~Chapter Eight~

129 3 0
                                    

Aries is busy talking with clients who are interested to buy some horses. Medyo matagal ang kanilang pag-uusap dahil sa maraming tanong ang mga ito. Pihikan ang gustong bumili ng kabayo kung kaya't gusto nilang makasigurado sa bibilhin nila. Pagkatapos mag-usap ay ipinakita ni Aries ang lahat ng klase ng kabayo sa kanilang kwadra. Nagustuhan ng lima ang mga kabayo at wala naman naging problema kung kaya't nai-close niya ang deal.

"Thank you, Mr. Mondragon." Si Aries habang nakikipagkamay sa gustong bumili ng kabayo na isang business tycoon sa Manila.

"You're welcome."

Napasulyap sa likuran ni Aries ang matanda kung kaya't napalingon na rin siya. Nakangiting nakatingin ito sa kanila sabay kaway sa kanya.

"Mukhang napatagal ang usapan natin kung kaya't marahil sinusundo kana ng asawa mo," saad ng matanda sa pagitan ng tawa kung kaya't agad siyang napasulyap sa mukha nito.

"I'm sorry, Sir. But you've got a wrong idea. She's my friend and I'm not yet married." Nakangiting saad ni Aries sa matanda.

"Oh, my mistakes. But how come? She's pretty and it's impossible for a guy to find her attractive."

Napangiti na lang si Aries habang nakatingin sila sa gawi ng dalaga. Kauuwi pa lang nito galing New York at hindi niya alam kung anong tumulak rito para bunalik sa Pilipinas. Doon na ito nagpatuloy sa pag-aaral habang siya ay nasa Texas. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang komunikasyon nila sa isa't-isa kahit may trabaho na sila.

Highschool pa lamang siya ay naging kaibigan niya ito at madalas silang mapagkamalang magkasintahan dahil sa pagiging close nila sa isa't isa. Maging ang mga barkada niya ay tinutukso rin sila pero sa tagal ng kanikang pagsasama ni katiting na pagtingin ay wala siyang naramdaman kundi parang kapatid niya lamang.

Ariela is a pretty woman. Kahit nasa Texas pa siya ay pilit nililigawan ng mga barkada niya ang dalaga ngunit ni isa sa kanila ay hindi nito pinaunlakan. At ang dahilan nito ay may iba na raw itong mahal.

"Sige, hijo. I have to go." Dahilan kung bakit napalingon siya sa kausap.

"Thank you for your trust and have a safe trip, Mr. Mondragon."

Nagkamayan ang dalawa saka tumayo na ang matanda papunta sa mga kasamahan nito. Inutusan ni Aries ang isa sa trabahador nila na ihatid sa labas ang lima na agad namang sumunod sa kanya. Pagkatapos ay tinalikuran niya ito papunta kay Ariela.

"Hey!" Bati sa kanya ng dalaga ng makalapit.

"Ariela, I thought you already left."

Pagkatapos kasi ng masamang engkwentro nila sa mansion ay pinauwi niya muna ang dalaga upang sa gayon ay magpahinga na muna. Humingi rin siya ng patawad tungkol sa magaspang na pag-uugali ni Arabella kanina. Marahilay naiintindihan rin siguro na pagpasensiyahan ito kung kaya't tila balewala lang ito sa dalaga.

Ngunit iba ang bumabagabag sa kanya. At kung ano man iyon ay saka na niya na lamang iisipin. "Boring lang sa bahay at wala rin naman akong gagawin. Kaya naisip kong hintayin na lang kita para samahan ako."

"Saan?"

"Gusto kong ipasyal mo ako sa ciudad. Miss ko na kasing kumain sa cerenderia eh."

Nakangiti pa rin ang dalaga na tila pinapapayag siyang sumama sa kanya. Tinitigan niya saglit ito saka sumulyap sa ibang trabahador na tila halos sa kanila nakatingin.

"I have work," dahikan ni Aries.

"But it can wait. Sige na kahit ngayon lang, please?"

Niyugyog nito ang magkabila niyang braso na parang bata kung kaya't pilit siyang napangiti. Kahit kelan talaga ay may pagka-isip bata ang dalaga kung minsan.

Dream Girls #2: Maria Arabella, Fashionista to ProbinsyanaWhere stories live. Discover now