PROLOUGE

94 35 31
                                    

Si Kitano ay Laking Miranasa na dumama ng lahat ng hirap at sikap upang makatulong sa pagtaguyod ng Pamilya kung kayat ganun na lamang ang inis nito kay Jallente.

Si Jallente ay laking Estados, mayabang ito ayon sa nakararami at napakataas ng tingin sa sarili dahil anak siya ng pinakamakapangyarihan na tao sa kanilang bayan. Si Jallente ay anak ni Gobernador Juarlito Escobar na wala ng ibang ginawa kundi kumolekta ng buwis at tumayo ng mga establishimento.

Walang problema ang mga tao sa mga establishimentong pinapagawa nito ngunit madami ng nawawalan ng trabaho at mura ang bili nila sa bigas at iba pang bilin kung kaya't nalulugi ang mga magsasaka at negosyante.

Nalalapit nang umuwi si Jallente at yun lamang ang pinaguusapan ng buong bayan, ang lahat ay nasasabik dahil sa unang pagkakataon papayag ang Gobernador na magpapasok ng mga simpleng tao sa bahay nito.

Ngunit hindi ito nagustuhan ni Kitano sa tingin niya ay normal na tao lang din naman ang Gobernador na di dapat pinupuri masyado gayong di naman ito ganun kabuti.

Si Jallente at Kitano ay dati palang magkaibigan na pinaglayo ng tadhana. Tunay ngang binago na sila pareho ng panahon, nagkaroon ng sariling paniniwala at paninindigan ang mga dating bata.

Magiging magkatunggali nga ba? O magiging katuwang ang isat-isa upang isilang ang bagong Miranasa???

Abangan ang kanilang paglalakbay, Kilalanin ang kanilang makakasalamuha. Hati sa opinyin ng bayan noon hanggang ngayun bah? Magkahati sa lahat pati pag-ibig

Alamin sa unang kabanata :)

Miranasa: Unang Kabanata[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon