CHAPTER 24
RAMDAM KO ang bilis ng tibok ng puso ko, pagkapasok namin. Lahat ng attention saamin napunta Bawat hakbang,bawat galaw nakatingin sila samin.
Hindi rin nakatakas sakin ang pagsuyud nila ng tingin sakin mula ulo hanggang paa yung iba nagbubulungan pa, pero ang naka agaw talaga ng attention ko ay ang gulat na tingin ng taong nasa harapan namin.
Namilog ang mata, na kung tama ako ay parang iiyak na.
"Tito, Happy birthday" bati ni damulag pagkalapit namin.
Nakatayo sya at nakatingin sakin. Awkward.
Nagtago naman ako ng kaunti sa likod ni Ivan.
"Yow, titow happy birthday" sabi ni red na may hand gesture Pa.
Tumingin naman sa kanya yung tito na sinasabi nila na Mukhang ngayon lang na tauhan.
"Happy birthday po" sabay sabay na bati nila shaun.
"Thank you, thank you. I thought you won't be coming" naka ngiting sabi ng lalaki.
"Pwede po ba yun? Eh ang lakas nyo samin eh. At hindi pwedeng missing in action ang gwapong tulad ko" biro Pa ni red.
Ang hangin talaga.
Tumawa naman ang mama.
"Happy birthday po" nahihiyang bati ko, Nakakahiya naman ako lang pala ang nakakagreet sakanya.
Natigilan naman sya pero naka bawi rin at ngumiti.
"Salamat Hija" Aniya na matamis na nakangiti,ngumiti rin ako "What's your name hija?" tanong pa nya.
Tumingin muna ako kay Ivan at Mukhang nakuha naman nya kaya tumango sya.
Nakakahiya naman 'to.
Nasakin lahat ng attention. Pisting yawa.
"Ahm, kiel po" magalang na sambit ko.
"Kiel" ulit nya pa.
Napayuko naman ako sa hiya. Punyemas.
"As beautiful as you are" dagdag pa nito.
Automatic naman akong napa-angat ng tingin.
"Ay totoo po yan,actually sinasabi ko nga sakanila kung gaano kaganda ang pangalan nayan at mas lalong - lalo na yung ang may ari? Sus ginoo DYOSA" sambit ko, nagulat naman si Sir pero tumawa rin din.
Natawa rin sila Ivan.
"Hahaha haha, yeah that's defenitly true. I like the confidence ai" natatawa ng sabi nya.
"Oo nga po,ewan ko ba sa iba dyan kung bakit hindi makita yun. Sinabihan ba naman akong balat kalabaw e ang ganda at kinis ng kutis ko" dumungaw pa ako sakanya, saka bumulong "Naiingit siguro" natawa naman ang ginoo.
"Sino ba nagsabi sayo nyan?" tanong Pa nya.
"Ay yung mga tao dyan sa gilid gilid na walang ginawa kundi a--" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil sumingit na naman si papansin.
"Tito, let Kiel take a sit first. Baka nangangalay na sya" Aniya.
"Ah, yeah sorry. Come come take a sit, join me here" aya nito.
Bago pa maka-upo hindi naka ligtas sakin ang matalim na tingin ni damulag na sinuklian ko din ng mataas na tingin, parang may ilang libong electricity voltage sa gitna namin bago ma-upo.
"Sorry wala po akong regalo sa inyo, Nakakahiya naman po" sabi ko ng maka upo, ewan ko pero kahit ilang minuto palang naging komportable ako sa mama na'to "Kinaladkad lang po kasi ako ng mga 'to dito"
Nakakahiya nakiki-birthday ako pero wala akong dala kahit ano Baka isipin nila andito lang ako para kumain. Hmp.
Ngumit naman si sir "No, its okay. I'm too old for that, just your presence is already enough for me"
Mabuti na lang pala mabait 'to hindi tulad ng kapit bahay namin,kailangan dapat may regalo. NO GIFTS NO ENTRY. tsk.parang sinabi narin nila na. NO GIFTS NO LAMON. tsk nahiya pa kasi sila, mapanis sana spaghetti nyo.
Hindi kona pinansin yung sinabi nung mama, kahit Parang feeling ko may double meaning.
Hinatidan kami ng waiter ng Pagkain sa lamesa, alangan sa sahig. Joke.
Nag uusap - usap sila lng lahat ako lang yung lamon ng lamon dahil wala rin naman akong naiintindihan sa pinag-uuspan nila at tsaka sinabihan din ako ni manong na wag mahiya at kumain lang.
See may 'GO' signal ako, kaya lamon kung lamon kiel minsan lang yan atsaka ang Sarap kaya ng mga Pagkain.
YUMM..... d^__^b
___________
#SLOWUPDATE😌
YOU ARE READING
My Worst Enemy
Teen FictionIt all started in that 1 peso coin and everything became my worst nightmare. This is not your typical love story. Story can be deceiving. (CHAROT!!✌️)