CHAPTER 11

2 0 0
                                    

CONFUSE

Maria Dana's POV

Pagbalik namin sa backstage ay napahawak ako sa dibdib ko. Nakaupo na si Devere at inaayusan siya, habang ako ay natutulala at hindi alam ang gagawin. Nabigla ako sa sinabi niya kanina habang sumasayaw kami. Di ko inaasahan ang sinabi niya sa akin. Ayokong paniwalaan.

Napitlag ako ng kinalabit ako. "Hoy girl, ano na? Di ka pa ba mag-aayos? Tulala ka ah? Bilisan mo na Dana. Ilang minutes lang yung break niyo." Saad ni Pia.

Pumunta agad ako sa aking upuan at inayusan na ako. Si Pia ang tumulong sa aking mag-ayos ng damit na ipapalit ko.

Pagkatapos kong magbihis ay umupo ulit ako at inayos lang ang buhok ko. Tama lang ang oras ng pag-aayos ko ng tawagin na kami ni Devere. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na't bagay sa kaniya ang suot niya. Sports attire ang theme. Ang napili namin ay ang basketball. Bagay sa kaniya ang suot niya. Mabuti nga at mayroong jersey na binigay noon si dad sa akin kaya nagamit ko ngayon. Naka blue jersey, white shorts, at blue rubber shoes si Devere. Ako naman ay naka white jersey, blue high waist denim maong shorts, at white rubber shoes. Nakahawak si Devere ng bola at ako naman ay ang small cheering pompoms na kulay blue.

Naghiyawan ang mga tao at nang makarating na kami sa gitna ay naghiwalay kami. Si Devere ay pumunta sa may kanan at ako naman sa kaliwa.. pagkatapos ay pumunta rin ako sa kanan at ganun din si Devere sa kaliwa.. sa huli ay sabay kaming pumunta sa gitna at bumalik sa backstage.

Pagkadating sa backstage ay di niya ako pinapansin bagkus ay dumiretso siya sa kaniyang upuan upang maayusan para sa susunod na category. Dumiretso na rin ako sa aking mga kasama at nagpaayos.

Lumapit si Sophia sa akin ay bumulong. "Alam mo girl, bagay kayo ni Devere. Kanina habang tinitignan ko kayo kinikilig ako. Pero mayroon ka namang manliligaw at mayroon rin siyang girlfriend. Hayss Ewan.. Basta kinikilig ako sa inyo." Nakikita ko pa siyang kinikilig.

"Ewan ko sa'yo Pia."

"Teka lang. Bakit kanina natulala ka habang nagsasayaw kayo ni Devere? May something ha." Asar niya sa akin.  "At saka nakita ko ang bruhang Krisha na naiinis kanina habang tinitignan kayo. Nakakatawa ang mukha niya." Dagdag pa niya pero sa mahinang boses.

"Tumahimik ka nga Sophia. Kanina ka pa." Pagsusungit ko sa kaniya.

"Oo. Sorry na... Teka nga pala. Ano ang sasayawin niyo?" Tanong nito.

"Interpretative Dance." Casual na sagot ko.

"Nakapag-practice ba kayo?" Tanong nito.

Hala! Hindi pala kami nakapag-practice. Yung girlfriend niya kasi napaka-OA. Paano na'to?

"Hoyy Dana! Tulala ka na naman. Ang tanong ko kung nakapag-practice ba kayo?" Ulit niya.

"W-wala." Saad ko sa mahinang boses.

"Naku Dana. Paano na—" Di nito natapos ang kaniyang sasabihin dahil pinuntahan ko si Devere sa kaniyang upuan.

"Montejo. Paano na itong sayaw natin? Di lang man tayo nakapag-practice. Paano na yan?" Naguguluhan kong tanong.

"Ako na ang bahala sa atin. So, don't worry." Kalma nitong Saad.

"Paano ako kakalma? Ni isang practice di natin nagawa." Kunot noo kong saad sa kaniya habang tinitignan ko siya sa salamin.

Tumayo siya at nabigla ako dahil sa pag-aakalang hahalikan niya ako. Bagkus, pumunta ang kaniyang mga labi sa aking tenga at doon nagsalita.

"I'll take care of it. Just calm down. And later, just follow me and the rest is my command. Just trust me and we'll have a good performance, darling." Napalaki ang mata ko. D-darling? Tama ba ang pagkakarinig ko? Baka nag-aassume lang ako gaya nung akala ko na hahalikan niya ako. Shocks Dana. Ikaw hahalikan? May girlfriend yan wag kang mag-assume.

My Feelings For You (Loving Him Series #1)Where stories live. Discover now