CHAPTER 32
"ITO, bagay ba?" tanong sakin ni conlan habang tinatapat sa katawan ang isang fitted dress.
Bwisit dinaig pa ko.
"Hindi mukha kang turon na kulang sa prito" sagot ko.
Binalik nya ang dress saka pumunta sa heels section.
"Ito bagay sakin" aniya, sinusulat ang isang mataas na heels.
Tumingin sya sakin.
"Mukhang dinikdik na bawang ang paa mo" walang ganang sabi ko.
Totoo namn eh. Ang laki kaya ng paa nya saka susuot ng heels.
Pumunta naman kami sa cosmetic section.
Tinry nya ang iba't-ibang make-up saka humarap sakin, naka all smile pa.
"So? What do you think? Bagay sakin Diba?" masayang sabi nya.
Tinignan ko ang mukha nya.
"Mukhang sinapak ng floor wax ang mukha mo" kontra ko.
Sumimangot sya saka padabog na binalik ang make-up.
"Hindi na nga ako bibili" nakasimangot na sabi nya.
Lumaki naman ang mata ko saka hinawakan sya sa braso ng akmang lalagpasan nya ako.
"Bakit?" tanong ko.
Umirap sya.
"Lahat na lang ang itatry ko kinokontra mo eh" nagtatampo ng Saad nya.
Kumunit naman ang noo ko kasi totoo nman eh, anong gusto nya mag sinungaling ako? At sabihin maganda kahit mukhang nilagyan ng floor wax saka binasa ng basahan ang mukha nya.
"Hindi sige try ka ulit tignan ko"
"Wag na lang, kain na lang tayo" aniya saka nilagpasan ako, sinundan ko sya ng tingin.
Nagalit ata. Huhuhuhu. Nagsasabi lang ako ng totoo eh.
Pumunta kaming Greenwich, pagka-upo sya na ang nag order.
"Hoy con, galit ka?" naka gustong tanong ko.
Umiling sya "Hindi ano kaba?" bumuntong hininga sya.
"Galit ka eh" sabi ko.
"Hindi, siguro sa susunod na lang ako bibili mukha hindi rin maganda ang stocks nila ngayon eh" naka ngiting sabi nya,ngumiti na lang din ako.
Hindi na kami nakapag uspa dahil dumating na ang order namin.
Pagkatapos kumain, Tumingin-tingin na lang kami saka napagdesisyunang umuwi na.
Habang nasa loob ng kotse biglang tumunog ang phone ni conlan.
Yes phone na para sosyal hahahaha.
"Kiel? Okay lang ba kung ma lalate kang umuwi, ilang minutes lang naman" biglang sabi nya pagkatapos basahin ang text siguro.
"Bakit? May pupuntahan kapa ba?"
"Oo eh, urgent lang. Mabilis lang naman 'to, tapos hahatid na kita Pa uwi" aniya saka ngumiti.
Tumango ako "Okay, sige"
Pagkauwi maliligo agad ako, nanlalagkit nako eh. Naka uniform Pa pala ako nakalimutan kong magbihis ito kasing baklitang to nagmamadali.
Habang palapit ng palapit sa pupuntahan nagiging pamilyar na sakin ang daan.
YOU ARE READING
My Worst Enemy
Teen FictionIt all started in that 1 peso coin and everything became my worst nightmare. This is not your typical love story. Story can be deceiving. (CHAROT!!✌️)