Chapter 15 The Pageant

515 23 0
                                    

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Andito ako ngayon sa backstage kasama sina Jas at Aila. What the heck? Anong gagawin ko?!  Natapos na ang Production number, school uniform attire, at ngayon naman ay talent na. Amputs! Ipapahiya ko na naman ba ang sarili ko?!

"Now here is the last contestant for the talent portion. I know guys that you are really surprised by her appearance in this beauty contest. Let's give a round of applause for Miss Sheena Alexis Quiminales!" Emcee

"Go bes! Goodluck. " sabay tulak saken ng bahagya ni Jas.

*inhale*exhale* wooh! kaya ko to!

May ilang nag sigawan at pumito. Napatingin ako sa kanya. Smith is part of the audience, looking at me and smiling like the idiot he is.

May nakita akong isang grand piano sa gilid na parang ginawang pang display ng stage. Maingat akong naglakad gamit ang nagpapahirap saken na heels. After I open the piano, I hit a key to check the tune. Tama lang ang tono. I would play the only piece I knew. Natutuhan ko yun noong high school pa lang ako. I joined Hitoshi and Kiyoshi in their piano class. Hindi namin pinagtyagaan matutunan ang piano kaya iisang piece lang ang na master ko. Ang pinaka paborito ko sa lahat.

Huminga muna ako ng malalim before I hit the key again. Buti na lang tanda ko pa yung mga notes. It started slow and solemn then became fast and cheerful. I smile. Nawala ang kaba ko ng ma-enjoy ko ang ginagawa ko. Wala akong pakialam sa mga nanunuod masyado akong nasiyahan kaya hindi ko napansin na malapit na palang matapos ang tinutugtog ko. Ang huling key ang biglang pumuno ng palakpakan sa buong auditorium.

"W-Wow! Palakpakan po natin ang performance ni Miss Quiminales. Para lang akong nakikinig sa isang musical concert." emcee

Before I went backstage ay napatingin uli ako kay Smith. The jerk looked so pleased. Isa sya sa mga pumalakpak sa audience na para bang nanalo sa lotto. Ganon ba nya kagusto si Laurice? Bakit ko ba ginagawa to? Fuck Sheena! Ano bang pakilam mo sa lovelife ng unggoy na yan!?

Pagkatapos ng ilang mga pakulo ay nasa question and answer portion na. 8 kaming naglaban-laban at nasa number 5 na ngayon na walang iba kundi si Laurice.

"Okay #5 here's your question. What would you choose, your beauty that everybody wants you or have an excellence but you are the most ugly existed? "

"thank you for your question. If I were to choose I will definitely go for my beauty. THANK YOU! " Laurice

"Hahahaha!"

Maraming nagsitawanan at pumalakpak sa sagot nya. Beauty daw? Tae talaga nito. Masyadong obsess sa mukha nya.

Maya-maya lang ay turn ko na para sa Q&A.

"What will you do if your boyfriend fall in love with another girl and wants to break up with you?"

Tae yan! Pang beauty contest ba to?!

Isang honest na sagot ang ibinigay ko sa kanila.

"I will beat him to death before letting him go."

Ang sagot ko ay umani din ng tawanan mula sa mga estudyante kaya pati judges ay hindi agad maka move-on sa sagot ko.

Ilang saglit pa ay inannounce na ang mga nanalo. I am the first runner-up and best in talent. But on the other hand, ang inaasahan namin na mananalo na si Margaux Uy ay hindi rin nanalo. She's only second runner up. Si Sarah Villaflores ang title. Si Laurice ay third runner-up lang. My effort worth it. Kahit hindi ako nanalo ay hindi rin naman nanalo si Margaux Uy. Yun ang mahalaga sa napag-usapan namin ni Smith.

"You were great up there, Quiminales. Hindi ko alam na marunong ka palang tumugtog ng piano."Si Smith. Pagkatapos ng contest ay dinala nya ako sa canteen. I'm really hungry. Nagutom ako sa kakasagot sa mga tanong ni Jas, Aila at ng teammates ko kung bakit napasali ako dun. No matter how many times I answered their question ay may follow up question agad sila sa akin.

