BACK HOME
MARIA DANA'S POV
"Mommy!" Hiyaw ko ng makita ko si mom sa may sala.
Pagkalapit ko sa kaniya ay niyakap ako nito ng mahigpit. Napangiti na rin ako.
"I miss you, anak. Kumusta ka dito? Ayos ka lang ba?"
"Yes mom. I'm pretty good." Sagot ko at humiwalay ng yakap sa kaniya.
"I'm happy that you're back home now mom, dad. And, wait po. Bakit di niyo man lang ako sinabihan na ngayon ang dating niyo?" Tanong ko.
"Anak, we want to surprise you. But, when we arrived here wala ka pala. And, it's okay lang naman. Sunday ngayon at mabuti't nagsimba ka. And also, manang Sally told us na may sumundo kanina sa'yo? At lalaki daw? Who is it?" Usisa ni mom.
Napabuntong hininga ako at sinabi na, "Mom, he's my friend and he ask me to grab some coffee after church. Kaya pumayag ako. Just a coffee mom. Wala lang yun." Sagot ko.
"Hmm. Bakit ka nag-e-explain? Baka di yan totoo ha?" Biro ni mom.
"Mom naman. Totoo yun. I swear." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.
Natawa si mom at hinaplos ang buhok ko. "I'm just joking anak. Basta, ang sabi namin sa'yo ng dad mo..."
"No boyfriend until you/I graduate." Sabay naming sabi.
Natawa nalang si dad na nasa tabi ni mom.
Hinaplos ni dad ang pisngi ko. "Anak, we don't wanna see you hurt. We want to protect you. At saka, bata ka pa. Just study first, okay?" Paalala ni dad.
Tumango ako at ningitian siya. I understand them. And, I can't take a risk to disobey them.
"Okay tama na muna yan. Anak, mayroon kaming pinadeliver na mga pagkain. Yung mga paborito mo. Nandoon nasa dining. Tara na?" Baling sa'kin ni mom.
Nagningning ang mga mata ko ng narinig ko ang sinabi ni mom.
Pagkarating ng dining ay masaya kong nilingon sina dad.
"Thank you dad, mom." Sabay yakap sa kanila.
"You're welcome, anak. Ayan na ang aming pambawi sa'yo dahil hindi kami nakapunta sa competition mo. But, we're so proud of you baby." Napangiti ako ng haplosin ni mom ang pisngi ko.
"Oh, tara na. Umupo na kayo para makakain na tayo. Manang Sally, sumabay na rin ho kayo. Para po ito sa lahat." Pag-aaya ni dad.
Umupo na kaming lahat. Si dad ay nasa dulo ng lamesa. Si mom naman ay katabi ko.
Masaya kaming kumakain at lahat ng nasa hapag-kainan ay ang mga paborito ko. Nagkukwentuhan din kami tungkol sa mga linggo na wala sila dito sa bahay.
"Anak. Here oh. Eat a lot, okay. This is all for you." Sabi ni mom at pinaglalagyan ako ng mga pagkain.
"By the way, anak. How's your past weeks here? Wala naman naging problema?" Tanong ni dad.
"Wala naman dad. Actually, normal naman po. At saka, andyan si manang Sally kapag may kailangan ako." Nilingon ko si manang Sally at ngumiti ito.
"Nakuu manang, maraming salamat sa pag-aalaga ng unika ija namin." Pagpapasalamat ni mommy.
"Ay wala ho yun. At isa pa, trabaho ko pong alagaan at manilbihan dito sa tahanan niyo ma'am." Sagot ni manang Sally.
"Thank you very much manang. I don't know what to do kung wala ka dito." Sagot ni mom.
"Walang ano man ho ma'am." Nahihiyang sagot ni manang Sally.
YOU ARE READING
My Feelings For You (Loving Him Series #1)
Teen Fiction"Sa paanong paraan ko mapapahinto ang nararamdaman ko para sa kaniya? Dahil wala naman akong karapatang agawin siya." ~Maria Dana Dela Vega~ Tunghayan natin ang istorya ni Dana na may gusto sa isang lalake pero 'di ito mapasakanya basta-basta. Ano a...