Kinabukasan ay pilit munang iwinaksi ni Ara sa isip ang tungkol sa dalawa. Lalong lalo na sa binata. Sinikop niya na lamang na ibaling ang atensiyon sa pamamalakad ng hacienda. Alam niyang hindi pinapabayaan ng kanyang abuela ngunit gusto niya pa ring tingnan. Lalo na ang ginagawa ng mga trabahador.
Kasalukuyan siyang naglilibot sa plantasyon nang mapansin niya ang isa sa trabahador na nagpapakain ng damo sa kabayo. Marami namang trabahador na tumitingin sa kanya ngunit tila may kahulugan ang bawat titig nila. Kung hindi siya nagkakamali ay si Mang Isko iyon, isa sa mga trabahador na matagal nang naglilingkod sa pamilya nila. Halos pagkamangha at papuri ang naririnig niya but she ignored them. Pumasok siya sa pinaka-quarter ng mga trabahador. Doon kasi nagsasama-sama ang mga trabahador kapag tanghaliang tapat. Karamihan kasi sa kanila ay doon na kumakain dala ang baon nila.
Ngunit iba ang araw na ito. Nagpahanda siya kay Manang Linda ng isang pananghalian para sa lahat ng trabahador. At espesyal na leche plan bilang dessert na gawa ni Gretta. She planned it upang makasalo niya ang mga ito sa isang masaganang pananghalian. Lalo na't ilang araw na rin ang pamamalagi niya sa hacienda ay hindi niya pa rin nakakasalamuha o nakakausap ang mga ito. Galit pa kasi siya sa mga nagdaang araw dahil sa biglaang desisyon nag kanyang ama at abuela. Sa hindi niya inaasahan ay nagkitang muli ang dalawa. Hindi lang nagkita kundi makakasama niya sa veranda para bantayan siya. Mariin man ang pagtanggi niyang makasama ang binata sa iisang bubong, may parte pa rin sa puso niya na hinahanap ang presensiya nito. Gayunpaman, mas nananaig pa rin ang bugso ng kanyang galit dahil sa mga pangyayari.
Hindi pa man tapos ang kanilang trabaho ay pinatawag niya ang mga ito sa loob. Walang imik itong nagsipasukan sa kwarter at abot tenga naman ang kaniyang ngiti nang magpakilala sa mga ito. At ang kanyang pakay para sa munting salo-salo. Samo't saring palakpakan at pasasalamat ang kaniyang naririnig hanggang sa isa-isang nagpakilala ang mga ito sa kanya. Magiliw niya namang inaabot ang kanilang mga kamay bilang pakikisama. Hanggang sa nagsimula ang kainan at tulad ng mga ito ay nagkamay rin siya sa pagkain. Adobong baboy at laing ang menu nila at tunay naman siyang nag-eenjoy sa pagkain.
Habang kumakain ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa samo't saring kwentuhan at panaka-naka'y napapatawa rin siya.
"Maraming salamat po sa pagkain, Senyorita. Mabubusog po talaga kami," si Bolit na ganado pa ring kumakain. Agad siyang napangisi nang masilayan na puno ng pagkain ang buong plato nito. Na tila wala itong pakialam kung lumobo man ang katawan nito o hindi. Compared to her, she needs to take care of her body just to remain fit. Hinay-hinay lang lalo na't oily at matamis ang inihain niya sa lahat.
Gayunpaman, nahalata ito ni Aling Bebang kung kaya't siniko nito ang kanyang anak. Mahina at malumanay ang boses nito nang sitahin nito si Bolit. Isa pa't ilang agwat lamang ang lapit niya sa dalawa para hindi marinig ang sinabi ng matanda.
"Pasensiya kana sa asal ng anak ko, Senyorita," nahihiyang paumanhin ng ginang sa kanya.
"Naku, okay lang po, Aling Bebang," tawa niya ng balingan si Bolit. "Masarap ba?" tanong niya.
"Talaga masarap po, Senyorita," sabay thumbs up nito.
"Kayo po, Mang Isko? Kuha lang ho kayo kung gusto niyo pa," alok niya sa matanda.
"Sige lang hija, salamat."
Kung ano man ang bungad niya kay Mang Isko noon ay ganoon pa rin ito hanggang ngayon. Bukod sa puto na ang mga buhok at kulubot na ang balat nito, masayahin at mabait pa rin itong tao. "Kumusta kana, hija?"
"Mabiti naman ho, Mang Isko. Kayo po kumusta?" magiliw niyang saad dito.
"Heto tumatanda na pero masaya. Matagak nang panahon na hindi kita nakita pero heto ka ngayon lumaking isang napakagandang dalaga, hija."
YOU ARE READING
Dream Girls #2: Maria Arabella, Fashionista to Probinsyana
Roman d'amourLet me ask you: what kind of girl would you want to date? I knew that every girl is different, so I want you to meet... Dream Girls #2 Maria Arabella, Fashionista to Probinsyana She loves fashion and she can't deny it. She loves shopping, dr...