Yung totoo captain? Anong nakain mo at sumali ka sa contest?

That was their first question after pageant. Wala manlang congrats! , tanong agad. Hindi kasi sila makapaniwala na ako yung nakatayo sa stage kanina kung di pa tinawag ang pangalan ko. They were praising me a while ago. I didn't know how to react to those guys who said I unexpectedly beautiful and charming. Kung hindi lang daw masyadong prangka ang naging sagot ko sa Q&A edi sana daw ako ang nanalo. Tss! Para un? Di ko naman pinangarap manalo.

"I'm not that great. Yun lang ang kaisha-ishang alam kong tugtugin." *munch* munch* Ngumunguya pang sagot ko. Inilapag nya sa harap ko ang isang basong tubig. Napatingin ako sa kanya. He's grinning. "Ano'ng nangyayari sayo?!"

"Huh?"

"May sakit ka ba? Bakit ang bait mo? Tae ka! Baka may lason pinpakain mosa akina!"

"Masama bang maging nice sayo? " nakataas ang kilay na tanong nya.

"Para kasing may binbalak kang masama e. Hoy! Umayos ka! Hindi mo na ako pwedeng utos-utusan! Dito na nagtatapos ang deal natin. Tumupad ka sa usapan!"

"Hindi ka naman nanalo diba?"

"Hoy! Ang sabi mo, basta hindi lang manalo si Margaux Uy! Nangyari na ang gusto mong mangyari, nahigitan ko pa sya. Ano pa'ng gusto mo?"

Nagkibit-balikat sya at inilabas ang kanyang phone. May pinindot sya don.

P-paano kapag hindi ako nanalo?

Fuck! Boses ko yun. Nautakan pa ako ng welengye!

Ni-record pala nya ang naging usap namin. Nanggigigil na tumayo ako at tinangkang agawin ang phone nya. Pero mukhang nahulaan na nya ang gagawin ko kaya inilayo kaagadsa akinang phone nya. Tumawa sya ng hindi ko yun maabot kaya hinawakan ko ang balikat nya para tuunan saka tumalo-talon. Nyeta! Bat ba kasi kinulang ako sa height?

Hinihingal na huminto ako ng mapagod . Hindi ako makatalon ng maayos dahil sa heels ko. Di kasi ako nakapag-palit kasi dinala na nya ako agad dito sa canteen.

Ngitin-ngiti pa syasa akin.

"Hmm... ano kayang ipapagawa ko sayo? I have three tickets."

Naiinis na siniko ko sya sa sikmura gaya ng lagi kong ginagawa.

*cough*  "Violence is not allowed!" Huminga sya ng malalim at umiwas ng tingin. "Jeez... Why did it turn out like this?" Bulong nya.

"Ha? Anong sabi mo?"

Umiling-iling sya. "Nah. Never mind. By the way, ihahatid kita pauwi."

"Huh? B-bakit pa?" May binbalak ka nanaman ba Smith? 

"Do you want to commute looking like that?" Bumaba ang tingin nya sa suot ko. Suot ko padin ang semi gown na bigay nya at hindi ko nagawang kunin ang pamalit ko dahil sa kanya.

Nahila ko bigla pababa ang maikling gown na suot ko. Kung wala lang si Smith sa harap ko, kanina ko pa sana to nahubad. Leche! Bakit ba nagiging aware ako sa hambog na to!?

Napahawak sya sa baba nya. "On the other hand, it really looks good on you. Mukha kang babae."

"Don't make fun of me!" Naiinis na tinanggal ko extension ng buhok ko. "Sumusobra na ang pinagagawa mosa akin!"

"I wasn't making fun of you. Seryoso ako."

Nagulat ako ng bigla nyang ilapit ang mukha nyasa akin. I was caught off guard. Lalo akong natigilan at nanigas sa kinatatayuan ko ng hampuling ng likod ng kamay nya ang pisngi ko.

"You should be more confident, Quiminales."

Tinitigan nya ako na para bang may nakita syang kaay-aya sa mukha ko.


In The Arms Of My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon