So.. isang linggo na ang makalipas mula no'ng dumalaw Sina Alexandra sa condo at napagbalitaan na kami na nga ni xian. Sa loob ng isang linggo mas lalong naging sweet at mapagmahal si Xian na syang pinahalagahan ko ng masyado
Masaya ako. Sobrang sumaya ako mula nang maging Boyfriend ko si Xian, I mean masaya naman ako nung kami ni Ivan dati pero iba kasi itong ngayun na si xian ang boyfriend. At ngayun nasa E.K ulit kami kung saan kami nagpunta noon. Iniwan ko muna sya saglit kasi pumunta muna ako sa Comfort room para ano pa ba? Edi mag cr. Dzuhh!
Okay naman Sana yung pag cr ko ang ipinagtaka ko lang ay nung pagbalik ko si Xian! May kasamang bata'ng lalake! Hindi yung Bata na tumatambay dun sa bahay nil ah? Ibang Bata ito ngayun mas Bata pa dun sa kaibigan ni Xian
"Xian? Anong ginagawa mo? Sino yang bata?"tanong ko ng makarating ako sa kinaruruonan nya
"Ah Jen, pwede mo ba kaming bilhan ng ice cream. Ay ako Lang pala hihihi"
Nagtataka ako sa inasal ni xian. Para'ng may tinatago na parang ewan kaya nangunotang noo ko. Anong binabalak gawin ng kumag nato?
"Bibilhan Kita ng ice cream pag sinagot mo muna ang tanong ko. Sino yang bata?"
"Basta Hindi mo dapat malaman. Diba?"sagot nito at nilingon ang Bata na agad namang tumango sa kanya. Kaya mas lalo ako nagduda na may tinatago sya sakin
"Xian!? Tanungin ulit Kita, Sino yang bata"
"Basta nga, Jen Hindi mo pwede malaman!"
"May tinatago kaba sakin? Umamin ka nga anong binabalak mo'ng gawin"
"Alam mo kesa sa mag talo tayo rito
bat di mo nalang ako ibili ng ice cream"hayst! Napaka isip bata talaga nya di ko na kaya.
"Sagutin mo muna yung tanong ko sayo!"
"Ano! Nagseselos ka nanaman! Ibili mo na kase ako ng ice cream!"
One percent ka nalang sakin kang kumag ka at sasapakin na talaga kita!
"Hindi ako nagseselos tinatanong ko nga kung sino yang kasama mong bata?!"
Nakakainis!
"Anak ko..."
"Ha?"
"Anak ko sya"
Whattt!
"Pano?!"
"May babae kaseng lumapit sakin kanina ang sabi nya anak ko raw tung bata, e totoo raw sabi din nong bata kaya naisip ko yung sinabi ni mommy na ANG MGA BATA, HINDI NAGSISINUNGALING kaya naniwala ako hehe"
Tangina!!
"Naniwala ka naman?!"
"Oo.. Yun yung sabi ng babae e."
Buset na lalake talaga oh!!
"Where's my ice cream?"
Tangina! kalma lang Jen baka mapatay mo, boyfriend mo yan!
"Okay fine bibili na po!!"
Why, bakit bakit!!!
Sa dinami-daming lalakeng maging boyfriend ko bat yung...
Bat yung childish pa!!
Pero sa halip na mag isip pa ng Kung ano ay bumili nalang ako ng ice cream. Na sa kasamaang palad pa ay ang haba ng pila! Nakakainis.
Wala ako'ng choice kundi ang pumila at maghintay ng turn ko at bumili ng isang Chocolate ice cream pero mas nainis pako ng pagbalik ko ay Wala si Xian at yun bata'ng lalake na kasama nya. Lalong lumala ang hinala ko na may tinatago nga sakin ang lalakeng yunNatigil ako sa pag iisip kung anong pisibilidad na binabalak ni Xian ng may biglang sumundot sa pwetan ko kaya nilingon ko agad yun at makilala kung Sino. Yung bata'ng kasama ni xian
"Asan si Xia--
Hindi ko natapos ang tanong ko ng bigla nya ako'ng abutan ng isang Sunflower at nung tinanggap ko na'y tumakbo sya papunta sa nagdadagsahang mga tao. Ang ice cream na hawak ko ay unti unti ng natutunaw kaya tinapon ko yun at Dali dali'ng sinundan yung Bata, baka kasi Kay Xian sya papunta kaya sinundad ko.
