CHAPTER 10

1 0 0
                                    

SCHOOL FEST

Maria Dana's POV

Ilang linggo na rin ng matapos kami mamasyal ni Ethan. He's really serious about it. He's courting me and he really did his best to prove himself to me. He insisted that he wants to ask permission from my parents to court me. But I insisted also. I don't want them to think that I accepted a suitor since I didn't finish my studies yet. That's the rule of my parents. No suitors and boyfriend while I'm still studying.

I explained it to Ethan that I am not ready and because mom and dad doesn't want me to have a boyfriend. Sabi naman niya hihintayin niya ako kahit ilang taon pa ang lumipas.

I don't want him to expect for me. I don't even like him. And, he knows it. I confront him from the start that I can't give the feeling that he gave to me. It sounds rude but, it's for the better. Para aware siya sa nararamdaman ko sa kaniya.

Today is the day for our 3-day school fest. We are gathered all in the covered gym to welcome the students to the event. Ngayon din ang laro nina Devere.

Andito ako sa cafeteria at naghihintay ng order ko.

"Hey! Dan. Kanina pa kita hinahanap. Di naman kita makontak, andito ka lang pala. Kumusta yung manliligaw mo? Ayos ba?"

"Alam mo Pia. Napakamalisyosa mo. Hinahayaan ko nalang sya sa kaniyang gustong gawin. At, alam nya ring hindi pa ako pwede. Wala rin naman akong balak na magka-boyfriend ngayon."

"Ang sabihin mo may hinihintay ka. Eh halata namang di ka gusto nun."

Matakim ko itong tinignan. "Ikaw kung ano-anong sinasabi mo. Wala akong hinihintay."

"Sus, maniwala. Kilala na kita Dana. Kilala na kita kung may natitipuhan ka o wala." Narinig ko nalang na napa-tsk nalang siya.

"By the way. Pumunta nga pala si Devere noong isang linggo sa amin. Yung time na lumabas din kami ni Ethan. Pagkauwi ko, nakita ko siyang nakatayo sa labas ng bahay namin. Nakapagtataka lang, bakit nya alam ang bahay namin? Eh hindi ko naman sinasabi sa kaniya kung saan kami nakatira. And besides, di kami close no."

"Oh my gosh, Dana. Baka pinuntahan ka tapos noong makitang magkasama kayo ni Ethan nagselos siya. Ohh myy goshhhh!" Tumili pa ito ng tinis.

Kinunutan ko siya ng noo. "Kahit kailan talaga Sophia. Ang galing mong mag-isip ng kung ano-anong bagay. Minamalisyahan mo palagi."

Magsasalita na sana ulit siya ng may marinig kaming boses mula sa likod ko. Napairap nalang ako ng malaman kung sino ang nagmamay-ari nun.

"Excuse me. Huwag kang feeling Maria Dana. As if papatol sa'yo ang boyfriend ko." Saad nito at hinarap siya.

"Excuse me din, Krisha. As if papatol din ako sa boyfriend mo. Kung gusto mo saksak ko pa sa baga mo yang boyfriend mo." Saad ko at inirapan siya.

Nakita ko sa kaniyang mukha ang irritable. Susugurin niya sana ako ng may umawat sa kaniya.

"That's enough, Krisha. Huwag kang mag-umpisa ng gulo." Saad ni Devere.

"What? Kakampihan mo yang babaeng yan? She wants to ruin us. She told that you went at their house last week. That is true babe?" Tanong nito.

Tinignan ako ni Devere ng matalim at ganun din ako sa kaniya.

"No, that's not true. So now, stop this nonsense and let's go." For the last time he gave me a dark look at nilagpasan ako pero bago sila makalayo huminto ito at bumulong.

"You better watch your words Maria Dana. You won't like the things that I would do." Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.

"As if you can threat me, Mr. Montejo." Saad ko at sinamaan din ako ng tingin.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now