Warnings: This chapter is purely bed scenes. If your not comfortable reading this kind of stuff, kindly skip it and wait for the next chapter as I release it next week. Don't you worry dear, it won't affect the whole story.
---------------------------------------------------------"Aries, ano ba! Bitawan mo nga ako?"
Reklamo niya rito dahil sa higpit ng hawak nito sa bandang pupulsuhan niya. Bukod sa mabilis na ang lakad ay malalaki pa ang bawat hakbang ng mga paa nito habang nakasunod siya. Mabuti na lang at hindi siya natitisod masundan lamang ang paglakad nito kahit patuloy parin ang pagpiksi niya.
"Aries, ano ba! Nasasaktan ako!" Nang tapik-tapikin niya ang kamay nito. Nasindak siya ng agarang buksan nito ang pintuan at hinila siya papasok ng bahay bago bitawan. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Mukhang umeepekto na sa kanyang katawan ang ininom niyang vodka kanina. Rinig niya ang malakas na ingay ng pintuan ng isara ng binata gamit ang isang paa nito. What the fvck is wrong with this guy?
Nairita siya. "Ano bang problema mo!" Si Arabella ngunit dinaanan lamang siya nito papuntang kusina. Kanina lang ay maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya. Ano bang nangyari sa lalaking ito? asik niya sa sarili.
Napahawak siya sa kanyang pupulsuhan dahil sa sakit. Sa higpit ng hawak ba naman nito na tila bakal ay balak yata siya nitong balian ng buto. Dala ang isang lampara ay agad siyang tinalikuran nito papasok sa kanyang kwarto. Pero bago pa man siya makahuma ay isang malakas na kalampag ng pinto ang pinakawalan nito.
She gritted her teeth and couldn't hide her anger. Agad niyang kinuha ang isang pang lampara at nagmamadaling pinuntahan ang kwarto ng binata. "Are you crazy!" Si Arabella ng walang pakundangang pasukin niya ang kwarto ni Aries saka tinulak pasara ang pinto.
Mabuti na lang at wala silang kapitbahay at malayo layo rin ang bahay nina Lolo Ikong dahil kung hindi ay nakakahiya sa mga taong tulog na. Saktong nakatalikod ito habang hinuhubad ang damit nitong kamiseta. Ibinaba niya ang lampara sa lapag saka lumapit rito. Hinawakan niya ang braso nito at marahas na iniharap sa sarili niya. "Ano bang ikinagagalit mo, ha?"
He's frowning and she can see a deep furrow form on his brow. Amoy rin niya ang alak sa hininga nito ng makalapit siya. "Do you know what you're doing? And who's that man?"
Napahawak siya sa kanyang ulo at pagak siyang natawa. Hindi maitago ang inis dahil sa babaw ng dahilan nito. He's angry because of Sebastian? Yes, a man whom she's with awhile ago. Nakita kasi siya nitong mag-isang nakaupo sa sulok kaya linapitan siya nito. Inalok siya nito ng inumin at tinanong pa kung may kasama siya at tumango naman siya. Saad pa nito ay wala diumano raw itong hilig sa sayaw kaya makikipagkwentuhan lang ito sa kanya. At pumayag naman siya dahil naboboring siya na walang kausap. Isa pa't mukhang mabait naman ang lalaking iyon. "And what about him? Nag-uusap lang kami."
His eyes narrowed as he looks at her. "Usap? Don't you know what that gestures mean? At tuwang tuwa ka pa talaga sa lalaking iyon habang nakahawak sa bewang mo?"
Napika siya. "Seriously? Pati pa ba naman status ko sa buhay ay balak mo pang pakialaman? Bakit? Pinapakialaman ba kita sa tuwing may kalandian ka? Hindi naman ako nagrereklamo sainyo, diba?"
She could feel the pulsating beat of her heart behind her eyes, clouded by her emotions again. Ni minsan ay hindi siya nagsumbat tungkol sa relasyon ng dalawa. Pero kailangan niya ng espasyo dahil medyo masakit sa mata. Gusto niyang malayo layo sila sa kanya at ayaw niyang nakikita ang presensiya ng dalawa na magkasama. Hindi niya alam kung selos ba ang tawag doon? O hindi niya lang matanggap na silang dalawa talaga ang para sa isa't isa?
Then there was this sadness in his eyes. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin maintindihan? How could you be so insensitive? I'm like this because I can't stand the thought of you with anyone else!"
YOU ARE READING
Dream Girls #2: Maria Arabella, Fashionista to Probinsyana
RomanceLet me ask you: what kind of girl would you want to date? I knew that every girl is different, so I want you to meet... Dream Girls #2 Maria Arabella, Fashionista to Probinsyana She loves fashion and she can't deny it. She loves shopping, dr...