PUNCH
MARIA DANA'S POV
"What the heck really happened Dana? Hindi na talaga kita maintindihan. Kahapon pagkatapos ng nangyari sa inyo ni Devere iyak ka ng iyak tapos ngayon tulala ka?! Tell me what happened!" Sabi nito at bahagyang niyugyog ang balikat ko.
I turned my gaze at her. Tinitignan ko siya. Shit! Galit ako dapat eh! Why my mind is against with me? Traydor!
Tinignan ako nito ng nagtatanong. "What?!" She said.
Napakagat ako ng labi at iniwas ang tingin ko. Napatakip ako ng mukha gamit ang mga palad ko. Nakaupo na kami sa fast food na kinainan namin at hinihintay na lang na dumating ang in-order namin.
"Masasambunutan na talaga kita, Dana. Speak! Before I could lose my temper." Pagbabanta nito.
"Chill. Galit ka agad eh." Tanging sagot ko na lang.
"I'm asking you a couple of times. Tapos di mo naman ako sinasagot. Aba! Maiinis talaga ako niyan." Napatampal ito sa noo niya.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa.
Tinignan ko siya at nakataas ang kilay. Parang nag-aantay ng susunod kong sasabihin.
"Wala. Mamaya na lang. Kain muna tayo. Nagugutom na ako eh." Pagdadahilan ko. How can I explain it to her? I know she'll freak out kapag nalaman niyang okay na sa akin yung nangyari.
Hinayaan niya akong kumain at hindi na kinausap.
"Anong nangyari sa pag-uusap niyo ni Devere? May ginawa na naman ba? Hinalikan ka na naman ba? Ano?!" Sunod-sunod na tanong niya.
Nakabalik na kami ng campus at di pa rin siya tumitigil sa pagtatanong.
"Who kissed Dana?" Someone ask from behind.
When I turned. It was Ethan. He looks curious.
"Ito kasing si Dana. Tulala kanina pa. Tinanong ko kung anong nangyari. Nag-usap kasi sila ni Devere. Eh kasi naman, nag-aalala na ako sa kaniya kanina pa. She's out of space. Tulala. She's weird since after they talked. Last time, I just saw her malapit sa Laboratory Room na umiiyak. I'm sick worried kaya tinatanong ko siya kung anong nangyari kanina sa pag-uusap nila." Mariin akong napapikit sa pagiging madaldal ni Sophia. Parang nagrecite lang siya sa klase. Hindi alintana ang magiging reaksyon ni Ethan. Napakadaldal nga naman.
I bite my lower lip when I saw Ethan clenched his jaw. I saw that he's mad. And, it scares me. Shit! Bunganga talaga ni Sophia walang preno.
Nakurot ko siya sa tagiliran niya.
"What are you doing?! Basta-basta mo na lang sinabi kay Ethan ang nangyari. Alam mo naman diba." Bulong ko. Alam niya namang may gusto sa'kin yung isa. Nagbunganga pa.
When she realized what she told to Ethan napapikit na lang siya at umiwas. "S-sorry Dana." She gestured a peace sign.
"Where is he? Is it true Dana? He kissed you?!" I saw that he is really mad.
"H-huwag mo nang pansinin ang sinabi ni Sophia. Madaldal lang talaga itong babaeng 'to. Huwag kang maniwala. How's your day anyway?" Pag-iiba ko ng usapan. I'm trying to get out of the topic.
"What! Totoo naman diba. Hinalik-" Tinakpan ko ang bunganga nito ng kanang kamay ko.
"Don't say another word, Sophia. Malilintikan ka sa'kin!" Bulong ko na pagbabanta. Pinandilatan ko pa siya ng mata.
"You idiot! What did you do to Dana! Huh!" Nabigla ako sa pagsigaw ni Ethan. Nanlaki ang mata ko ng sinapak nito si Devere na kakapasok pa lang kasama si Krisha.
YOU ARE READING
My Feelings For You (Loving Him Series #1)
Teen Fiction"Sa paanong paraan ko mapapahinto ang nararamdaman ko para sa kaniya? Dahil wala naman akong karapatang agawin siya." ~Maria Dana Dela Vega~ Tunghayan natin ang istorya ni Dana na may gusto sa isang lalake pero 'di ito mapasakanya basta-basta. Ano a...