~Chapter Six~

176 4 0
                                    

Malalim ang iniisip ni Aries habang nakahiga sa kanyang kama. Isang araw mula nang makauwi ang dalaga sa hacienda at iyon ang di-inaasahang unang pagkikita nila. Napakaganda pa rin nito. May ilan nga lang na pagbabago sa hitsura nito. The long curly hair she had before was straight and cut in V-shape. May kurbada ang katawan nito ngunit pumaya't nga lang ng konti.

She's back for real. Ano nga bang dapat kong maramdaman? He asked himself a lot of times. Hindi niya mabilang kung anong gagawin. Tila nalikito siya. Hindi siya makapaniwala na ganito pa rin ang epekto ng dating nobya sa kanya.

Matagal-tagal na rin iyon noong highschool pa lamang sila, subalit hindi niya maide-deny na may nararamdaman pa siya rito. Hindi iyon nawala kahit pa walong taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila. Ngunit ang pagmamahal niya rito ay nakatago lamang sa isang bahagi ng puso niya. Alam niyang may galit at hinanakit siya para kay Ara but seeing her eyes yesterday, tila may gustong ipahiwatig ito na hindi niya matumbok.

She's different from a girl he used before. Tila nag-iba kasi ang ugali nito sa pamamaraan ng pananalita nito at sa ikinikilos ng dalaga. Kapagkuwan ay nawala ang pag-iisip niya ng marinig niyang may kumatok sa labas ng pinto niya.

Tamad siyang tumayo ng mapagbuksan ang isang mayordoma sa mansyon.

"Magandang gabi po, Doc. Nakahanda na po ang pagkain sa baba," magili nitong sabi.

"Sisunod na lang ako sa baba, Manang. Salamat."

"Walang anuman, Doc."

Ngumiti lamang siya at ng tumalikod na ito ay dali-dali niyang isinara ang pinto. Dumeretso siya sa banyo at kaagad na naligo. Matapos ang isang oras na pagbabad, ay bumaba na siya papunta sa hapagkainan.

Napatiim-bagang siya ng masilayan niya ang dalagang kumakain mag-isa. Tatalikuran niya sana ito para bumalik sa kwarto para mamaya na lamang kumain ngunit huli na ng masilayan siya nito. He saw Ara wearing a nightdress with robe that revealed her ample amount of her cleavage.

Nakita niya ang gulat na ekpresyon ng nakababatang babae. Nakita niyang may halong pag-aalinlangan ang ekspresyon sa mukha nito ng ipagpatuloy nito ang kinakain. He heaved a deep sigh bago lumapit sa hapagkainan.

Tatlong mesa ang layo nito mula sa kinaroroonan niya ng maupo siya kaharap ito. For a moment, it seemed neither of them was capable of speaking. Ramdam niya ang awkwardness sa isa't isa habang nakatutok lamang ito sa kanyang kinakain. Hindi niya maintindihan ang epekto nito sa kanya. Lalo nitong nililito ang dati nang magulong isip at damdamin niya.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Bella," he whispered uncertainly.

"What happened yesterday is already happened so forget it," malamig na saad nito.

Alam niyang hindi maganda sa pandinig ang sinabi nito ngunit wala siyang magagawa. Iyon ang mga katagang lumalabas mula sa bibig nito at mukhang sinadya talaga ito ng dalaga.

Ni hindi ito makatingin sa kanya ng deretcho. Napangisi siya dahil doon. Well, it looked like hindi lang siya ang apektado sa muli nilang pagkikita. Showing to be strong, huh? Well, keep trying. Asik niya sa sarili.

"Your Lola wants me to assist you to go to ranch tomorrow. At sasamahan na din kitang mamasyal pagkatapos kitang maipakilala sa mga trabahador."

"Alam ko ang pasikot-sikot dito sa rancho, so don't bother." Nakatingin na rin ito sa kanya.

"As I told you yesterday, sumusunod lang ako sa utos ng Lola mo. Kaya wala kang magagawa kundi ang sumama sakin." May pagtitimpi sa boses nito. Nakakapikon na rin kasi ang malamig na pakikitungo nito sa tuwing nag-uusap sila.

Dream Girls #2: Maria Arabella, Fashionista to ProbinsyanaWhere stories live. Discover now