  si Aila.


Nagtaka naman ako dahil parang may iniiwasan sya. Dati-rati favorite nya halos lahat ng tinda sa cafeteria.

In The Arms Of My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon