Chapter 8

8 4 0
                                    

CHAPTER 8

"PISTENG YAWA KA DAMULAG!!" Sigaw ko ng makapasok ako sa cr ng school namin.

Nagkakaudugaga ako sa pagpunas ng red stain sa palda ko. Bweshit.

Nilagyan lang naman ng kung sino ng ewan ko kung anong tawag dun basta nagmantsya sa palda ko ang kulay pulang whatever they call this kaya nagmukhang tinagusan ako. Yawa.

Kung san-san pa naman ako pumunta kanina sa cafeteria, sa field, sa gym.

Pisteng yawa talaga kasalanan to lahat nung damulag na yun sigurado akong sya na naman ang may pakana nito. Arggh.

"Anong ipapalit ko dito?" nanlulumong sambit ko.

Binasa ko yung likod ng palda ko kaya kapag lumabas ako lalabas na Parang umihi ako sa palda ko.. Eww.

"Use this" sabi nung isang tinig.

Napalingon ako sa may pinto nagulat ako ng makita ang isang anghel... Charot..

Ang gwapo.. Fafa...

"Here" aniya saka inilahad sakin yung Jersey jacket nya.

Nang hindi ko tanggapin yun sya na mismo ang lumapit saka tinali yun sa beywang ko.

Pafall ke keye.. Ahi..

Pagkatapos nyang gawin yun tumalikod na sya saka umalis.

Ay wala na sya...

Naginit naman ang both pisngi ko.
Acckkk.

I kennat.

NAKANGITI akong bumalik sa room na parang walang nangyare.

"Hoy anong ningingiti mo dyan?" nanunuksong tanong ni gab.

"Wala" maikling sagut ko.

"Anong wala look oh, your smiling like something good happen to you. Samantalang kanina parang bulkan kang malapit ng sumabog dahil sa nangyari kanina"

Nakalimutan ko na nga yun kanina pinaalala pa.

"Okay kana ba kiel?" nag aalalang tanung ni jess.

"Oo naman, bakit naman ako hindi magiging okay? " natatawang sagut ko sakanya.

Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Kasi hindi ka namin naipagtatanggol sa gumagawa sayo nito" malungkot na Saad ni jess.

Ngumiti naman ako "okay lang kaya pa naman atleast ito lang yung ginagawa nila sakin hindi sila nanakit physically. hayaan nyo magsasawa rin yung taong gumagawa nito"

Napatango namn sila.

KASALUKUYAN akong naglalakad papuntang tindahan ng mga bisikleta dahil bibili ako matagal ko rin pinagipunan to para bawas hasel sa byahe makakatipid pako.

Ito yung reason kung bakit hindi ako kumakain minsan kapag break time or lunch break at kung bakit nagpapalibre lang ako kila gab, okay naman daw sakanila yun dahil naiintindihan naman nila yung sitwasyun ko sa buong campus silang tatlo lang ang nakakaalam na mahirap ako at wala ng iba.

"Manong nandito po ulit ako" masaya akong pumasok sa shop at binati lahat ng tao dun.

"Oh, hija bibilhin mona ba yung pinareserve mong bisikleta sakin?" masayang tanung ni manong rod.

Tumango ako"Opo diba sabi ko sa inyo bibilhin ko yun kahit anong mangyare"

Mahina naman syang tumawa saka kinuha yung bisikletang pinareserve ko talaga dahil nagustuhan ko yung kulay at pasok sa type kong design.

Design? pare-pareho lang naman yung design ng mumurahing bisikleta.

"Oh, ito" binigay sakin ni manong rod yung bisikleta kinuha ko naman yun saka niyakap.

"Hay salamat sa wakas nabili rin kita. Mwah" hinalikan kopa yung upuan nung bisikleta habang yakap yakap yun.

"Oh sya sige bibigyan kita ng ten percent discount"

Napatalon naman ako sa tuwa nung sinabi ni manong yun saka niyakap sya.

"Yiiiieeee manong thank you po. Malaking tulong po yun" na tawa naman sya saka pinabalot yung bisikleta ko pero pinigilan ko yun dahil gusto ko ng I-try yiiee..

Excited ako eh, bat ba.

Masaya akong natulog dahil sa wakas may nabili ako sa sariling pera na pinaghirapan ko at hindi na punta sa wala lahat ng pinaghirapan ko and to think hindi ako kumakain ng lunch minsan para lang ipunin yung pambili ko nun. Hay namamayat na nga ako.

Bakit kasi ate iniwan moko hindi mo man lang ba inisip yung mararamdaman ko dahil lang Para makapag aral ako ikaw na mismo ang lumayo? Sino ba kasi ang nag utos sayo nun? Tsk.

"Sana pala hindi mo na lang tinggap yung perang pambayad para sa school" malungkot kong sabi.

Okay lang naman sakin kung sa public school eh. Bat kailangan pa sa exclusive school ako pa aralin. Tsk.

Good nyt ebriwan....

Zzzzzz..

______________

Happy reading..


My Worst EnemyWhere stories live. Discover now