Kinaumagahan, maganda ang gising ni Ara habang kumakain. Napangiti siya ng mabalingan ang dalawang mayordoma paparating dala ang kanyang lemon juice at bread.
"Wow, sarap ng breakfast natin, ah!" Nilingon niya ang dalawang mayordoma. "Kain na po tayo,"aya niya. Nagkatinginan ang dalawa bago ngumiti at tango lamang ang isinagot ng dalawa, halatang nagtataka sa ikinikilos niya. Marahil narinig nito ang bangayan nilang dalawa ni Aries.
"Ang OA niyo namang dalawa, may titigan pa sa isa't-isa. Umupo na lang kaya kayo, sabayan niyo na ako," kunwang taray niya dito na may ngiti sa labi. "Isama niyo na rin ho yung dalawa," tukoy niya sa dalawang nasa kusina habang nakanguso.
"Sandali lang po at tatawagin ko sila," ani ng matanda bago siya iniwan sa hapag. Agad namang umupo sa tabi niya ang isa na tila napipilitan. "Kain na tayo," aya niya dito.
Agad naman itong sumunod. Napangiti siya. Ngiting tagumpay dahil nakaganti siya rito, isa pa't hindi siya mapaamo nito. No one can control her except herself.
Pero ang mas lalong ikinaganda ng kanyang gising ay ang pamamasyal sa ciudad kahapon. Bumisita lang naman siya sa lagi niyang pinupuntahan noong bata pa. Katulad ng pagkain ng laing at Bikol Express sa karenderya at patingin-tingin sa mga native products.
Iyon kasi ang kinahihiligan niya noong nasa Bikol pa siya. Pagkatapos ng klase ay kakain siya sa labas ng kung saan suki siya sa kinakainan niyang karenderya. Mahihilig siya sa maaanghang na pagkain katulad ng hilaw na mangga na may maanghang na bagoong.
Mukhang masaya at napakaganda niyo po ngayon, Senyorita," papuri nito na mukhang kaedad niya lamang.
"Salamat!"
"Ay, ako nga pala si Gretta. Si Manang Tessa, Rosa, at Linda," pakilala niya pati sa mga kasamahan nito. Malawak na ngiti ang ipinukol niya rito ng magpakilala rin siya sa apat na mayordoma ng mansion. Masaya silang nagkekwentuhan habang kumakain.
Masarap pa lang kumain kapag may kasama, saad niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga tawa at ngisi nito bawat isa.
Matagal-tagal na rin simula ng makasama niya ang kanyang parents na kumakain habang nag-uusap-usap. She really missed her Mom.
"Ok ka lang ba, Senyorita?" tanong ni Gretta na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Napakurap siya at tumango lang dito. "Maraming salamat po pala sa agahan, Senyorita. Nabusog po kami," si Tessa.
"Walang anuman po, Aling Tessa."
"Good Morning po, Senyorito. Tara po kain, ipinaghanda po namin kayo ni Senyorita ng agahan," pakemeng alok ni Gretta sa binata. Ngari-ngaring gusto niyang batukan ang katulong. Muntik na kasi siyang masamid sa iniinom niyang orange juice ng batiin nito.
Kagabi ay hindi siya makatulog sa kakaisip na hinalikan nitong wala man lang pahintulot. Hindi matatanggap na naisahan siya ng lokong iyon. She still couldn't believe that that bastard kissed her!
"Good morning, everyone," bati nito. "Mukhang pormado kayo, Senyorito. Saan po ang lakad?" si Manang Rosa.
Napasulyap si Ara sa gawi ng binata at pinasadahan ang suot nito. Bagong ligo at mukhang bagong shave ito. He's wearing a white polo na nakatupi hanggang buol. Bagay na bagay sa suot nitong blue jeans at leather brown boots.
"May ime-meet up lang pong buyers," saad nito sa pagitan ng pagtawa.
She smirked at agad niyang tinarayan ito. Maniwala! Makikipagkita lang naman ito sa isa sa mga babae niya, anang saad ng kanyang utak.
YOU ARE READING
Dream Girls #2: Maria Arabella, Fashionista to Probinsyana
RomanceLet me ask you: what kind of girl would you want to date? I knew that every girl is different, so I want you to meet... Dream Girls #2 Maria Arabella, Fashionista to Probinsyana She loves fashion and she can't deny it. She loves shopping, dr...