CHAPTER 7

4 0 0
                                    

LATE

Maria Dana's POV

Nakakabadtrip talaga. Andito kami ngayon sa mall malapit sa aming school. Nasa food court kami at bumibili ng makakain.

"Sis. Okay ka lang ba talaga? We can report her to the guidance. Paano kayo makakapagpractice ng maayos kung yang OA na GF ng partner mo eh nanggugulo?" Sabi ni Sophia.

"Honestly. I'm not okay. Sino sa tingin mo ang magiging okay kapag nasampal ka? For sure namumula pa rin ang pisngi ko." Sabi ko at hinahawakan ang isang pisngi.

"Yeah.. right. Namumula nga. Ano ang sasabihin mo kina tita't tito? Mag-aalala yun sa'yo." She said.

"I don't know. I'm afraid to tell them na napaaway ako. And, it doesn't mean na napaaway ako, eh ako na nagsimula ng gulo." I said.

She sighed. Di ko alam ang isasagot ko kina mom at dad. Kapag nalaman nila na yung Krisha'ng yun ang may gawa. For sure, magpupull out sila sa pakikipagnegotiate sa pamilya ni Krisha dahil malaki ang shares ng company namin sa company nila. Dahil hindi rin sina mom at dad papayag na may manakit sa akin.

"Sabihin ko nalang na ikaw ang sumampal sa akin." I said. Napapatawa ako sa isip ko.

"WHAT?! NO DANA! AKO ANG MALALAGOT KAY DAD KAPAG YAN ANG SINABI MO! FOR SURE SASABIHAN NG DAD MO ANG PARENTS KO DAHIL SA NAGAWA KO "DAW"! WAG MO KONG IDAMAY DANA..." Impit na sigaw niya sa akin.

Natawa ako sa reaksyon nya. "What I mean. Sasabihin kong nagpasampal ako sa'yo. Ganon. Don't worry. Di kita isasablay." I said. Nakakatawa talaga ang reaksyon niya.

"Bumili nalang tayo ng ointment para matakpan yang pagkakasampal sa'yo. Huwag mo kong idamay dyan Dana." Pagbabanta niya.

"Ohh c'mon, sis. Kailan pa kita sinablay, ha? Di ba wala pa nga naman?" I said.

"Yes. Wala pa nga Dana. Natatakot lang ako. Tsk. Sige na... bahala ka dyan kung ano ang sasabihin mo sa parents mo. Halika na mag order na tayo."

Pagkatapos bumili ay humanap na kami ng mauupuan at kumain na. Sunod naming ginawa ay naglibot kami sa mall. Napagdesisyunan naming dumaam muna sa pet shop. Matagal ko nang gustong magkaroon ng aso, kaso sina mom at dad di ako pinapayagan.

"Heyy... Dana look oh. It's a Golden Retriever. Ang cute." Sophia said ng may panggigigil na tinitingnan ang aso.

"Good afternoon ma'am. How can I help you?" A pet shop staff said.

"Ms. Ilang taon na itong Aso?" Sophia said na tinutukoy yung Golden Retriever.

"5 weeks old ma'am." The staff replied.

"Okayyy.... I want to buy this." Sophia said. Huhu. I want to buy it but Sophia comes first. Kaya okay lang.

"Sure ma'am. Sa counter nalang po." Staff replied.

Pumunta kaming counter at ni-ready na yung aso. Nang dumating na, ay agad itong pinahawakan sa akin ni Sophia. Ang cute talaga.

Habang may inaasikaso si Pia sa counter ah nilalaro ko naman ang aso.

"Pia? Sa akin nalang to? Babayaran nalang kita." Pagbibiro ko sa kaniya.

"What?! No! May pagbibigyan ako niyan." She said. Ouch... may pagbibigyan pala. Kala ko aalagaan niya. Well, di naman ito mahilig sa aso. Nagtaka lang ako nung una.

"Biro ko lang naman eh. O sige na, uwi na tayo. Baka andyan na si dad sa labas. Nagtext na kasi siya sa akin. Sumabay kana..." I said.

"Oppsss.... No need na bestie. May dadaanan pa ako. Akin na si baby dog." Sabi niya. Natawa ako at ibinigay sa kaniya ang aso.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now