Mag-aalas nueve na ng umaga ng pumunta sina Aries sa bahay ng matanda. Malayo pa man ay agad silang sinalubong ng mga bata papasok sa bakanteng lote. She caught Ara smiling with those kids, seems like they like her. Bakas sa mga mukha nito ang tuwa ng ibigay niya ang isang malaking supot para maghatian nila at nagpasalamat sa kanila. Kita niya rin ang pagtakbo ng isang bata papasok ng bahay habang tinatawag ang matanda. Maya-maya ay lumabas na ng bahay ang bata kasama si Lolo Ikong.
"Maray na ramrag, Senyorito," nakangiting bati ng matanda sa kanya ng makalapit sa kanila. Malawak ang ngiti ng makalapit sa kanila.
"Maray na ramrag po, Lolo Ikong," bati niya rin sa matanda sabay mano pati si Arabella.
"Si Lolo Ikong talaga, Aries na lang po." Sinabihan na niya ito noon pa na Aries na lamang ang itawag sa kanya. Turing niya kasi sa matanda ay parang pamilya niya na kaya tinatawag niya itong Lolo. Marahil sa katandaan ay parati nitong nakakaligtaan at laging Senyorito ang tawag sa kanya.
"Pagpasensiyahan mo na at talagang nakasanayan ko na lalo na sa Tatay mo." Napangiti ito sa kanya bago sulyapan ang dalaga.
"Aba'y kay gandang bata. Mukhang hindi ka taga-rito. Ikaw ba ay nobya ni Senyorito?" nakangiting saad ng matanda.
"H-ho?" alanganing napatingin sa kanya si Ara bago ngitian ang matanda. Mukhang nabigla sa tanong.
Pumupunta na ang matanda sa rancho. Pupunta lamang ito kung may idi-deliver na mga gamit o di kaya ay kakausapin ang kanyang Tatay. Nakikita na niya ito noon pa ngunit hanggang bati lamang. Isa pa't wala ang dalaga ng mga panahong nakilala niya ang matanda.
"Aba't nahiya ka pa, hija. Alam mo bang marami ang nanghuhumaling diyan sa nobyo mo sa tuwing pupunta siya dito sa baryo namin?" sumbong nito sa dalaga dahilan para mapangisi na lamang siya. He hold her waist and pulled her closer, like a couple.
"Si Lolo Ikong talaga baka mamaya ay magselos ito. Sweetie, si Lolo Ikong nga pala. Siya iyong sinasabi ko sa iyong gumagawa sa mga gamit ng kabayo. Lolo Ikong, si Arabella po," pagpapakilala niya sa dalawa sa isa't-isa. Ramdam niya ang pagkurot nito sa likod niya dahilan para mapangiwi siya.
"M-magandang umaga po," magalang na bati ni Ara sa matanda.
"Magandang umaga rin, Senyorita. Mabuti at napasyal ka," tatawa-tawang saad nito.
"W-wala naman po kasi akong gagawin sa hacienda kaya sumama na po ako sa kanya," magalang na saad ni Ara habang tumatawa ng pasimpleng titigan siya nito then smiled at him incredulously. Yeah, right. Napilitan nga lang talaga itong sumamasa sa kanya. Ngunit may rason kung bakit sapilitan niyang isinama ang dalaga.
"Senyorito!" sigaw ni Martha sa gawi nila. Kumaway ito sa gawi niya at sinuklian niya ito ng ngiti. Napaka-cheerful talaga ng batang ito.
"Mabuti pang pumasok na tayo sa loob at doon na mag-usap," alok ng matanda sa dalawa bago sila talikuran paalis.
"Let's go," akay niya sa dalaga and held her waist firmly.
Ngunit bagkus na sumunod ay marahas ang ginawa nitong pagbaling sa kanya. Matatalim ang mga tinging ipinukol nito sa kanya saka siniko ang kanyang tagiliran. Agad siyang kumawala sa pagkahawak ng bewang rito dahil sa sakit at iniwan siya nitong mag-isa. Napailing na lamang siya at napangisi sa inakto ng dalaga, saka sumunod na sa dalawa papasok ng bahay.
Magiliw silang pina-upo ng matanda sa maliit na mesa at binigyan ng kape at kamote.
"Pagpasensiyahan niyo na sana at ito lang ang almusal namin kanina ngayong umaga," pakamot-kamot nitong sabi ng maupo kaharap niya.
"Wala po iyon sa amin, Lolo Ikong. Sa katunayan ay nag-almusal na rin po kami kanina bago pumunta rito pero salamat po rito," pagpapalubag-loob niya sa matanda.
He knows that the old man had a hard life and he pitied him. Na kahit nagtatrabaho ito sa kanya ay nagkukulang pa rin sa panggastos nila araw-araw. Isa pa't kamamatay lang ng kanyang asawa dalawang taon na ang lumipas ng dahil sa lukemia. Kwento nito ay magsasaka silang pamilya ngunit dahil sa maliit lamang ang kinikita ay nakatapos lamang ang matanda sa highschool. Hanggang sa nagkaroon siya ng asawa at nabiyayaan ng apat na anak.
