Chapter 41

499 27 3
                                    

Jen'

Nagising ako samalakas na busina na ginawa ni Xian. Tanghali na pero heto pa rin kami nag babyahe sa kung saan na sya lang ang me alam, may nakikita akung bundok sa kanang bintana ng kotse at dagat naman sa kaliwa naman ng bintana dun Kay xian

Mahahalatang Wala na nga kami sa syudad. Pero ang ipinatataka ko ay bakit sya bumubusina ng malakas eh mukhang kami Lang ang sasakyang dumadaan dito. Ang weird pero bat angtahimik ata ng lugar nato, saan ba to?

"Bat ka bumubusina ah? Eh Wala namang sasakyan sa harap!?"

"Ay gising kana pala?"

"Ay hindi tulog pako, buset ka! Ang ingay mo!"

"Ito naman mainit agad ang ulo eh"

"Bat ka nga bumubusina?"

"Para magising ka?"

Kita mo na!?

Napaka walang ut-- nevermind, inborn na nga pala syang ganyan

"San naba tayo? Jusko naman kaloka! Malayo paba tayo dyan sa lugar na pupuntahan natin?"

Nakakainis naman kasi eh! Hindi nya manlang sinabing mag oout of town pala kami edi Sana naka pag prepare ako.tsk.

"Malapit na tayo okay? Malapit na malapit na"

Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin nalang sa bulubundukin na nakikita ko sa gilid ko ng may maalala

Himala Hindi sya nag aaktong childish ngayun ah?

Napatingin ako kay Xian na busy sa pagmamaneho ng bigla syang tumingin sakin at ngumiti ng pagka lawak lawak

Binabawi ko na, ganun parin pala sya.Tsk.

At nakarating nga kami. Iniliko nya ang kotse papunta dun sa isang bulubundukin na Hindi naman masyado matarik at huminto sa harap ng isang..

"Vacation house?"tanong ko na nasa bahay parin ang tingin

"Oo bakit? Inaasahan mo siguro na dadalhin kita sa hotel no? Dzuhh asa kapa!"

Nagulat ako sa sinagot nya. Grabe, pabago bago talaga sya ng personalidad! Nagtataka rin ako sa sarili kong bakit ko hinyaan na sumama sama at tumira sakin ang Baliw nato! Nakakaloka

Pinagbuksan nya ako ng pinto at ng makalabas ako ay tinarayan ko sya pero Ang Loko ngumi ngiti lang. Pumasok kami sa gate at sa loob ng vacation house at masasabi kong maganda ito

Malawak ang space sa labas may mga puno at may fountain pa na may mga isda. Lumabas ako at nilibot ito at hanggang makarating ako sa likod ng bahay ay Nakita ko ang mga gansa at pato na nasa isang malaking espasyo na nilagyan ng bakod. Nakakatuwa lang dahil maging ang mga Pato at gansa ay may malaking pond sa gitna na Kung saan ay pwede sila ruon magpalutang lutang

Mapatag tignan ang lugar kasi naka puwesto ito sa ginta ng bulubundukin na napapalibutan ng matataas na mga puno Kaya Hindi mo talaga makikita ang bahay kung Hindi mo sasadyaing pumunta at dumaan sa daanan nito na dinaanan namin ni xian kanina

Ang Ganda ng lugar. Nakakarelax, sariwa ang hangin hindi tulad sa syudad na puro polution ang maamoy mo

"Nagustuhan moba ang lugar?"

"Hmm medyo"

Natawa ako Kay xian sa naging reaksyon nya sa sinabi ko pano ba naman kasi nakakunot ang noo nya at ngumunguso pa

Para syang batang inagawan ng candy tignan. Ang cute nya

Hindi pala. Katamtaman lang

"So, bakit moko dinala dito?"

Pero sa halip ay Hindi ito sumagot at nanatili Lang syang nakatingin sakin at bumaling ng tingin sa mga gansa na busy sa pagtampisaw sa pond nila Kaya napatingin nalang din ako soon at maparelax sa tanawin na nakikita ko

Ang gand nila. Sing Ganda ko, choss

Niyaya ako ni Xian na pumasok muna sa loob ng vacation house at maghapunan. Dun ko narin napagtanto na hindi lang kami ang nandito sa house nato

Okay? So may mga kasambahay pala dito..

Naghapunan na nga kami ni xian. Pagkatapos nun ay nagpahinga muna ako sa kwartong sinabi ni xian sakin na soon daw ang kwarto ko

At ginawa ko nga. Nagpahinga nga ako

Siguro naman magiging okay ako dito diba?

Sana nga..

Sana nga..

___________

SORRY FOR MY LATE UPDATE GUYS, NABUSY LANG SI AKO PERO I'M DOING MY BEST NAMAN NA MAKAPAG UPDATE SO PLEASE INTAY INTAY LANG OKAY?

INSTAGRAM:
aprilkeithababon

TWITTER:
Rabbitcake25

My Childish Boyfriend (Complete)Where stories live. Discover now