Pero sa kasamaang palad ay hindi ko ito makita sa sobrang daming tao. Hindi ko Alam kung saan yung nagsusuot. Magpapatuloy na Sana ako sa paghahanap ng may isang babae ang lumapit saakin at binigyan ako ng sunflower. Ang weird lang pero unti unti ko ng nauunawaan ang lahat ng nagsimula'ng bigyan ako ng sunflower ng mga tao, Hindi ko mapigila'ng mapangiti sa ginagawa nila. Mapa Bata o matanda man lahat sila binibigyan ako ng sunflower
Masaya ako'ng tinanggap ang mga ibinigay nila ng may sumundot ulit sa pwetan ko at ng lingunin ko ay yung bata nanaman nakangiti sya sakin at inaya ako papuntang entrance ng Ferris wheel. Sasabihin kopa Sana sa kanya na Wala ako'ng ticket at kung nasan si xian pero bigla ako nilapitan ng bantay sa entrance at sinabihan ako'ng sumakay. Naguguluhan man ay sumunod ako at ng makasakay ako ay dun ko Nakita si Xian may dala rin syang tatlong sunflower na agad ibinigay sakin at inalalayan ako'ng maupo sa tabi nya at nagsimula ng umikot ang ferris wheel
"Para saan ang lahat ng mga ito?"nakangiti kong tanong
"Para sayo"
Pinanguotan ko sya ng noo at nagdududang tumingin sa kanya na ikinatawa nya
"What's with that look? Totoo nga. Para sayo lahat ng to"
Magsasalita Sana ako ng biglang tumigil ang pagiikot ng ferris wheel at saktong na sa pinakamaas at pinaka gitna kami
"May gusto ako'ng ipakita sayo Jen,"
Napatingin ako kay Xian ng sabihin nya yun at ng ngumiti sya at napangiti narin ako
"Gusto ko'ng Makita kung gaano yun kaganda" Sabi nya at tinuro ang nasa bandang gilid ko at dun ko nakita ang napakagandang tanawin ng paglubog ng araw. Naluha ako sa ganda nun, ang Ganda ng pagkakakulay kahel ng mga ulap. Hindi naman ito ang unang beses na panuorin ang paglubog ng araw, sa totoo nga ay lagi ko yung ginagawa nung nasa high school palang ako natigil lang ng maging busy sa college at ngayun ko nalang ulit napanuod
I miss this feeling of mine while looking at sunset
Ng tuluyan ng lumubog ang araw at nabalot na ng dilim ang paligid ay hinarap ko si xian na syang nakatitig Lang sakin. Niyakap ko sya na ikinabigla nya pero yumakap din pabalik ng makabawi
"Alam ko'ng marami ka ng supresa'ng ginawa sakin at subrang saya ko nun at labis na nagpapasalamat pero ang iisang supresa lang ang labis ko'ng pinasasalamatan" naiiyak kong Sabi
"Ano ang supresa na yun?"
Naiyak ako Lalo sa tanong nya at mas niyakap pa sya ng mahigpit
"ikaw Xia... Ikaw ang supresa'ng yun, nagpapasalamat ako at binigyan ako ng supresa'ng tulad mo.. salamat Xian. Salamat at dumating ka sa buhay ko"Humiwalay si Xian sa yakap namin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi at ngumiti ng malaki
"Mas nagpapasalamat ako kasi nakilala kita... Nagpapasalamat ako diyos kasi binigay ka nya sakin"
Nagyakap ulit kami at ng mahigpit. Tinignan ako ni Xian sa Mata at sabay sabi'ng...
"I really, really.. love you, Jen"Sabi pa nito
Lalo namang naguumapaw ang emosyon na nararamdaman ko at diko na napigila'ng Halikan sya na agad nya rin namang tinugon at ng matapos ay ngumiti kami sa isat isa
"I really, really, really.. love you too, Xian"
Sabi ko at niyakap sya ulitMarami pa ang nangyari ng araw na iyon at wala na ako'ng ibang ginawa kundi ang sumaya sa napakagandang supresa ni Xian para sakin, sobrang na appreciate ko Yun. Na nagawa ko pa'ng hilingin na sana, sana Hindi na matigil ang kasiyahan na ito sakin. Sana ganito nalang kami palagi, masaya at walang inaalala'ng problema...
YOU ARE READING
My Childish Boyfriend (Complete)
RomanceThis is my first ever story please read and enjoy thanks 🥀