Chapter 21

3 2 2
                                    

CHAPTER 21

"Kiel, totoo ba yung narinig namin?" patiling tanong ni jess.

Nandito kami ngayon sa labas ng building, nakaupo sa ilalim ng puno at nagchichismisan.

"Oo nga" sagot ko.

Tumili naman silang lahat. Ugh.

"KYAAAAAAAAAAHH!!"

"Gosh ang swerte mo naman makakasama mo si Ash" ani gab.

Nalaman kasi nilang makakasama ko si damulag sa presentation bukas. Hasyt ang bilis ng panahon, at sinabi napala ni damulag kung ano ang eprepresent, parang ididiscuss pala dun ang mga nangyayari sa school at saka kung ano ang mga pagbabago at mga good moral ng estudyante. Tsk kung alam lang nila!

"Dinig ko sa haile University daw gaganapin yun. Tama ba Kiel?" nilingon ko naman si jess dahil dun.

Tumango ako bilang sagot.

"Kyaaah, you can do it kiel!!" cheer ni Chelsea.

Ang cute nya.

"Yes, you can do it. FIGHTING!!" sabay na cheer nila jess at gab.

Napangiti naman ako dahil dun.

"Kiel una na kami" paalam no gab.

"Sige, ingat kayo" sagot ko.

Mauuna na sila kasi nag si-datingan na ang mga driver nila.

Habang ako papalabas na ng gate ng maka tanggap ng text sa pinaka ayaw kong makita.

(Damulag)

Tambayan, dalian mo.

Tsk. Kahit kailan talaga ang lalaking to napaka ano. Aish.

Ilang linggo ko na rin na ka kasama tong lalaking to At yun ang pinaka pangit na araw o linggo ng buhay ko palagi akong binubwesit.

flashback*

"Dalian mo ang bagal mo mag sulat" Singhal na naman nya.

Kanina pa to ah. Kunti na lang hahampasin ko to ng notebook kung sya kaya mag sulat ng dito namumula na ang kamay ko kaka sulat dami narin tinta.

"Kung ikaw kaya mag sulat dito, para may pakinabang ka naman!" buwelta ko.

"dalian mo! " sabi nya na animoy hindi ako narinig.

"Faster, freak"

"Why are so slow?"

"Should I put a machine in your arm so you could move faster?"

"That put that in there and that too"

"You agreed to my condition that you will do everything I said, so what are you whining at"

"Put everything at the same fucking time"

"The presentation will be a fucking mess if you'll do that"

"Don't you fucking know how to use a goddamn laptop?"

Argghh. Halos sabunutan kona ang lalaking yun kauutos. Bakit kasi pumayag ako sa walang kwentang kondisyon ng lalaking yun.

Yes yung kondisyon nayun is yung susundin ko lahat ng sasabihin nya regarding sa presentation at ako raw lahat gagawa at ididikta nya lang kung ano ang kailangang gawin.

Napagisip isip ko okay na kasi yun kisa naman sumakit Pa ulo ko kaka asa ng lahat ng files ng school sya alam naman nya.

Hindi naman ako marupok di katulad nung nagbabasa. Awtss

Kasalukuyang akong naglalakad papuntang tambayan nila ng may kumalabit sakin.

Nilingon ko ito na naka-mantis pose.

"Red"

"Hello princess" masayang sabi nya.

Grabe matagal na din kami hindi nag usap ah.

"Kamusta kana?" tanong nya.

Ningitian ko naman sya "Ito ayos lang, ikaw?"

Ngumiti naman sya"Im fine, pupunta kaba sa tambayan?" aniya saka nag patuloy sa paglalakad.

" Oo"sagot ko habang tumatango na Parang bata.

"Kamusta naman yung presentation na pinaghahandaan nyo ni Ash"

"Ah, ayos lang naman"

"Hmm" aniya saka hindi na nagsalita.

Napapansin ko lang parang hindi na masyadong madaldal si red.

Nagkibit balikat lang ako, Baka pagod lang. Ganun din ako eh, pag wala sa mood naging pipi.

Ilang sandali Pa sabay kaming pumasok sa pintuan ng tambayan.

"Ooh, nandito na kayo" bungad ni thristan habang yung Lima naman nakatingin lang samin.

Napatingin ako kay Ivan nakangiti syang nakatingin sakin. Syempre naka kita sya ng maganda eh.

"Baby girl, sit here" Tawag sakin ni thristan, ewan koba bat ganun yung tawag nya sakin piling klos.

"Wag, dito ka" bulong sakin ni red at pina upo sa tabi nya, ngumiwi naman si thristan dahil sa inasta ni red.

"So what's this all about" nakangiwing tanong ni shun the hottie nerd. Sheesh.

Natigilan naman ako ng bigla silang tumingin lahat sakin.

"B-bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Pwede na" tugon ni dave.

Anong pede na?

"Kunting ayos lang, papatok na to" ani Thristan.

Anong ibig nilang sabihin? Wag mong sabihing....

"Bibinta na'to" tugon naman ni ivan.

Nanlaki ang mga matang tumingin ako kay ivan.

Ebibinta? Anong? Punyawaaa..

Ebibinta ba nila ako? Kaya pinapunta nila ako dito? Waaahh mama.

Yun ba yung ibinibenta tas kukunin yung mga laman loob?

Pero wala akong nakikitang puting van.

"Call them later, tell them we got some business" seryosong ani damulag.

Omygosh, Omygosh. Ito napo ba? Katapusan kona po ba? Noooooo..

Hindi kopa nga nagagapang si Ivan wag naman huhuhu.

"Princess, halika" gulat akong tumingin kay red ng hawakan nya ang kamay ko.

No. No. No dipa ako ready huhuhu.

Sayang lahi ko.

Sayang lahi namin ni Ivan kung hindi kami magco-combine together.

"S-San moko dadalhin?" natatarantang tanong ko.

Nilingon ko si damulag na may matalim na tingin, pero ang lokoloko seryoso lang tumingin sakin.

"Okay, lezzgo people" masayang tugon ni dave.

Teka. Teka. Anong plano nila ngayon na kaagad? Dipa ako naka farewell goodbye sa world.

Huhuhuhu.. Nanay

My Worst EnemyWhere stories live. Discover now