Mabait ito at napakasipag dahilan para maitaguyod nilang mag-asawa ang kanilang apat na anak at napagtapos ito sa kolehiyo. Sa ngayon ay nagtatrabaho na ang mga ito sa Maynila na may kanya-kanya na ring pamilya at ang isa naman ay nasa Jordan. Naiwan nga lamang sina Martha at Taffy sa pangangalaga ng matanda na kasalukuyang nag-aaral pa rin ng sekundarya. Minsan ay tumutulong naman ang kanyang apo sa pagsasaka tuwing sabado at linggo. Samantalang ang ina ng dalawa naman ay ang tagapagpadala bilang sustento sa pagpapa-aral nila at gamot ng matanda.
Aries get one sweet potato, break it into two and gave the half one to Arabella. "Taste this. Alam kong magugustuhan mo."
"Thanks," si Arabella at sinimulang balatan ito. Samantalang, tinawag ng matanda ang kanyang apo at malugod namang lumapit sa kanila.
"Siya nga pala mga apo, siya si Senyorita Arabella. Ang nobya ng inyong Senyorito," nang ipakilala ng matanda si Ara sa kanyang apo.
"Hello po, Senyorita. Ako po si Martha at ang kapatid kong si Taffy," pakilala nito. Bunso si Martha sa magkakapatid samantalang si Taffy naman ay ang panganay. Magiliw naman itong binati ng dalaga na may ngiti sa labi saka itinuon ang pansin sa binabalatan nitong kamote.
"Let me," ng kunin niya ang kamote saka binalatan ito.
Mukhang nahihirapan itong magbalat kaya siya na ang gagawa. Huli niya ang kakaibang pagngiti ng dalawa habang nakatingin sa kanila Ara. Mga bata talaga, oo. Matapos niyang mabalatan ay ibinigay niya ulit ito sa dalaga and smiled at her. Ramdam niya ang pagyuko nito na ikinalawak ng ngiti niya.
Kinikilig na tumawa ang bata. "Napaka-gentleman talaga ni Senyorito. Bagay na bagay po talaga kayong dalawa!"
"Pagpasensiyahan mo sana itong batang ito, Senyorita. Ganito talaga ito at kung minsan pa'y maririnig mo na lamang na tumitili sa loob ng kanyang kwarto," paumanhin ng matanda habang tumatawa.
"Si Lolo naman eh!"
"Siya sige na. Pumunta na kayo sa likod at simulan na ang mga pinapagawa ko sa inyo. May importante lamang kaming pag-uusapan rito."
"Hmph!" pagsungit nito sa matanda dahilan para lapitan siya.
"Senyorito, pwede po ba naming hiramin saglit sa likod si Senyorita Arabella?" paalam ni Martha ng sawayin siya ng matanda. Nagplease sign pa ito sa kanya dahilan para mapatingin siya sa dalaga kung okay lang ba sa kanya. Ngumiti naman ito at tinanguan siya.
"Are you sure?" kunot-noong tanong niya. Malay niya ba kung napipilitan lamang ito. Lalo na't ayaw nito sa makukulit na tao. Baka mainis lang ito at kung anong gawin sa dalawa.
"Yup, I'm fine. Lolo Ikong maiwan ko na muna po kayong dalawa. Punta na muna po kami sa likod," paalam nito sabay tayo, dala ang mug at ang kamote.
Sinundan niya ng tingin ang dalaga papalayo habang nakasunod sa dalawa. Kita niya ang bakas sa mukha nina Martha at Taffy na tila excited na makilala ang dalaga papunta sa likod ng bahay. Nang mawala sa paningin niya ang bulto ng tatlo ay dumako na ang paningin niya sa matanda.
"Kumusta po pala Lolo Ikong ang mga gamit ng kabayo?" pag-iiba niya ng usapan. Yumuko ang matanda na tila nahihiya.
Nalaman kasi niya na nagkaroon ng short supply para sa nylon at noong isang linggo pa lang nakarating sa bahay ng matanda. Tumawag kasi ito sa telepono para humingi ng palugit. Isa pa't napag-usapan rin nila ang araw kung hanggang kailan nila matatapos ang mga ito.
"Wala ho iyon, Lolo Ikong. Mabuti na rin iyon para makita ni Arabella kung paano kayo gumawa. Isa pa't balak ko rin talagang tumagal rito ng isang linggo," totoo sa loob niyang saad ni Aries. Sasabihin na lamang niya ito sa dalaga at mukhang maiintindihan naman nito.
"Salamat, Senyorito," pasasalamat nito. Tumango lamang siya at sinimulang kumain.
"Tutal ay dito kayo mananatili, bakit hindi kayo mamasyal sa ilog? Magandang pasyalan iyon at pwede rin kayong humuli ng mga isda," saad nito kapagkuwan.
"Sa iba na lang po kami mamasyal, Lolo Ikong. Masyadong delikado po roon para sa kanya," saad niya na agad na lang sinang-ayunan ng matanda.
♠️
YOU ARE READING
Dream Girls #2: Maria Arabella, Fashionista to Probinsyana
RomanceLet me ask you: what kind of girl would you want to date? I knew that every girl is different, so I want you to meet... Dream Girls #2 Maria Arabella, Fashionista to Probinsyana She loves fashion and she can't deny it. She loves shopping, dr...