Ganun siguro talaga ang buhay no? Yung akala ko masaya na kami dahil dumating na ang mga pinsan ko pero di ko alam na sa likod pala ng mga ngiti at tawa ni mama ay may problema pala syang dinadala. Simpleng problema lang sya para sa iba, pero malaking problema na to parasa akin.
Napa buntong-hininga ako ng mapatingin sa malawak na grounds. Nakaupo ako sa bench habang nakatanaw sa mga kasamahan ko at sa baseball team na nagpa-practice sa field. Nagpaalam ako sa kanila para makapag pahinga saglit. I said I have a headache. Pero excuse ko lang yun para makapa-isip ng solusyon sa problema ko.
I glance again at the invitation in my hand. It was a birthday invitation from my grandfather. Tao-taon ay pinadadalhan nila kami ng imbitasyon para dumalo sa kaarawan nya. I never understand why he even bother. Ni minsan ay hindi ako naglaka-loob na pumunta doon. Pumupunta si mama bilang representative ng pamilya namin pero palagi namang umiiyak pagkadating. Hindi ko rin sya maintindihan kung bakit pa sya nag-aaksaya ng oras sa pagdalo sa birthday ni lolo kahit alam naman nyang pagsasalitaan lang sya ng masama. Palagi lang sa aking sinasabi ni mama na tradisyon na raw yun ng pamilya namin kahit noong nabubuhay pa si papa. Pagbibigay galang daw yun.
But what the heck! Nararapat bang igalang ang mga taong mababa pa sa daga ang tingin sa amin? I'd known for a long time that my grandfather didn't approve the relationship of my parents. Ikakasal na sana noon si papa sa pinagkasundo ni lolo sa kanya pero bigla akong sumulpot sa mundo kaya si mama ang pinakasalan ni papa. That was my mother told me when I forced her to tell everything about our problems. Kaya ni minsan ay di ako pinakilala ng mga magulang ko sa mga kamag anak ni papa dahil ayaw nilang makatanggap din ako ng cold treatment.
At ngayon namomroblema ako dahil doon. Hindi ko kasi pinayagan si mama ng nagpa alam sya saken kagabi. Kaya ako ang nagprisinta. I know it's about time for me to face them. Malaki na ako at kayang-kaya ko nang i-handle kung mauuwi sa hindi magandang pagkikita ang sitwasyon.
I needed to protect my mother. Matagal ko na tong gustong gawin, ayaw lang akong payagan ni mama. But now, I wouldn't give her a chance to disagree.
The party would be on Sunday night. May ilang araw pa ako para makapag prepare.
I sighed again for the nth time.
"What's with the sigh, Quiminales?"
Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Smith. Bakit ba lagi na lang syang sumusulpot na parang kabute kahit saan man ako magpunta?!
"Leave me alone, Smith. Ayokong makipagtalo sayo ngayon. Marami akong iniisip."
"Bakit ba iniisip mong tuwing magkikita tayo ay makikipagtalo lang ako sayo?"
Naiinis na tumingin ako sa kanya.
"Dahil yun ang nangyayari!"
"It's because you are very hot-tempered for a girl."
"Ano'ng sabi mo?!"
Itinuro nya ako..."O hayan, kita mo. Galit ka na naman. Nagsasabi lang ako ng totoo. Umiinit na agad yang ulo mo."
Natahimik ako sa sinabi nya. I hated to admit but he's right. Nawawala ang composure ko dahil sa kanya. Katulad ngayon na saglit kong nakalimutan ang problema ko sa ilang sandali na pakikipag talo kay Smith. He could be a great diversion for me.
"Do you really hate me that much?" Maya-maya ay tanong nya.
Huh? Tumingin ako sa kanya. Clueless ako sa tinatanong nya. Hindi ko alam kong imagination ko lang pero nakikita ko ang kalungkutan sa blue eyes nya. May problema din si Smith? Tamo nga naman nakikiuso pa sa akin.
BINABASA MO ANG
In The Arms Of My Enemy
HumorTuwing magkakasalubong sina Sheena at Harris ay hindi maaaring walang gulo. Sila na ang tinaguriang aso't pusa ng Schuman University dahil na rin ayaw nilang magpatalo sa isa't-isa. Si Harris Smith na Baseball Captain, anak mayaman, at ubod ng yaban...