~Chapter Eighteen~

126 4 0
                                    

"I thought we're leaving now?" Her face was flooded with annoyance. Nalaman niya kasing hindi sila matutuloy pa-uwi dahil sa hindi pa tapos ang tinatahing mga nylon halters at birdle. Humingi raw kasi sila ng palugit dahil sa late release ng supplier. But she can't wait! She can't leave here for a week! Kailangan na niyang umuwi. Isa pa't nangako ito na uuwi sila ngayon.

"We're not leaving yet, Arabella. We stay here for a week while waiting for them. Ipapasyal na lang kita rito kasama ang mga bata para hindi ka mainip."

What the fvck? Seriously?!

Oh sheesh! She can't bear it anymore! She can't bear the thought of living on these house for a week. She can't sleep well on that wooden bed and don't have enough clothes. Isa pa't walang kasiguraduhan kung matatapos ba nila ito buong linggo.

"It's your fault!" akusa niya sa binata.

"It's your fault to hired those old people to do that thing! And you know at the first place that they moved with slow deliberation!"

And because of that, they we're taking more time than is expected or wanted when it comes to work. Isa pa't naaawa rin siya sa kalagayan ng mga iyon dahil nagtatrabaho pa rin sila bagkus na magpahinga na lamang at magpalakas. Ewan niya ba kung anong pumasok sa utak nito para alokin sila sa trabaho.

"That old people you we're telling was a master craftmens who makes fine nylon halter and birdle for horses of their own design. They are very skilled and proficient, which I can't lose."

Tumiim ang kanyang bagang.

"I told you already. But if you were eager to leaved, then go home if you want," he muttered as he leave.

Uminit ang ulo niya sa sinabi nito bago siya talikuran. Kuyom na kuyom ang kanyang kamao sa sobrang galit. Pagkatapos siya nitong pilitin papuntahin sa lugar na ito ay iyan ang sasabihin niya?

"Okay, fine! If you don't want to leave, then I'll go on my own!" she screamed. But Aries stop and gave her a poker face then leave. Kitam! Wala talaga itong pakialam kung umalis man siya.

Naiinis si Ara ng kunin ang lampara at lumabas ng bahay. She made a decision on her own. She's leaving! Ipapakita niya sa kanya na kaya niyang umuwing mag-isa kahit na wala siya. Without hesitation, Arabella submerged herself into dark and foggy path. Kahit alas sais pa lang ng gabi ay madilim na ang paligid.

Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mangamba kahit pinapalakas niya ang kanyang loob. Although, she knows that it was dangerous for her to walk in a forest at night for the first time. It was completely dark as it seems although she have a lamp. Madilim ang ulap at pakiramdam niya ay uulan.

Maya-maya ay napatigil siya. Medyo malayo layo na rin siya sa bahay na nilayasan niya. Kung papansinin niya ay malayo na rin talaga ang nilakbay niya. Suddenly, she felt tired, hungry and it was cold. Ramdam niya ang pag-ihip ng hangin na dumampi sa kanyang balat. Mas nilalamig siya habang tumatagal. She felt like she's going to freeze out without a coat or a jacket.

Nagpatuloy siya sa paglakad. Although she didn't remember what route to take, ay may palatandaan naman siya. Inaalala niya ang mga daan na tinahak nila ng binata ng sila'y makapunta rito. But somehow, she think she's lost. Mukhang mali ang tinatahak niyang daan. Pakiramdam niya ay naglilibot lamang siya sa kabundukan. Suddenly there was a loud clap of thunder.

Sh*t, she mumbled as she knows that rain we're pouring down in a mean time. Arabella hurriedly look for a banana tree and found one. Sumilong siya rito at napayakap sa sarili dahil sa lamig ng hangin habang hinihintay ang pagpatak ng ulan.

The sky thundered and the rain poured down. Malakas ang bagsak ng ulan habang kumikidlat dahilan para mapaupo siya habang takip ang kanyang dalawang tenga. Bata pa lamang siya ay takot na takot siya sa kidlat. Lagi siyang pumupunta sa loob ng closet at doon na magpapalipas ng gabi hanggang sa siya ay makatulog. Napakadelikado ng kidlat para sa kanya. Marami na ang namatay na tao rito in just one strike. Lalo na't mainam ito sa matataas na lugar kaya't may posibilidad na tamaan siya.

Isa pang pagkidlat ng malakas ay agad siyang napapikit ng mariin. Napaupo siya habang nagsusumiksik sa puno ng saging sa takot na baka siya ay matamaan nito. Gustuhin niya mang humingi ng tulong sa ibang tao ay mukhang hindi naman siya maririnig ng mga ito. Wala siyang makitang ni isang bahay na pwede niyang mapagsilungan. Bagkus ay puro mga malalaking kahoy at mga dahon sa bawat paligid. Asa pa siya kung susundan siya ng binata para pigilan. After what he said ay talagang inaasahan nito na aalis siya.

Napahawak siya sa gilid ng saging at napatigil. It was elongate, smooth slimy skin. Lumaki ang kanyang mga mata. Napatili siya habang talon ng talon sa takot papalayo dahilan para mabitawan niya ang lampara. Tila nawalan siya ng takot tungkol sa kidlat at napatakbo agad ng iwan niya ang lampara. Hindi niya na rin inalala pa na mababasa ang kanyang damit dahilan para madulas siya.

Bumulusok siya pababa kasama ang tila ugat ng mga halamang pumulupot sa katawan niya habang siya ay pagulong-gulong ng sobrang bilis. Napadaing siya sa sakit ng tumama ang buo niyang katawan sa isang malaking punong kahoy.

She's panting real hard. Sa sobrang bilis ng pagulong at pagbagsak niya, pakiwari niya ay tila may nabaling buto sa katawan niya habang umiikot ang paligid niya sa hilo. Ramdam niya ang putik sa kanyang pang-upo at basang basa na rin ang kanyang buong katawan sa ulan na tila lumalakas ang bagsak nito.

Napasigaw siya ng malakas sa kaisipang may ahas na nakapulupot sa kanyang katawan at nakahandang tuklawin siya. Napatayo siya agad. Para siyang mababaliw sa pagdama sa buo niyang katawan ngunit wala naman. Napahilamos siya sa kanyang mukha habang sinusuri ang buong paligid.

"Ah!" daing niya sa sakit ng ma-upo. Pakiramdam niya ay bumigay ang kanyang tuhod dahil sa pagtama niya sa malaking punong kahoy. Ramdam niya rin ang nanunuot na sakit sa parte ng kanyang braso dahil sa gasgas. She felt her cheeks red as if tears began to flow between her eyes when she started to pull some veins wrapped on her body.

♠️

Dream Girls #2: Maria Arabella, Fashionista to ProbinsyanaWhere stories live. Discover now