Hinihingal akong pumasok sa locker room ng softball team pero nadismaya lang ako dahil wala na akong naabutan na ka-team mates kundi sina Jasmin na bestfriend ko at isang bagong member.
"Nasaan na sila?" Umupo ako sa isang block.
Nagkibit balikat lang si Jasmin bilang sagot. Sigh. Ano pa nga bang aasahan ko sa mga ka-team ko?
"Umuwi na." si Aila na bagong member.
"Ni hindi manlang nila hinintay ang desisyon ng Dean?"
Tumayo si Jasmin at hinagis sa akin ang malamig na bottled water.
"Ano bang inaasahan mo? Nabugbog yung mga tao at nagkaroon pa ng record sa guidance office, sobra na kung may bad news pa."
Napangiwi ako sa sakit habang ginagamot ni Jasmin ung mga galos ko sa mukha.
"So ano na? Ayokong magtanong dahil mukhang may dala ka nanamang bad news, captain." Aila
Itinaas ko ang dalwa kong daliri. "2 good news, 2 bad news."
"May good news?" Jasmin na mukhang gulat na gulat.
"Anong gusto nyong unahin?"
"Bad news muna captain."
"Okay." Sigh. "Guys suspendido tayo sa buong school year na 'to." Nakangiti pang sabi ko.
"Ah... Aila sabay na tayong umuwi." sabay kuha ng mga gamit nya.
Aba't tamo to! Uuwi na agad narinig lang na suspended e.
"Yeah sure. Kain muna tayo bago umuwi. Tomjones na ako eh."
"Hoy sandali! Bakit kayo aalis agad? Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko! Kawasa kayong dalawa, gusto nyo bad news agad."
"Captain, kung sinuspendi tayo wala nang point kung pakikinggan pa namin ang iba pang details. Wala na e. We've already been suspended... the end."
"Ang mabuti pa sumabay ka na lang saming kumain bespren."
"Ano ba naman kayo! Hindi nyo ba narinig? May good news pa."
"Eh ano ba kasi yun? Sabihin mo na."
"Hindi lang tayo ang nakatikim ng suspension."
"Bakit captain?"
"Suspended din ang baseball team."
"Good news ba 'yon captain? dapat bang ikatuwa yon?"
BINABASA MO ANG
In The Arms Of My Enemy
HumorTuwing magkakasalubong sina Sheena at Harris ay hindi maaaring walang gulo. Sila na ang tinaguriang aso't pusa ng Schuman University dahil na rin ayaw nilang magpatalo sa isa't-isa. Si Harris Smith na Baseball Captain, anak mayaman, at ubod ng yaban...