HOPE
MARIA DANA'S POV
"Good morning everyone! I have some announcement. We're having a spoken poetry and it will be held on February 14, 2023, the theme of the contest is all about love since it is a valentine's day. Our Officers are the one who prepare this contest and I hope you'll enjoy this upcoming day. Let's see your entries! See you next week!. Thank you and good morning once again." Our principal said and as I turn my gaze at my classmates. I knew that I'm the one who will they pick to represent our year level.
"Dana. Ikaw yung magrepresent sa atin. Alam naming magaling ka doon." I creased my forehead.
"Ha? Bakit ako? At saka hindi ako kagalingan doon—"
"—pero alam mo kung paano?" Dugtong ni Una. Isa sa mga kaklase namin.
Alinlangan akong sumagot. "O-oo?" Patanong na sabi ko.
"Oh, ayan naman pala eh. Sige na... Please... Kahit matalo ka man, ayos lang sa amin iyon. At saka naniniwala kami sa'yo na kaya mo yun. Ikaw pa. Agree ba kayo?" Sigaw niya sa lahat.
Nagsing-ayunan ang lahat at nagsasabi pa na ako na ang sumali.
I guess I have no choice at all.
"Oh? Ano na naman iyang mukha mo? May pinagluluksaan ka ba?" Tanong ni Gayle. Andito kami ngayon sa bench dito sa park nakaupo. Ayoko munang umuwi dahil wala pa akong gana at gusto ko munang makapag-isip-isip.
Isang linggo. Isang linggo na pagkatapos ng aming huling pag-uusap. Di na niya ako kinukulit at nilalapitan. Pero alam kong andyan siya sa paligid. Tinatanaw ako. Bakit alam ko? Dahil nakikita ko paminsan-minsan sa gilid ng mata ko ang kaniyang tindig. O di kaya ay nahahagip ito ng mga mata at nagtatago ito kapag nakikita ko siya.
Ganito na lang ba tayong dalawa? Hindi na kailanman matatakasan ang sakit na nangyari sa ating dalawa?
"Hey! Come to earth, Dana! Ano bang problema mo?" Pinitik nito and kaniyang dalawa daliri sa harap ko.
Napabalik ako sa wisyo at tumingin sa kaniya.
"What happened? Are you okay? Tell me, what's the problem?" Nag-aalalang tanong nito.
Tumawa ako ng bahagya pero alam kong peke lang iyon. "N-nothing. May naalala lang ako."
Napalingon ako ng may nakita akong pamilyar na mga mukha sa akin. That's it! Masaya sila. Masaya silang magkasama. I guess, hindi talaga tayo para sa isa't isa. And what really hurts me the most, he is told me those words and here he is... Happy being with her. I can see his genuinely smile while looking at her. Napahinga ako ng malalim dahil maninikip ng dibdib.
"Let's go Gayle." Kung maaari ay ayaw kong makita niyang nahihirapan ako sa aking nakita at baka ilang sandali na lang ay bumagsak ng tuluyan ang aking mga luha.
Napapasinghot na lang ako at pinipigilang umiyak. He don't deserve your tears, Dana. Wake up!
Nang makalayo na kami hindi ko na napigilan ang p*nyetang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.
Isinigaw ko lahat-lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi umiimik si Gayle bagkus niyakap lang niya ako.
"B-bakit ganito? Bakit kailangan kong masaktan? Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya nasasaktan ako ng lubusan." Sambit ko sa gitna ng pag-iyak.
"Kung ayaw niya sana sa akin, s-sana di niya na lang sinabi ang tatlong salita. Ang s-sakit kasi umaasa pa rin ako. At ngayon, nakikita ko na masaya siya sa iba." Sambit ko ulit.
YOU ARE READING
My Feelings For You (Loving Him Series #1)
Teen Fiction"Sa paanong paraan ko mapapahinto ang nararamdaman ko para sa kaniya? Dahil wala naman akong karapatang agawin siya." ~Maria Dana Dela Vega~ Tunghayan natin ang istorya ni Dana na may gusto sa isang lalake pero 'di ito mapasakanya basta-basta. Ano a...