~Chapter One~

389 7 0
                                    

Author's Note:

        Hey girls! It's been a while but I'm glad that you're here. Please help and support me to promote my story by writing your previous review and comments. Hope you like it till the end and don't forget to click the star okay? Enjoy reading!

▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️

Throwing rocks at your window at midnight

You met me in the backyard that night 

In the moonlight you looked just like an angel in disguise

My whole life seemed liked a postcard

Katamtamang lakas ang tugtog na nagmumula sa stereo ng orange Lexus car na pinapatakbo ni Ara. Alas otso na ng gabi at kasalukuyang binabaybay niya ang kahabaan ng EDSA. Marami-rami rin naman ang nakakasabay niyang sasakyan pero hindi ganoon katraffic. Feel na feel niya ang preskong hangin ng ibaba niya ang bintana ng kotse. Paakyat na siya ng Magallanes flyover ng itext niya si Tori na malapit na siya. 

Siya kasi ang model para sa shoot ng isang whitening soap commercial. May pagkasexy ang hinihingi ng character niya. At dahil sanay na siya sa ganitong trabaho ay alam niyang hindi siya mahihirapang ibigay ang gusto ng director. 

Highschool pa lamang siya ay pangarap niya ng maging isang professional model. 3rd year highschool siya noon ng mapagdesisyunan niyang manirahan sa Maynila. Simula noon ay panay lang ang kanyang workout kahit payat naman na talaga siya. She's always on diet and never eaten junkfoods.

Agad siyang sinalubong ng bodyguard ng mai-park niya ang kanyang kotse.

"Good Evening po Maam," magalang nitong bati sa kanya ng mapangiti siya. 

"Good Evening din po Mang Kanor. Kumusta po?" nang makalapit ang dalaga. Sa sobrang busy niya sa pagmomodelo ay ngayon niya lang nakausap ulit ang matanda. 10 years na itong bodyguard na naninilbihan bago niya makilala ito.

"Mabuti naman ho, Maam," sagot nito. "Mabuti naman ho kung ganun, Mang Kanor," ngiting saad ng dalaga.

"Mukhang bago nanaman ho ang kotse niyo, Maam ah?" ngiting saad nito habang nakatingin sa kotse niya. Marahil ay nahalata ng matanda. "Maganda ho ba?" tanong niya ng sipatin niya ang kulay dalandan na kotse. 

"Aba'y syempre naman, Maam. Kulay pa lang kasing ganda niyo na." Napangiti ng malawak si Ara. "Binobola mo lang po ata ako, Mang Kanor," tawa niya kung kaya't nakisabay na rin sa tawa niya ang matanda.

Agad nawala ang tawa ng dalawa nang may nagsalita sa likuran nila. "Kaya naman pala ang tagal at nakikipagtsismisan pa. 'Te anong oras na? Late kana," kunway pagtataray ni Tori habang nakapamaywang.

Tori, his gay friend na nagtatrabaho sa isang advertising firm. Hindi siya magiging modelo kung hindi dahil kay Tori. Kasalukuyan kasi silang naghahanap ng bagong mukha when Tori scanning his facebook and saw her profile picture. That was a time when Tori message her if she is interested to become a model. Doon na nagsimula ang pangungulit ni Tori sa kanya. Akala nga niya ay scam ito pero hindi naman pala. Sa una ay nagdadalawang isip siya pero sa bandang huli ay napapayag din siya nito.

"Sige ho Mang Kanor, mauna na ho ako sa inyo ha? At itong isa mukhang may dalaw na naman," saad niya ng umirap si Tori sa kanya. "Kayo na muna po ang bahala sa kotse ko ha?" pahabol niya na agad namang tumango ang matanda saka thumbs up sa kanya.

Dream Girls #2: Maria Arabella, Fashionista to ProbinsyanaWhere stories live. Discover now